Chapter 37: Natahimik

1859 Words

Chapter 37 Malia Shanaya Torres PAGLIKO ko sa hallway, halos mabangga ko si Lani na parang nagmamadali. Hindi pa man ako nakakapagbuka ng bibig ay agad niya akong hinila, mahigpit ang kapit sa braso ko. "Gising na si Adler, bilis!" halos pabulong pero puno ng excitement ang boses niya. Parang tumigil ang oras nang marinig ko 'yon. Hindi na ako nagtanong. Tumakbo na rin ako. Ang puso ko, parang may sariling buhay—malakas, mabilis, at halos sabay sa bawat hakbang ko. Pagdating namin sa harap ng room, sabay naming binuksan ang pinto, parang wala nang oras para sa pag-aalinlangan. Nando'n sina Doc Bustamante at Doc Medrano, parehong nakatayo sa gilid ng kama habang chine-check si Adler. Nakita ko agad ang maliit na katawan ng bata, nakakabit pa rin sa ilang tubo, mahina pero gising na.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD