Her Simple Plan

1666 Words
CECILE'S POV.... "Hey! Pag ganito ba namang ang aga aga pa ay ang sarap na ng naaamoy ko mula sa kusina...,tsk.., siguradong mapapabangon talaga ako nito kaagad", paunang bungad ni Kim nang abutan siya nitong abala sa pagluluto ng almusal. "Good morning too!", she sarcastically replied. Bagama't nangingiti na lang siya sa napili nitong umagang pagbati sa kanya. "Sorry naman., nakalimutan ko eh!, Amoy pa lang kasi niyang niluluto mo ay nakakatakam na.", nakangiting sagot ni Kim sa kaibigan. "Alam mo sis, kung dito ka sa amin titira ay siguradong ikatutuwa nina Mom and Dad.", dagdag pa nito na sinabayan ng nakakalokong kindat. "Uh, ganun? At bakit naman,aber?", sinakyan niya na lang ang pang aasar ng kaibigan kahit na sa isip niya ay alam niya na ang isasagot nito. "Bakit pa nga ba? Eh di syempre, pag dito ka titira, lagi kaming makakakain ng masarap.", masayang pahayag nito at lumapit sa tabi niya upang singhutin ang kanyang niluluto. "Wow! Mukhang masarap talaga ha.. What's this anyway?" "This is baked potato skillet. And we also have cranberry orange granola here", ani Cecile na ngayon ay siya namang gumanti ng kindat sa kaibigan. At di syempre mawawala ang croissant sandwich na gustung-gusto mo and our favorite green smoothies", pangtatakam niya dito. Natutuwa siyang pagmasdan ang craving facial expression nito. "Hey, hey... What's that smell?", si Tita Lucy, mommy ni Kim,na di nila namalayan ay nakalapit na pala sa kanila. "Oh wow! This is perfect,darlin'! ", puri nito kay Cecile habang isa isang tiningnan ang kanyang inihanda. "Good morning, Tita. Ahm, pasensya na kung nakialam na naman po ako dito sa kitchen," aniya dito. Pang ilang ulit niya na kasing ginagawa ang ganito. Sa tuwing nakikitulog siya sa bahay ng best friend na si Kim ay nakasanayan niya nang siya ang naghahanda ng almusal nila. Bagay na nakasanayan na din ng mga ito at tingin niya ay ikinatutuwa pa nga lalo na ng mga magulang ng kaibigan. She always have this passion in cooking. Kahit naman sa bahay nila ay madalas siyang mag volunteer na sa pagluluto lalo na tuwing weekend o kaya ay bakasyon niya. "Iha, ano ka ba? Kami pa nga dapat ang magpasalamat sa ginagawa mo. At isa pa ay bahay mo na rin naman ito. Parang anak ka na namin kaya parte ka ng pamilya.", masuyong pahayag ni Tita Lucy habang magiliw siyang pinagmamasdan sa kanyang ginagawa. "Minsan nga ay turuan mo din iyang si Kim nang matuto din naman kahit mag prito lang ng isda", birong totoo nito na ikinasimangot ng kaibigan niya. Palibhasa naman kasi talaga ay walang alam na lutuin si Kim kahit prito man lang. Napapailing na napangiti na lamang si Cecile sa sinabi ng ina nito. "Mommy naman eh! Alam naman nitong si sis na hindi ako marunong magluto pero huwag niyo naman akong nilalaglag. ", sagot ni Kim na tinapunan ng nagtatampong sulyap ang ina. Nakangiti namang linapitan ni Tita Lucy ang nag iisang anak at saka ito niyakap. "I'm sorry sweetie. Nagbibiro lang naman ako eh", pang aalo nito sa dalaga. Samantalang hindi maiwasan ni Cecile na makaramdam ng panibugho sa matalik na kaibigan. Buong buhay niya ay hindi niya naranasan ang pakiramdam ng may ina. Tanging sila lamang ng papa niya ang magkasama dahil ayon dito ay namatay ang mama niya sa isang aksidente. Maliit pa siguro siya noon dahil wala siya kahit kaunting alaala sa kanyang yumaong ina. Mula nang magkaisip siya ay ang ama na ang kinamulatan niyang kamag anak. Sampung taon naman siya nang may dumating sa bahay nila noon na isang babaeng kaedad lang halos ng papa niya, si Stella. May isang batang lalaki itong kasama na tantiya niya noon ay nasa labing-anim na taon na, si Roy. Ayon sa papa niya ay isang malayong kamag anak nila sina Stella at Roy. Napabuntong hininga si Cecile sa pagdaloy ng alaala sa isipan niya. May mga bagay pa sanang gustong sumagi sa kanya subalit napukaw ang kanyang pagbabalik tanaw nang magsalita ang ina ng kaibigan. "Aida, ihanda mo na ang mesa at pababa na rin naman ang Sir mo para sa almusal", utos ni Tita Lucy sa katulong na katatapos lang magtimpla ng kape para sa mga amo nito. Habang kumakain ng almusal ay napag usapan nila ang tungkol sa kung anong trabaho at kung saang kompanya nila ni Kim balak mag apply. "So, young ladies, anong company ang target niyong pasukan kung sakali.? ", interesadong tanong ng ama ni Kim na si Tito Arnel. Salitan nitong dinaanan ng tingin ang anak na abala sa pagkain at si Cecile na bahagya namang tumuwid ng upo saka tipid na ngumiti. "Ah, Dad. Kasi naisip ko, di ba naka leave iyong secretary mo ng two months, so kung papayag ka ay ako na muna ang mag te-take over sa nabakanteng pwesto niya", alanganing suhestiyon ni Kim sa ama. "Kung ok lang naman sana sayo... Sainyo ni Mom... " "Why, that's a brilliant idea, iha. Hindi ba, honey? ", maagap namang pagsang ayon ni Lucy sa sinabi ng anak. "We'll why not. That is much better kaysa naman mag