Chapter 31 "HE'S MY BOSS" Airah POV: Maaga akong nagising dahil nga may pasok akong 7: o'clock a.m ngayong araw sa aming University. Nagluto na agad ako ng almusal at matapos non ay naligo na ako. Kailangan ko munang umuwi don sa tinitirhan ko dati dahil nandon yung uniform ko at gamit sa paaralan. Syempre dahil wala akong pera ay ginising ko si Jutay para humingi ng pamasahe sa kanya. "Jutay, bilis na kasi. Kailangan ko ng pera. May pasok ako ngayon." Pangungulit ko rito habang niyuyogyog ko sya. "Tsk. Hatid na lang kita." sambit nito sa akin at mabilis pa sa alas-dos na bumangon ito sa pagkakahiga. Napanguso na lamang ako sa kanyang tinugon kasabay ng aking pag-iling. "Kuripot talaga." Wala sa sariling bigkas ko. Gaya ng sinabi ni Jutay ay sya itong naghatid sa akin. Tumungo mu

