Chapter 75 Malia Shanaya Torres NO. Hindi ko ito kailangan marinig ang kahit na ano. Hindi ngayon. Hindi mula sa kanila. Para akong sinasakal habang tahimik silang nagkukuwento ng buhay ko—ng buhay niya—na ako ang nasa gitna pero parang multo akong nakikinig. My throat tightened. I clenched my fist so tight na parang sasabog ang mga knuckles ko. Bakit? Bakit nila sinasabi ang lahat ng ito sa harap ko? Bakit nila ginugulo ang isip ko? Bakit parang sinasaksak nila ako sa bawat salita? Hindi sila tumitigil. At ang mas masakit, hindi ko rin maintindihan kung bakit ako nasasaktan. Parang gusto kong sumigaw. Parang gusto kong tumakbo. Parang gusto kong sabihin—ako si Malia. At gusto kong sabihin na mga sinungaling kayo. Sinasabi niyo lang yan dahil apo ninyo si Mckenzie. Natural sa kan