hire pa ako ng ipapalit kay Ella", tatango-tangong wika ni Arnel. "Muntik ko pang makalimutang may anak nga pala akong accounting graduate.", pahabol pa nitong pahayag pagkatapos ay buong pagmamalaking pinagmasdan ang unica hija nitong patuloy pa rin sa pagkain. "And you,iha?In what company are you planning to submit your application? Mayroon ka na bang napipisil kung saan?", masigla nitong baling kay Cecile. Mataman nitong tinitigan ang matalik na kaibigan ng anak. Looking at Cecile, alam ni Arnel na marami ang kompanyang maaaring mag aagawan sa dalaga. Bukod kasi sa taglay nitong halos perpekto nang panlabas na kaanyuan ay matalino pa ito at masipag. May taas ang dalagang sa tantiya niya ay nasa 5'3. Balingkinitan bagama't makurba ang bilugan nitong katawan. Maputi at pino ang makinis na balat. Kung tititigan naman ang mukha nito ay masasabi niyang mas lalo itong gumaganda habang tumatagal, sa kabila ng wala halos itong anumang kolorete. Natural ang namumula nitong pisngi. Matangos ang maliit nitong ilong. Mapula ang mga labing tila hugis puso. Mahaba at malantik ang pilikmata at may katamtamang hugis at kapal ng kilay. Ang buhok nitong tuwid at itim na itim ay abot hanggang sa baba lamang ng balikat. That is the physical attributes of this certain young lady in front of them. At pano pa kaya kung ang pag uusapan ay ang lahat ng awards and academic achievements nito. She graduated as summa cumlaude of their batch. A number one board passer. And now she's a licensed architect at her very young age. Very smart and talented. At aminado siyang taglay nito ang Triple B's.., Beauty.. Body... and Brain. Na kay Cecile na yata ang lahat ng maaaring hanapin ng isang magulang sa kanyang anak. Malambing at maalalahanin pa ang dalaga. Minsan ay gusto niyang makaramdam ng panghihinayang. Dahil may mga sandaling iniisip niyang ano kaya kung sila na lamang ang naging totoong pamilya ni Cecile? Hindi lingid sa kanyang kaalaman na lumaki itong hindi na kompleto ang mga magulang. Kaya gusto niya ring iparamdam dito ang pagmamahal na meron sila para kay Kim. Total naman ay isa itong napaka buting kaibigan ng kanilang anak. "I already did, Tito. Honestly po ay tinawagan na nila ako kahapon, notifying me that I'm expected to report by next week ", mahinahong sagot ni Cecile. Sa isip ay hinihiling na sana ay dumating na kaagad ang susunod na linggo. Matagal na pangarap niya nang maging isang ganap na arkitekto. At isang linggo na lamang ang hihintayin niya at matutupad na iyon. May trabaho na siya. "Im so proud of you, sis. Matutupad mo na ang matagal mo nang pangarap! ", deklara ni Kim sa nasa isip ng kaibigan. Totoong natutuwa siya para dito. At ngayon pa lang ay nakikinita niya nang magiging matagumpay ang kinabukasan nito dahil alam niya kung gaano kalaki ng passion nito sa architecture. "We're happy for you, iha.", Lucy said sincerely. "Alam na ba ng papa mo ang magandang balita?" "I've already told him na po, Tita. At masaya po siya para sa akin", kwento niya sa mga ito. "Well, he should...!", agad na sagot ni Arnel na ikinalingon ni Cecile dito. "Be proud and happy for his unica iha..., that's what I mean", bawi kaagad ng lalaki. Makahulugang nagpalitan ng tingin ang mag asawang Lucy at Arnel. "Bakit nga ba hindi ka na lang sa mismong negosyo niyo magtrabaho, Darlin'?", si Lucy na bahagyang nag isip. "Ayoko din kasi na sa mismong negosyo ng pamilya magtrabaho po, Tita. Besides, gusto kong gamitin ang aking pinag aralan at malabo pong mangyari iyon kung sa mismong opisina ng Papa ako papasok", may katwirang pagdadahilan ng dalaga. Hindi niya naman talaga mapakikinabangan ang kanyang tinapos kung sa opisina ng farmhouse nila siya magtatrabaho. May ari ang pamilya ni Cecile ng pinakamalaking farm sa lugar nila. Ang Hacienda Almira. Kinuha ang pangalan nito sa yumaong ina ni Cecile na si Almira Montero. Ang nag iisang tagapagmana noon ng mag asawang Ramon at Beatriz Montero. Matagal nang pag aari ng mga Montero ang buong hacienda kabilang ang mga karatig-lupain nito. Nahahati ang malawak na lupain ng mga ito sa pataniman ng mga mangga, niyog, tubo'at iba pang mga produkto. Sa isang bahagi pa ng hacienda ay ang malawak na pastulan ng mga baka at kabayo na pag aari din ng naturang pamilya. At sa pinaka gitna ay doon nakatayo ang Villa Almira, ang malaking bahay kung saan ipinanganak at lumaki si Cecile. Doon din sila kasalukuyang nakatira ng amang si Don Manuel kasama ang mag inang Stella at Roy at ang ilan pa nilang kasambahay. Matapos nilang mag almusal ay nagkanya-kanya na silang lakad. Ang mommy ni Kim ay umalis na dahil may maagang client daw ito. Ang daddy naman nito ay naghanda na rin sa pagpunta sa opisina. Samantalang ang magkaibigan ay nagkayayaang mamasyal at mag shopping.,bonding moment umano nila habang hindi pa sila sumasabak sa trabahong naghihintay sa bawat isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD