Tanya’s POV Nasa loob ako ng kuwarto ko, naka-higa sa malambot kong kama habang tinitingnan ko ang mga projects na kailangan kong asikasuhin for the week. Typical Saturday routine ko ‘to, sinisiguradong naayos lahat ng schedules and appointments ko. Busy week na naman. Pero kahit gaano ako ka-busy, nagawa ko pa ring ipag-day off si Boris ngayong araw. Alam kong puyat at pagod na rin siya sa pag-aasikaso sa akin, kaya naisip ko, let the guy have a break. Kaya lang, kahit alam kong rest day niya, hindi ko maiwasang isipin kung nasaan na kaya siya? Siguro nandoon siya ngayon sa tattoo shop. Sure ako doon. Nagulat na lang ako nang mapansin kong may kung anong bagay sa ibabaw ng maliit na mesa sa tabi ng kama ko. Cellphone ni Boris. Napataas ang kilay ko. Bakit naiwan ‘to dito? Hindi niy

