Chapter 72 "HE'S MY BOSS" Jutay POV: Halos hindi ko maigalaw ang aking katawan ngayon dahil sa pinapanood ko sa YouTube. Hindi ko lubos maisip na magagawa ni Airah sa akin to. Ayoko sanang maniwala pero sa mga kilos ni Airah sa video halatang gustong-gusto nya ang ginagawa sa kanya ng dalawang lalake. Ito ba ang dahilan kung bakit ayaw nya sa akin magpasama? Ito ba ang dahilan kung bakit umuwi ang driver na hindi sya kasama? At ito ba ang dahilan kung bakit hindi nya sinasagot ang tawag ko kanina? Kaya ba masyadong nagmamadali si Airah kanina ay dahil makikipagkita sya sa mga ito? Dahil sa mga pumapasok sa isip ko ngayon ay tinungo ko ang kusina at kumuha ako ng maiinom. Gusto kong magpakalasing sa mga oras na to at kalimutan kung ano ang napanood ko. Pero tangina! Malinaw pa r

