Chapter 42 "HE'S MY BOSS" Airah POV: Masyadong mabilis ang pangyayari ngayon. Di ko namalayan ay nandito na ako sa loob ng kotse ni Jutay. Hindi ko lubos-maisip kung bakit ganito sya kung maka-akto sa akin. Kanina lang ay marahas nyang inagaw ang aking kamay nang hawakan ito ni Jake. Inakbayan nya rin ako ng mahigpit kasabay ng pag-alis namin sa harapan ng lima kong kasama sa canteen. Ewan ko ba, pero sa araw na to masyado ng magulo sa akin ang lahat. Katahimikan ang bumalot sa amin sa loob ng kotse ni Jutay. Gustuhin ko mang magtanong sa kanya pero tila ba napaurong ang aking dila nang mahigpit nyang hinawakan ang manibela. Ibang-iba na Jutay ngayon ang aking nakikita sa kanya. Alam kong parte na sa kanyang sarili ang pagiging strikto at bossy sa akin pero ngayon hindi ko maip

