Chapter One

2878 Words
UMIIYAK na naman si Leslie habang naaalala ang kanyang ina. Mahigit isang dekada na ang nakalipas magmula noong iwan siya ng nanay niya sa mag-asawang Arabian. Umuwi na iyon sa Pilipinas at hindi na muling bumalik. Mabuti na lang hindi siya iniwan ng katiwala nilang pinay. Ito ang nag-alaga sa kanya hanggang sa lumaki siya. Mabait si Lolita, isang ulira rin ina. Halos kaedad din ito ng nanay niya kaya mas palagay ang loob niya rito kaysa sa kinalakihan niyang ina na Arabian. Ang itinuturing niyang ama ay isa nang Arabian US Ambassador at kilalang abogado. Ang asawa naman nito ay isang high school teacher. Walang anak ang mag-asawa dahil maagang naoperahan sa matris ang kanyang ina-inahan dahil sa mayoma. May edad na kasi itong nag-asawa. Gayunpaman, minahal siya ng mga ito na parang tunay na anak. Ibinigay ng mga ito lahat ng gusto niya. Leslie studied law in law school in London after completing a bachelor’s degree in Political Science.  It’s her first choice, to become a lawyer. And she promised to herself that after her studies, she will go back to the Philippines and find her mother. Pero nalungkot siya nang malamang nagdesisyon ang parents niya na ipakasal siya karapat-dapat na lalaki pagsapit ng edad niya sa ika-dalawamput-lima, saktong graduate na siya niyon sa law school. She respects their decision because that’s tradition, she was free to choose a guy but since she never has a boyfriend, her parents have the right to decide for her. Wala naman siyang pagtutol doon, as long as they will choose a deserving man. Medyo dehado lang siya kasi hindi niya type ang Arabong lalaki. Well, talagang mailap lang siya sa lalaki. Mabuti na lang nariyan si Lolita na nakakausap niya sa wikang Tagalog. Mas sanay kasi siya sa lengguwahe na iyon. Hindi rin ganoon kahusay sa wikang Englis ang kinalakihan niyang ina, hindi katulad ng asawa nitong fluent sa English, sa London din kasi ito nakapag-aral. Isang araw na lang ay uuwi na siya sa Jeddah. Kasama niya si Lolita sa London, kaya kahit matagal siyang nawalay sa Pilipinas ay sanay pa rin siyang magsalita ng tagalog. Ito ang nag-aasikaso sa lahat ng kailangan niya roon. May condo unit doon ang papa niya. Pagdating nila Leslie sa bahay nila sa Jeddah ay nagulat siya nang ipakita sa kanya ng mama niya ang mga alahas na regalo sa kanya ng papa niya para sa nalalapit niyang kasal. May isang taon pa naman bago ang kasal, dahil nangako ang mga magulang niya sa kanya na pagkatapos na ng pag-aaral niya gaganapin ang kasal, saktong twenty-five years old na siya niyon. “Marhabaan bik fi, albayt!” (Welcome home, ma’am!)bati ng kawaksi kay Leslie nang masalubong niya ito sa pasilyo sa second floor ng mansiyon. “Sukran!” sagot naman niya. Nasanay na siya sa mala-prinsesang turing sa kanya ng mga katiwala. Palaging wala sa bahay ang papa niya at ang mama naman niya ay palaging nasa school, kaya kapag naroon siya na wala ang mga magulang niya ay nagagawa niya ang gusto niya. Nakakapaggala siya kasama si Lolita sa red sea. She was blessed that she explored the historical places of Saudi Arabia. Doon siya pumupunta kapag gusto niyang mag-relax. Kinabukasan pagkaalis ng mama niya ay sumibad kaagad sila ni Lolita. Ginamit niya ang kotse niya para mas mabilis silang makarating sa red sea. Marunong naman siyang mag-drive at hindi pa paso ang driver’s license niya. Mabuti na lang wala masyadong tao dahil sobrang init. Na-miss niya ang init kaya nagbabad siya sa ilalim ng araw. Pinayagan naman siya ni Lolita na maligo kahit sandali. Sa London kasi ay hindi pa niya nasubukang mag-swimming dahil malamig. Nakasuot siya ng itim na rashguard. Nagsuot siya ng goggle bago sumisid. Dinala rin niya ang waterproof camera niya para makuhaan ng litrato ang ilalim ng dagat. Nang nasa seven feet na ang lalim ng nasisid niya, may kung anong kumapit sa kanang binti niya. Iniwaksi niya ang kanyang paa nang pakiramdam niya’y hinihila siya nito pailalim. Bumulusok siya pailalim. Nabitawan niya ang camera pero hindi ito kumalas sa leeg niya dahil naikuwintas niya ito. Hindi niya makita ang humihila sa kanya. Naipikit niya ang kanyang mga mata nang mapasukan ng tubig ang suot niyang goggle. Mamaya’y may malakas na brasong pumulupot sa katawan niya mula sa kanyang likuran saka siya iniangat. Kumalas ang bagay na nakapulupot sa paa niya kaya malaya siyang nakaangat. Sinubukan niyang imulat ang kanyang mga mata niya para makita kung sino ang sumagip sa kanya, ngunit sadyang mahapdi ang mga iyon. Kumalas na lamang sa kanya ang maskuladong mga braso pero hindi pa niya ito nakikita. Nang makaahon na sa tubig ang ulo niya ay saka lamang niya naimulat ang kanyang mga mata. Luminga siya sa paligid upang hanapin ang sumagip sa kanya. Wala namang ibang tao roon. Tahimik na ang karagatan. “Leslie!” tawag ni Lolita. Malayo na pala siya sa puwesto nila. Patakbong sumugod sa kanya si Lolita. Nagtataka siya. Sila lang naman ang naroon sa tabing dagat at siya lang ang naliligo. Imposible namang naroon pa rin sa ilalim ng tubig ang lalaking sumagip sa kanya. Masasabi niyang lalaki iyon dahil sa maskuladong mga braso at naramdaman niya ang matigas niyong dibdib. Hindi naman siya naniniwala na totoo ang mga taong dagat. Pero kung tao iyon, bakit hindi pa niya ito nakikitang umahon? O baka naman may oxygen iyong dala. Hindi man lang siya nakapagpasalamat. Dahil sa nangyari ay hindi na siya sumisid muli. Umahon na lamang siya at bumalik sa puwesto nila ni Lolita. Nanunuot na ang sakit ng sikat ng araw sa balat niya kaya nagpasya na siyang umalis doon. Namasyal muna sila ni Lolita para naman masulit niya ang bakasyon. Baka hindi na niya iyon magagawa kapag ikinasal na siya. Makalipas ang isang linggo… Hindi ma-feel ni Leslie ang excitement sa pagsapit ng engagement niya. Dahil kilala ang mga magulang niya, maraming mga kilalang personalidad ang dumating sa magarang function room ng bahay nila na nahahati sa dalawa. Hiwalay kasi ang mga babae sa lalaki kapag ganoong may party. Magsasama lamang silang lahat para sa mahalagang anunsiyo. Kinakabahan si Leslie habang papasok sila ng mga magulang niya sa bungad ng function room kung saan ipapakilala sa kanya ang mapapangasawa niya. Hindi siya nag-expect nang sobra sa hitsura ng mapapangasawa niya dahil baka masaktan lang siya. Ang iniisip niya, isang may edad nang Arabian businessman ang mapapangasawa niya. International billionaire raw ang mapapangasawa niya, he was good when it comes to trading and managing the giant auction company according to her father. Her fiance was the owner of Navas Enterprises and an antic jewelry auction around the world, particularly in Saudi Arabia. Mr. Navas also a professional, a business management graduate in London, also a licensed physical education teacher. Nalula siya sa profile ng kanyang future husband. She will live like a queen if even, but she couldn’t feel the excitement, insisting that money can’t buy love and real happiness. But she doesn’t have a choice, she needs to respect the tradition. Kahit lumaki siya sa puder ng mga magulang niyang Arabian ay nanatili pa rin ang pagiging pusong Pinoy niya. Torture para sa kanya ang sapilitang magpapakasal sa lalaking hindi niya kilala at lalong hindi niya mahal. Ilang taon din siyang umiiyak dahil sa desisyon na iyon ng mga magulang niya. But lately, she didn’t care and no choice but to accept her destiny. Hindi naman siguro siya pahihirapan ng mapapangasawa niya, sa halip ay tiba-tiba siya sa yaman nito. Ang mahalaga ay safe ang future niya. Ang pagmamahal ay napag-aaralan, ika niya. Habang papalapit sila ng mga magulang niya sa grupo ng mga lalaki ay dumalas pa ang pagkabog ng dibdib niya. Malamang nasa grupo ng mga Arabian guy na iyon ang mapapangawasa niya. Pero wala pa ma’y parang binabayo na ang puso niya sa kaba. Kahit matagal na siya sa lugar na iyon, hindi talaga siya na-attract sa mga Arabian men, kahit pa sabihing guwapo ang mga ito dahil matatangos ang mga ilong. Humarap sa kanila ang apat na kalalakihan. Isa-isa niyang tinitingnan ang mga ito at hinulaan kung alin sa mga ito ang mapapangasawa niya. Huminto kasi ang mga magulang niya sa tapat ng mga ito at nakipag-usap sandali. Mamaya’y nagtataka siya bakit gumilid ang apat na lalaki at binigyan sila ng daan. Isang matangkad na lalaking nakatalikod ang una niyang napansin. Itim na amerikana ang suot nito, naiiba sa lahat ng lalaki na naroon, may three inches ang haba ng buhok na aalon-alon at kulay kayumanggi. Tantiya niya’y nasa anim na talampakan ang tangkad nito. Malapad ang likod nito na matikas ang tindig. May kausap itong matandang Arabian na may hawak na baso ng red wine. Maaring isa sa dalawang iyon ang mapapangasawa niya dahil huminto sila sa tabi ng mga ito. Wala naman nang kasunod na grupo ng mga lalaki. Taimtim siyang nagdarasal na sana huwag ang matanda na lalaki ang mapapangasawa niya. Kahit itong nakatalikod na lang dahil obvious na bata pa at katawan pa lang gusto na niyang pakasalan. “Mr. Navas, we’re here!” sabi ng papa niya sa kausap. Pumanteng ang tainga ni Leslie. Nag-englis ang papa niya, ibig sabihin hindi Arabian si Mr. Navas? Pero kinakabahan pa rin siya dahil hindi pa sigurado kung itong nakatalikod ba ang mapapangasawa niya. Isa pa, likod pa lang nito ang nakikita niya, baka sa mukha siya pumalya. Naging judgmental na siya. Mabilis ang pagpihit paharap sa kanila ng lalaki pero tila slow-motion ang dating sa kanya. Nang tuluyan itong makaharap sa kanila ay may kung anong sumalpok sa dibdib niya nang masilayan ang mukha nito. She froze when his brown eyes automatically caught her eyes. They stared at each others’ eyes in a minute. Her heart instantly pounding so hard, sending violent heat towards her veins. She was shocked, unexpectedly. Hindi lang basta guwapo ang lalaki, isang nakakalaglag-pusong kaguwapuhan, na kahit sinong babae na tumitig sa mukha nito ay mabibighani sa unang tingin. His pointed nose, heart shape lips, and cute cleft chin… are