Chapter 79 Malia Shanaya Torres AGAD na sumugod sina Alsiel at Aeliana sa akin, para bang ilang taon nila akong hinintay. Halos sabay silang kumapit sa leeg ko, umiiyak na nakangiti, 'yung ngiting puno ng relief, ng tuwa, na makita akong muli. Niyakap ko sila pabalik nang mahigpit, halos manghina ang tuhod ko sa dami ng emosyon na sabay-sabay na sumalpok sa dibdib ko. Sa gilid ng mga mata ko, nakita ko sina Anisiel at Maeve. Kita sa mukha nila ang halong kalituhan at pagkamangha, parang may hinihila silang pamilyar pero hindi nila ma-process kung bakit. Tinawag ko sila nang mahinahon. "Halika kayo... come here, sweetheart." Nagkatinginan sila dalawa, parehong nag-aalangan. Ipinatong ni Jhona ang kamay niya sa balikat nina Maeve at Alnisiel. "Go on, mga bata...lapit na kayo." Pero

