Chapter 54 THIRD PERSON POV NASA loob ng NICU si Mckenzie, tahimik, halos walang gumagalaw sa paligid maliban sa mahinang tunog ng mga makina at hinga ng mga sanggol sa incubator. Ilang ulit siyang napalunok habang pinagmamasdan ang dalawang natitirang sanggol. Ang una, isang munting babae na may maputing balat at mahabang pilik na tila kay Malia, mahina pa ang paghinga pero lumalaban. Nakapikit ang mga mata nito, at sa bawat paggalaw ng maliit na dibdib ay ramdam niya ang t***k ng buhay na pilit kumakapit. Ang isa naman, ang kakambal nitong lalaki—mahina man, pero halatang matatag. May pahiwatig ng pamilyar na katangian sa mukha nito, parang pinagsamang Malia at siya. Napapikit si Mckenzie, at muling tumulo ang luha na kanina pa niya pinipigilan. Wala siyang ibang masisisi. Siya lang.