perfectly shaped. She felt an unexplained emotion while looking at him directly to his beautiful eyes. Wari may paruparong nagliliparan sa dibdib niya nang mga sandaling iyon. He was not just a perfect man in a suit, he’s stunning, gorgeous, and sexy. She could say that he was perfect when it comes to physical appearance. “Hello, Abdumilah family!” bati naman sa kanila ng guwapong lalaki. Ito na nga si Mr. Navas! “Our pleasure to meet you again, Mr. Navas,” malapad ang ngiting sabi ng kanyang ama. “Anyway, she’s our daughter, Leslie,” at ipinakilala siya sa wakas. Ibinalik ng lalaki ang tingin sa kanya. Deretso sa mata talaga ito kung tumingin kaya naghuhuremnetado na ang puso niya. Para siyang matutunaw sa init ng titig nito sa kanya. “Hi, Leslie! I’m Marco Navas, your husband to be,” he said, possessively introducing himself to her. Lalong nagwala ang puso niya. Nawiwindang siya sa kanyang sarili. In her entire life, she never felt this kind of excitement, especially when she’s facing a guy. Maraming guwapong lalaki sa London pero hindi siya nakadama ng ganoong katinding atraksiyon. Hindi tuloy siya kaagad nakakibo. Tulalang nakatitig lamang siya sa guwapo nitong mukha. Hindi pa rin kasi siya maka-get over sa pangyayari. Simpleng lalaki lang ang pangarap niyang pakasalan, pero sobra naman ang ibinigay sa kanya. “What’s wrong with my face, my Leslie?” Marco asked her. Kumislot siya, nag-init ang kanyang mukha nang ma-realize ang sinabi nito. ‘My Leslie?’ how possessive? Hindi siya sigurado kung kilig na ba ang tawag sa ipinapahiwatig ng puso niya. She felt her heart pumping so damn hard, that it could come out from her chest. She cleared her throat and released a deep breaths. Hindi pa rin niya magawang magsalita. Para siyang binunutan ng dila. Nakalahad na pala ang kanang kamay ni Mr. Navas sa kanya upang makipagkamay. “Are you okay, sweetie?” nag-aalalang tanong ng lalaki sa kanya. May endearment na kaagad ito sa kanya. Kumurap-kurap siya, pilit ibinabalik sa tamang huwisyo ang kanyang isip. Pero sadyang nadi distract siya. Panay ang buntong-hininga niya. Ayaw kasing kumalma ng puso niya, para itong may sariling buhay. Titig na titig pa rin siya sa guwapong mukha ng husband to be niya. “Please, don’t look at me like that. My heart beating so hard, sweetie. I’m nervous at the same time,” he sarcastically said. “Can I hold your hand?” Nahimasmasan siya nang sikuhin siya ng kanyang ina. Awtomatikong umunat ang kanang kamay niya at inabot ang nangangawit nang kamay ni Mr. Navas. Nang hawak na nito ang kamay niya ay para siyang hihimatayin sa tindi ng kabog ng dibdib niya. Hindi na ata normal ang reaksiyon ng puso niya. Parang ignorante lang, well, paano ba naman, hinubog niya ito sa sama ng loob at kalungkutan. Natulala siya nang gawaran nito ng halik ang likod ng kamay niya. Hindi tuloy siya makapagsalita. Tulala lang siya hanggang sa maghiwalay ang mga kamay nila ng lalaki. Mamaya ay nag-anunsiyo na ang kanyang ama, ipinakilala sa lahat ng panauhin ang lalaking papakasalan niya. Nasa harapan sila ng mga bisita. Umugong ang pagbati ng mga ito sa kanila. May mga lumapit pa at personal silang binati. Inalam kaagad ng mga ito kung kailan ang petsa ng kasal. Pagkatapos ng tradisyonal na engagement ceremony ay isinuot na ni Marco sa palasingsingan niya ang