Chapter 83 "HE'S MY BOSS" JAKE POV: Napatahimik bigla si Airah nang makita nya ang naging reaksyon ng mukha ni Gino rito. Yung kaninang tawanan namin sa loob ay napalitan ng katahimikan. Nang umalis si Gino ay hindi na ito kumibo at tila nawalan ng gana. Matapos kong bumili ng gamot ay bumili na rin ako ng mga masusustansyang pagkain para kay Airah. At kanina lang ay masaya kaming lima na nagkekwentuhan habang sinusubuan ko pa ng prutas ang babaeng mahal ko. Pero ngayon, halos makabasag pinggan na kami dahil hindi na muling nagsalita ang dalaga. Hindi ako manhid para hindi maramdaman ang kakaibang namamagitan kila Gino at Airah. Kahit hindi nito sabihin, nararamdaman ko na meron syang pagtingin sa binata at nasasaktan ako kapag sumasagi yon sa aking isipan. Matagal ko na tong na

