Chapter 38 "HE'S MY BOSS" Jutay POV: Habang kumakain kami ng fries ni Sarah ay nakita ko namang lumabas ng kwarto si Jake. "Buti naman at naisipan mo ring lumabas." sambit ko rito kaya agad syang napatigil at napatingin sa aking gawi. "Masyado ka kasing feel at home sa bahay ko." muling sabi ko rito. Medyo inalis ko ang pagkasanday ni Sarah sa aking dibdib at umupo ako ng maayos. "So kumusta naman ang pagsasama nyo ni Airah sa loob? Masaya ba?" tanong ko sa kanya. Ngumiti naman ito sa akin ng nakaka-insulto. "Sobrang saya. Mas masaya pa sa ginagawa nyong dalawa." ngiting sagot nito. Bigla naman akong nakaramdam ng pagka-inggit at inis sa lalaking kaharap ko ngayon. Kung dati ay kaibigan at barkada ang turing ko sa kanya, ngayon ay pinagsisihan kong nakilala ko ang tulad nya. "B

