Chapter 86 "HE'S MY BOSS" Jutay POV: Natapos ang araw at dito na nagpalipas ng gabi si Sarah. At ngayon, panibagong araw na naman ang sumapit. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at nagluto na ako ng almusal.Kailangan kong makabawi man lang sa babaeng kasama ko ngayon.Marami na akong naging kasalanan sa kanya kaya gusto kong maibsan kahit papano ang sakit na pinaranas ko sa kanya noon. "Gino, hmm what are you doing?" Medyo antok pang tanong ng dalagang nasa likuran ko. Pangiti naman akong lumingon sa kanya. "Gising ka na pala Sarah, sorry hindi pa ako tapos magluto ng almusal." sambit ko rito. "Y-you mean, para sa akin yang niluluto mo?" pagtatanong nya muli sa akin. "Yes para sayo nga." patangong sagot ko . Bahagya naman syang napangiti at lumapit sa akin. "Bakit mo naman gin

