Chapter 77 Third Person POV MAKALIPAS ang tatlong oras ay natahimik na ang buong bahay, umalis si Candice na sobrang galit na galit, lumapit si Mckenzie kay Malia. Nakabihis na ng pormal na damit, handang umalis, pero halatang mabigat ang dibdib. "Aalis muna ako," mahinahon nitong sabi. "May kailangan akong ayusin sa hospital. This Friday...darating na ang bagong may-ari. Gusto niyang magkaroon ng big event para sa arrival niya, a full introduction to everyone." Pormal na pagkasabi ni Mckenzie pero ramdam ni Malia ang lungkot na nakapalood sa tinig nito—parang may dinadala itong hindi sinasabi. May kumislot sa dibdib niya, parang bigla siyang hinawakan sa loob at hinigpitan. Hindi niya maintindihan kung bakit. Bakit ako naaapektuhan? Bakit parang naaawa ako? He broke me. He ruined

