Chapter 54 "HE'S MY BOSS" Airah POV: Hindi ko alam kung paano ako nakaalis sa aking pwesto matapos akong halikan ni Jutay sa harapan ni Jake. Basta ang alam ko lang ay may taong humila sa akin at hanggang ngayon at hawak-hawak pa rin nya ang kamay ko habang tinatahak namin ang likod ng aming building. Nang matunton namin yon ay huminto na kami sa pagtakbo kasabay ng pagbitaw nya ng aking kamay. "Annie?" Hindi makapaniwalang bigkas ko nang makilala ko yung taong humila sa akin. Yes, si Annie. Isa sa mga kaibigan ko. Ang kanyang tingin ngayon ay may halong pagtataka na tila ba naguguluhan sa pangyayari. "Airah, kaibigan mo ako right? Pero ano ba talaga ang totoo? Gulong-gulo na kasi ako. Liniligawan ka ni Jake pero boyfriend mo na pala si Gino? Paano nangyari yon?" tanong nito sa

