CHAPTER 89 "HE'S MY BOSS" AIRAH POV: Naglilinis ako ng bahay sa mga oras na to. I decided na ito ang gawin ko dahil nga't matagal-tagal ko na ring dinalilinisan ang buong kabahayan. Sinisiguro ko na wala ng dumi o alikabok sa bawat sulok ng aparador, lamesa, at maliit na kama ko. Natagalan rin ako ng halos isang oras bago ko natapos ang lahat. Balak ko sanang maghugas ng aking kamay ngayon dahil medyo nangangati na ako. Kaso may biglang kumatok sa pinto dahilan para matigilan ako sa paglalakad papuntang lababo. Kaya mas inuna kong buksan yon dahil baka may nakalimutang sabihin ang binata sa akin. "Oh, akala ko ba umuwi ka na Jake?" Yan ang bungad na tanong nang saktong pihitin ko knob para buksan. Buong akala ko ay si Jake yung taong kumakatok pero nagkamali ako. Nagkamali ak

