Chapter 61 Malia Shanaya Torres NAKATAYO ako ngayon sa harap ng pinto, pero parang hindi ko madikit ang kamay ko sa door knob. Nilalamig ang mga palad ko, nanginginig sa lamig, hindi ko alam kung dahil sa winter chill dito sa US, o dahil sa kaba na halos sumisikip na sa dibdib ko. Para akong nilalamon ng takot at pag-asa nang sabay. Ilang beses akong huminga nang malalim pero wala, nanginginig pa rin ako. Napasinghap ako nang maramdaman ko ang mahinang tapik ni Martin sa likod ko. Napatingin ako kay Martin, nakangiti siya. 'Yung tipong smile na pang–comfort, pangpahina ng kaba. "Relax," bulong niya, enough for me to hear. "You'll see her today. I promise.” Tumango ako kahit ramdam kong manghihina ako kahit anong oras. Isang taon. Isang buong taon na ang lumipas mula noong iwan ko ang

