Chapter 49 "HE'S MY BOSS" Sarah POV: Naka-ukit ng malawak ang aking labi ngayon habang kasama ko si Gino. Matapos naming bumili ng mga mamahaling damit ay sya na rin itong pinabitbit ko non, samantalang ako naman ay nakapulopot sa kanyang braso habang tinutungo namin ang kotse nya sa may parking lot. "Bhoo, thank you sa lahat ng to ha? Grabe, pinasaya mo ako." wika ko sa kanya nang huminto kami dalawa sa tapat ng kotse nya. Dinampian ko na rin ng halik ang kanyang pisngi pero maagap naman nitong iniwas ang kanyang mukha nang akmang hahalikan ko ang kanyang labi. "Hatid na kita sainyo Sarah." walang ekspresyon na sambit na lamang nito at nauna na syang pumasok sa loob ng kotse. Napangiwi na lamang ako dahil sa inis na biglang umapaw sa akin ngayon. Ano bang nangyayari kay Gino?

