Chapter 17 "HE'S MY BOSS" Jutay POV: Tuwang-tuwa ngayon si mom dahil sa biglang pag-uwi ni dad. Kitang-kita ko kung pa'no hagkan ni mom ang labi ng aking ama kasabay ng pagyakap nito ng mahigpit. "Buti naman at umuwi ka na hon. Akala ko nga, sa sunod na araw pa ang dating mo.", malambing na wika nito. Yung kaninang galit na boses, napalitan ngayon ng kasweetan. "Namiss na kasi kita hon. Matagal-tagal na ring hindi tayo nagsama dahil pareho tayong busy sa trabaho.", "Ohh, how sweet mo naman honey.", sambit ni mom rito at hinalikan muli si dad. Napailing akong tumalikod sa kanila at akma na sana akong aalis, kaso pinigilan ako ng aking ama. "Gino, mag-usap tayo." Napalingon ako ng wala sa oras kasabay ng pagkakunot-noo ko. "For what?" "Tungkol sa ex-fiance mo. Yung kinwento sa ak

