Chapter 68 "HE'S MY BOSS" Jutay POV: FUCK! Seryoso ba si Airah na ito ang ipapagawa nya sa akin? Tangina! Hindi ko yata makakaya to! Nagsasalubong tuloy ang aking magkabilang kilay habang hawak-hawak ko ngayon ang damit na hindi ko maintindihan kung ano. Narito kasi kami ngayon sa kilalang Ukay-ukay sa Albay. "Oh? Bat parang ayaw mo yata Gino?" saad nito nang mahalata nya ang kakaiba kong ekspresyon. Magkasama nga kami ngayon ni Airah pero ang distansya namin ay medyo malayo.Hindi talaga ako makadikit o makahawak man lang sa kahit anong parte ng katawan nya. "Airah, ano ba kasing gusto mong ipagawa? Pwede bang maging straight to the point ka naman?" tanong ko sa kanya. Hindi ko na kasi mahulaan ang tumatakbo sa isip nya "Basta, suotin mo na lang muna to at malalaman mo mamaya."

