Cyrine's POV Nandito lang ako ngayon sa kwarto ko at paulit-ulit na binabasa ang sulat na nakalagay sa bagong package na dumating "Iwan mo siya o mamatay siya" Hindi ko kayang iwan si Chard pero hindi ko rin namang kaya na mamatay siya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Kung ano ang tamang gawin. Porket mas masaya na ako ngayon pinapapili na agad. Pumasok ako sa walking closet habang bitbit ko ang box. Binuksan ko ito at agad ko rin nabitawan ng nakita ko ang laman nun. Isang kutsilyo na puro dugo. "Alzola?" rinig kong tawag sa akin ni Chard mula sa labas ng walking closet ko. Agad ko naman tinago ang box sa lalagyanan ng mga sapatos ko at tumingin muna ako sa salamin bago lumabas ng walk in closet ko. "Bakit Chard?" nakangiting sagot ko kahit na punong puno ako ng kaba at

