Chapter 41 Malia Shanaya Torres PAGKATAPOS naming mag-almusal ng kambal, nagmadali na rin akong magbihis. Maaga pa pero kailangan ko nang pumasok sa ospital. Dumating na rin 'yung mag-aalaga kay Adler, kaya kahit papaano, kampante na akong iwan sila. Mamaya darating din ang therapist niya, at andiyan naman si Atlas — mata ko sa lahat kapag wala ako. Bago ako tuluyang pumasok sa clinic, naisipan kong dumaan muna sa botika sa bayan. Napahigpit ang hawak ko sa sling bag habang tinitingnan ko ang mga pregnancy kit sa shelf. Isa lang naman ang kailangan ko, pero pakiramdam ko, bawat hawak ko sa kahon, mas lalo kong nararamdaman 'yung bigat sa dibdib ko. Ginawa kong apat na PT ang kinuha ko, to make sure sa result. Wala na akong choice. Kung sakaling totoo ito, kung sakaling buntis nga ako,