magarang engagement ring, ganoon din siya rito. Baka nga makakabili na ng house and lot ang singsing na binili nito dahil sa ganda ng design at halatang purong ginto. Paano pa kaya ang wedding ring? Baka makakabili na iyon ng isang bansa. May-ari ba naman ang antic jewelries auction ang mapapangasawa niya. Pagkatapos na maisuot nito ang singsing sa daliri niya ay muli nitong ginawaran ng masuyong halik ang likod ng kamay niya. Umugong ang palakpakan ng mga tao. Pagkuwa’y naghiwalay na sila nang magtawag na para sa hiwalay na hapunan. Hindi na sila nagkita ni Marco hanggang sa unti-unti nang magsiuwian ang mga bisita nila. Kung puwede lang ay huwag nang matapos ang gabing iyon. Sa mga magulang lang niya nagpaalam si Marco. Hindi niya alam kung kailan sila ulit magkikita ng lalaki. Pagkatapos ng party ay nagkulong na sa kuwarto niya si Leslie. Katulad ng inaasahan niya, hindi na siya makatulog. Nakahilata lang siya sa kama habang tinititigan ang suot niyang engagement ring. At habang nakatitig siya sa singsing ay dumapo sa balintataw niya ang imahe ni Marco Navas. Hindi talaga siya maka-move on sa pangyayari. Nabulabog ang buong pagkatao niya. Mamaya ay may kumatok sa pinto. Bumalikwas siya nang tayo at tinungo ang pinto. Si Lolita pala dala ang ilang gamit niya na naiwan sa function room. Umupo siya sa gilid ng kama. “Kinabahan ako kanina. Akala ko matanda ‘yong mapapangasawa mo. Grabe, ang guwapo niya sobra!” kinikilig na sabi ng ginang. “Hindi pala siya purong Arabian. Ang sabi ni mama mo, isa siyang Russian-Arabian at may dugo ring pinoy pero dito lang siya ipinanganak sa Jeddah.” She sighed. “Pero kinakabahan pa rin ako, Manang. Sa tingin mo, mabait kaya siya? May mga guwapong lalaki kasi na hindi maganda ang ugali,” aniya. “Mukha naman siyang mabait.” “Pero mukhang mayabang.” “Hayaan mo na. Hindi naman siguro siya sadista.” “Pero bakit kaya niya ako gustong pakasalan? Hindi pa naman niya ako gaanong kilala.” “E ‘di tanungin mo siya kapag nagkita kayo ulit. Ilang buwan na lang naman ikakasal na kayo,” ani Lolita. “Pero gusto ko sanang sa Pilipinas magpakasal,” aniya. “Naku, walang divorce roon. Hindi ka kaagad makawala sa kanya sakaling malupitan ka niya.” Naisip niyang may point si Lolita. “Pero gusto kong tumira sa Pilipinas pagkatapos ng kasal. Hindi naman siguro makikialam ang mga magulang ko kapag ikinasal na ako.” “E ‘di sabihin mo sa mapapangasawa mo. Hindi na makikialam ang mga magulang mo kapag kasal ka na. Ipapaubaya ka na nila sa mapapangasawa mo.” “Hindi naman kasi puwedeng lumabag sa desisyon nila,” malungkot na sabi niya. “Kaya nga, eh. Sige lang, at least hindi ka na parang bibitayin niyan dahil nakilala mo na ang fiance mo. Pasalamat ka na lang dahil kahit papano hindi ka hinayaan ng May Kapal na maging malungkot habang buhay.” “Papayag kaya si Marco na doon kami titira sa Pilipinas?” tanong niya. “Papayag ‘yon. Sabihin mo gusto mong makita ang tunay mong ina.” “Sana hindi pagsuong sa impiyerno ang pagpapakasal ko kay Marco.” Natawa si Lolita. “Huwag ka munang mag-isip ng negatibo. Basta huwag ka lang magpapaapi sa kanya. Ipakita mong matapang ka, na hindi ka puwedeng abusuhin.” Tatangu-tango lamang siya. Pagkuwa’y nagpaalam na si Lolita. Mabuti na lang may kasama siyang naiintindihan siya.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD