Chapter 4

3203 Words
PAGKATAPOS ng kasal ay hindi na nakita ni Leslie ang mga magulang niya. Inaasahan na niya iyon dahil may nililingong responsibilidad ang mga ito. Pero nangako ang mama niya na dadalawin siya madalas kapag hindi ito busy. Kinabukasan ay umalis na rin si Lolita. Kinakabahan siya dahil wala na siyang kilala maliban kay Marco sa lugar na iyon. Ipinakilala siya nito sa mga kaibigan nitong bampira. Bago raw ang honeymoon nila, kailangan siya masuri ng mga eksperto. Na-stress siya sa dami ng proseso bago sila magsama ni Marco. At bakit ba siya nag-aapura? Isang araw matapos ang kasal, nagising na lang si Leslie sa isang kuwarto na walang bintana. Tanging dalawang pinto lang ang nakikita niya na maaring pinto ng comfort room at main door. Malaking kandila lamang ang nagsisilbing liwanag. Nakatulos ito sa stand na nasa gilid ng pinto palabas. Wala siyang makitang orasan kaya hindi niya alam kung anong oras na. The ambiance was dark because the walls were painted maroon. It’s almost empty. Isang kama lang ang naroon na hinihigaan niya at malaking closet na gawa sa kahoy. Tumayo siya saka lumapit sa pinto. Naka-lock ito. Mariing naipikit niya ang mga mata nang may dumapong magulong senaryo sa utak niya at hindi mawaring ingay na naririnig niya. Nangyayari na naman ito sa kanya. Magmula noong sumapit ang edad niya sa biyente-singko ay marami na siyang nararamdaman na hindi normal sa kanyang sarili. Bumalik siya sa kama at pinakiramdaman ang paligid. Mamaya ay unti-unting umiinit ang katawan niya na wari nag-aapoy siya sa lagnat. Nararamdaman na naman niya ang kakaibang init na parang sasabog ang kanyang ulo. Yumuko siya nang maramdaman niya’ng may dumadaloy na likido buhat sa kanyang ilong. Tumitig siya sa sahig kung saan pumatak ang dugo mula sa ilong niya. Napamata siya nang lumiyab ang dugo niya. Bumalikwas siya nang tayo at dumampot ng tissue paper na nasa mesita saka ipinahid sa ilong niya’ng dumudugo ngunit biglang lumiyab ang tissue. Wala siyang mahagilap na pamatay sa apoy kaya inapakan niya ang mga ito na naka-paa. Nagulat siya. Hindi manlang napaso ang paa niya. Namatay ang apoy. Tumakbo siya sa banyo at naghimamos. Dumudugo pa rin ang ilong niya.  Pinaliguan na niya ang kanyang ulo hanggang sa umigil sa pagdurugo ang ilong niya. Panic strike her. She stood in front of the mirror and faced herself. Ang kaliwang mata niya na light brown ang kulay ng eyeball ay naging kulay dugo. Kumislot siya nang marinig niyang bumukas ang pinto sa main door. Dinampot niya ang tuwalya saka inihilamos sa kanyang mukha. Inayos niya ang kanyang sarili. “Leslie?” narinig niyang tawag ng boses lalaki. Hindi naman ito boses ni Marco. Binuksan niya ang pinto saka lumabas. Nakalimutan niya ang pangalan ng lalaki. Ito ang ipinakilala ni Marco na kapatid ni Erron. May dala itong tray ng pagkain.  He was tall and masculine wearing a plain white shirt and gray denim. Mas maamo ang hilatsa ng mukha nito kaysa kay Erron. “Pasensiya na kung matagal ang pagkain. Nagkaroon pa kasi kami ng pagpupulong,” mahinahong sabi nito pagkalapag ng pagkain sa bed side table. “Okay lang. Salamat,” aniya. “May pinuntahan lang si Marco. Ang sabi niya, kapag gusto mong lumabas, sabihin mo lang sa akin para masamahan kita,” anito. “Ganoon ba? A-anong lugar ba ito?” “Nandito tayo sa Cagayan De Oro, sa safe house namin. Ligtas ka rito, pero malayo tayo sa bayan. Hindi ka rin makakaalis dito kahit may sasakyan ka, maliban kung chopper ang gamit mo.” Her forehead wrinkled. She was confused but no choice, she has to be transparent and explore. “Kailan ba babalik si Marco?” pagkuwan ay tanong niya. “Mamayang gabi.” “Ah. Sige, salamat.” “Maiwan na kita. Kapag lalabas ka, tawagin mo lang ang pangalan ko, kahit bulong maririnig kita.” Namangha siya. Bampira nga ito. “Hm, what is your name again?” pagkuwa’y tanong niya. “Serron Harley. Nakatatandang kapatid ako ni Erron,” anito. “Okay.” Pagkuwa’y iniwan na siya ni Serron. Nilapitan naman niya ang pagkain. Saka lamang siya nakadama ng gutom nang makita ang pagkain. Dalawang malalaking hita ng manok na inihaw ang ulam niya at may sabaw na may sangkap na tatlong uri ng seafood at mga herbs. Malasa ang karne kahit wala masyadong sangkap. Wala siyang nalasahang bawang. While eating, she just realized why Marco said that he was allergic to garlic. According to the book she had read about the vampire, vampires are afraid of garlic, because it was poison to them. They also sensitive to the sun’s UV rays, that why they will burn when exposing under the sun. Makalipas ang isang oras ay lumapit siya sa pinto at binigkas ang pangalan ni Serron. Naghintay pa siya ng tatlong minuto bago dumating ang lalaki. Ito pa ang nagdala ng mga pinagkaininan niya sa labas. Saka lamang niya nalaman na tanghaling tapat na nang makarating sila sa sala. Nadatnan niya roon ang guwapong binata na nakaupo sa sofa at nanonood ng telebisyon. Iniwan na siya roon ni Serron. “Hello!” bati sa kanya ng binata nang mapatingin ito sa kanya. Palangiti ito at mukhang mabait. “Maupo ka,” anito. Umupo naman siya sa katapat nitong sofa. Hindi niya mapigil ang kanyang sarili na titigan ito. Kakaiba kasi ang appeal nito. Mukhang mas bata sa kanya pero kahit siguro matatanda ay maakit sa guwapo nitong mukha. “Ikaw pala si Tita Leslie, ang asawa ni Tito Marco? Totoo pala na magkaiba ang kulay ng iris n’yo po,” nakangiting sabi nito. Nanumbalik sa reyalidad ang isip niya. Talagang pinagkalat pa ni Marco pati kulay ng mga mata niya. “Sinabi ba niya sa ‘yo?” aniya. “Yap. Kasi unique raw ang mga mata mo,” nakangising sabi nito. “By the way, I’m Devey Rivas. Anak ako ng pinakaguwapong bampira na si Dario Rivas.”. Hindi niya napigil ang pagngiti. She loves his confidence and proud to his dad. Namamangha siya. Halos lahat na kasama ni Marco ay mga guwapo at weird. Naisip niya, ganoon talaga siguro ang mga bampira. Mamaya ay umiinit na naman ang pakiramdam niya. Tumataas ang temparatura ng katawan niya. “Oh, you’re bleeding!” bulalas ni Devey. Nagulat siya nang bigla nitong pahiran ng tissue paper ang ilong niya. Ganoon naman ang pagbitiw nito sa tissue nang umapoy iyon. Inapak-apakan nito ang apaoy hanggang sa mamatay. Bumalikwas siya nnag tayo saka tumakbo palabas ng bahay at doon sa damuhan niya pinatulo ang dugo na lumalabas sa ilong niya. Kumislot siya nang sumulpot sa likuran niya si Devey at inabutan siya ng tabo na may nagyeyelong tubig. Kinuha naman niya ito saka inihilamos sa mukha niya ang tubig. “May dark side ka rin pala. Now I know,” wika ni Devey. Napaisip siya sa sinabi nito. Pero ang ipinagtataka niya ay bakit hindi ito nasusunog kahit naarawan ito. Bampira naman ito. Hindi niya tinigilan sa kakahilamos ang mukha niya hanggat hindi tumitigil sa pagdurugo ang kanyang ilong. “Magkakasundo pala tayo dahil parehong mainit ang dugo natin. Ganyan din ako noong eighteen year old ako, umapoy ang dugo ko. Nagawan ni Daddy ng paraan kaya nagagawa ko nang limitahan ang paglabas ng apoy sa katawan ko. May mga in-born na ganoong bampira, dahil sa evil spirit.” Marahas niya itong tiningnan. “Hindi ako bampira at lalong hindi ako demonyo!” asik niya. “But, do you have an idea about your father?” usig nito. Natigagal siya. Ano nga ba ang alam niya tungkol sa totoo niyang ama? Wala, kahit pangalan niyon ay hindi nasabi sa kanya ng nanay niya. She thought, her father was just an ordinary guy. “May ideya ka rin ba kung bakit ka ipinamigay ng nanay mo sa ibang tao?” anito. Nabikig na ang lalamunan niya. Ang alam niya dahil lang sa utang kaya siya ipinaampon ng nanay niya. Pansin niya noon na palaging balisa ang nanay niya at halos ayaw siyang makita madalas. She also felt that her mother hates her. Naguguluhan na siya. “Kapag umiinit ang pakiramdam mo, maghilamos ka kaagad ng malamig na tubig, o ‘di kaya’y uminom ka ng nagyeyelong tubig. Ang apoy sa katawan mo ay hindi basta napapatay ng tubig, pero napapakalma. Ang dugo mo ay apoy kaya hindi ko maintindihan si Tito Marco at pinakasalan ka. Gusto ata niyang matunaw,” seryosong sabi ni Devey. Natawa siya pero alam niya na hindi nagbibiro ang binata. Lalo lamang siya naguguluhan. Nang normal na ang temparatura ng katawan niya ay pumasok na sila sa kabahayan. Nagkuwento si Devey tungkol sa mga bampira, kung ano ang nangyayari sa mundo na hindi lingid sa kaalaman ng mga tao. Kinagabihan ay lalong nakadama ng pagkainip si Leslie nang wala siyang makausap. Umalis na kasi si Devey, si Serron naman ay nagluluto ng hapunan. Nahihiya naman siyang magboluntaryo na magluto dahil hindi siya marunong. May dalawang oras na siyang nakaupo sa sofa sa sala habang nanonood ng telebisyon. Hindi na nga niya naiintindihan ang mga napapanood niya dahil wala roon ang isip niya. Mamaya ay may dumating na dalawang lalaki, na kapwa nakasuot ng itim na jacket. Wala pa rin si Marco. Ang isa ay nakilala niya na si Trivor, pero ang isang matangkad na matapang ang hilatsa ng mukha ay noon lang niya nakita. Parehong seryoso ang mga ito. Tumayo naman siya. “Magandang gabi!” bati niya sa mga ito. Tiningnan lang siya ni Trivor saka nilagpasan. Pero ang isang nilalang na kasama nito ay nginitian siya kahit mukhang pilit. “Parating na si Marco,” sabi nito. She nodded and smiled back. “Huwag kang mailang sa amin, hindi kami nangangagat. Ako nga pala si Leandro, ang long time friend ni Marco,” pagkuwa’y pakilala nito sabay alok sa kanya ng kanang kamay. Walang pag-aatubiling dinaup naman niya ang palad nito. Pagkuwa’y sabay na silang umupo sa sofa. Ito pala ang masasabi niya na close friend ni Marco. Guwapo ito, pero hindi ganoon kalakas ang s*x appeal nito kumpara kay Marco, na unang kita pa lang niya ay nakadama na siya ng kislot sa puso niya. But she insisted that her feeling towards him at first met was just part of the simple attraction with the opposite s*x. She couldn’t say it would be level up and develop as love. Baka dahil sa masungit na aura ni Leandro kaya hindi niya masyadong ma-appreciate ang s*x appeal nito. He’s not her type, maybe because she knows that if she would accept a guy like him, her daily life could be boring or worst, become miserable. Mas nauna kasi ang ilang at takot niya nang matitigan ang mga mata nito na matalim kung tumitig. Hindi katulad ni Marco na kung tumitig ay parang nang-aakit. Kinuwestyon naman niya ang kanyang sarili bakit wala nang ibang laman ang isip niya kundi si Marco. Sa tuwing may nakikita siyang lalaki ay palagi niyang ikinukompara kay Marco, pero sa huli, si Marco pa rin ang gustong piliin ng puso niya. Hindi na niya maintindihan ang kanyang sarili. There’s a time that she hates Marco’s guts, but there’s a part of him than makes her comfortable. Siguro dahil hindi pa niya ito lubos na nakikilala kaya walang stable na damdamin para rito. Makalipas ang ilang sandali ay dumating si Erron kasama ang asawa nitong si Natalya. Na-meet niya si Natalya noong party matapos ang seremonya ng kasal nila ni Marco. Obvious naman na bampira ito dahil sa postura nito at mga mata. Pero gandang-ganda siya rito. “Hi, Leslie! Nandito ka pa rin pala. Akala ko nakauwi ka na sa bahay mo,” bungad sa kanya ni Natalya pagkatapos humalik sa pisngi niya. “Hindi pa kasi dumarating si Marco,” aniya. “Kasama lang namin siya kanina sa resort, ah.” “Na-traffic sa ere,” sabad naman ni Leandro. “Ah, sumabit pala,” natatawang sabi ni Natalya. May dumating pang bisita, si Jero, ang pinakilala ni Erron na pamangkin nito. Hindi niya kilala ang babaeng kasama nito. Sinalubong naman ni Natalya ang kararating na bisita. “Hi, Jove! Anong meron at napadalaw kayong mag-ina rito?” ani Natalya. “Hindi na kasi umuuwi sa bahay ang asawa ko, kaya kami na lang ang pupunta sa kanya,” sabi naman ni Jove. Ilag si Leslie sa mga kasama niya. Wala siyang masyadong close sa mga ito kahit pa mababait ang mga ito sa kanya. Mamaya ay nagtawag na si Serron para maghapunan. Inukupa nila ang long table na nasa VIP room. Si Jove pala ang asawa ni Serron na ex-human. Binata na ang anak ng mga ito, pero napansin niya na mailap ang atensiyon. Wala si Marco kaya ang katabi niya sa upuan ay si Leandro at Trivor. Alam niya may mga pamilya na rin ang mga ito. Naiilang siyang kumain. Masasarap ang inihanda ni Serron na hapunan pero wala siyang gana.  Ramdam niya ang pagiging iba niya sa mga ito. “Kumain ka na, Leslie, huwag mo nang hintayin si Marco, baka magka-ulcer ka,” mamaya’y sabi sa kanya ni Natalya. Tumahimik ang lahat nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Marco na may kasamang dalawang nagguguwapuhang nilalang. “Anong meron bakit narito kayo?” bungad ni Marco. “Nagkataon lang,” sagot naman ni Leandro, sabay tayo at bumaling ng upo sa bakanteng silya. Pumalit si Marco sa upuan nito, sa tabi niya. “Pasensiya na, may pinuntahan pa kasi kami,” pagkuwa’y sabi sa kanya ni Marco. Ang dalawang kasama naman nito ay umupo sa katapat nilang silya. Titig na titig siya sa lalaking nasa kanan na kakaiba rin ang s*x appeal. Seryoso ito pero nagawa siyang ngitian. Ang katabi naman nito na may suot na sunglasses ay hindi man lang siya natapunan ng tingin. Busy ito sa binabasa nitong papel. Mga weird tagala ang bampira. “Si Dario nga pala, ang pinuno namin,” pagkuwa’y pakilala ni Marco sa guwapong nilalang na nasa kanan. “Si Zyrus naman iyang katabi niya. Magkapatid sila sa ama at parehong doktor,” pakilala naman nito sa lalaking naka-salamin. Nginitian lang niya ang mga ito. Umiinit ang pakiramdam niya dahil sa nagsama-samang aura ng mga nagguguwapuhang lalaki. Kinakabahan siya baka biglang dumugo ang ilong niya. Naalala niya ang sinabi ni Devey na kapag uminit ang pakiramdam niya ay iinom lang siya ng malamig na tubig. Hindi siya nakatiis, bumulong siya kay Marco. “Gusto ko ng malamig na tubig,” aniya. “Okay. Wait,” sabi naman nito saka tumayo. Pagbalik nito ay dala na nito ang isang baso ng tubig na may iang ice cubes. Dagli niyang nilagok ang tubig. Kumalma rin ang init sa katawan niya. Pero naiilang pa rin siyang kumain nang mapansin na maya’t-maya ang tingin sa kanya ng magkapatid na katapat nila. Ibinaling na lamang niya ang tingin sa plato niya na sinalinan ni Marco ng pagkain. “Kanina ka pa rito wala ka pang kinakain? Paano na lang kung palagi akong wala, mamamatay ka pala sa gutom niyan,” bulong sa kanya ni Marco. Uminit ang mukha niya. Ang yabang naman nitong magsalita. Hindi naman ang presensiya nito ang nagpapagalaw sa kanya. Naiilang lang talaga siya sa mga kasama niya. Hindi lamang siya umimik. Nakikinig lang siya sa usapan ng mga kasama nila. Kasama na pala ang meeting sa hapunang iyon. “Naglalabasan na ang mga matagumpay na experiment ni Dr. Dreel. Maliban doon, nakapasok na rin sa Pilipinas ang mga hybrid vampire na mas makapangyarihan. Kailangan nating masabat ang paglaganap nila habang may oras pa. May ilang lugar sa mga probinsiya na apektado na ng hindi pa natutukoy na virus. May mga tao pa rin kasi na hindi naniniwala sa mga bampira, kaya ayaw nilang makinig sa mga awtoridad. Pinag-aaralan pa namin ni Zyrus ang origin ng virus nang makapagsimula na kaming gumawa ng vaccine. May ibang doktor din na iginigiit na hindi pa masasabing pandemic ito dahil wala pang namamamatay na pasyente at symptomatic ang iba. Maaring seasonal ang outbreak ng sakit.  Nagbigay na ako ng mga vaccine sa mga ospital sa iba’t-ibang probinsiya para kahit papano ay madepensahan sa ibang virus na nagawan na ng vaccine. Naka-quarantine rin ang mga nakitaan ng sentomas,” pahayag ni Dario sa mga kasama. Kinikilabutan si Leslie habang inuunawa ang pinagsasabi ni Dario. She doesn’t think about what’s happening beyond the silent world. They are not aware that there’s a dangerous threat to humanity. “Ganoon din ang iginigiit ng mga doktor sa Middle East, posibleng virus lang na nagmula sa mga hayop ang lumalaganap sa ilang lugar doon  lalo nasa mga nakatira sa desyerto. Pero may ilang ekperto na nagsabi na zombie virus ang umataki sa isang lugar dahil mabilis na naapektuhan ang taong kinagat ng aso na affected ng virus. Una; akala nila pangkaraniwang rabies lang pero mas mabilis ang epekto sa katawan ng tao. Mabilis silang dumami, hindi katulad sa mga nakilala nang virus na medyo mabagal ang epekto sa katawa,” sabi naman ni Marco. Nawalan na ng ganang kumain si Leslie, pero ang mga kasama niya ay mukhang sanay na sa topic na iyon. Binalot ng takot ang puso niya. Hindi niya inaasahan na ganoon na pala kalala ang sitwasyon ng mundo. Akala niya, normal pa ring nabubuhay ang mga tao. Nang unti-unti na namang binabalot ng unit ang buong sistema niya ay hiniling niya kay Marco na gusto na niyang magpahinga sa kuwarto. Sinamahan naman siya nito. Dinala niya ang isang baso ng tubig na may yelo. “Masama ba ang pakiramdam mo?” tanong nito nang makapasok na sila sa kuwarto. “Medyo. Gusto ko lang mapag-isa,” aniya. “Naho-home sick ka ba?” Hindi siya umimik. “Huwag kang mag-alala, bukas ihahatid na kita sa bagong bahay mo. May makakasama kang babaeng bampira para naman hindi ka malungkot. Dadalawin na lang kita roon,” anito. Totoo palang hindi sila magsasama sa iisang bahay. Paano naman sila magha-honeymoon kung ganoon? Pero bakit ba siya nag-aalala? Dapat pabor iyon sa kanya dahil parang wala lang siyang asawa. “Hindi ka ba maglalagi roon sa bahay?” hindi natimping tanong niya. “Katulad ng nakalagay sa rules ko, hindi tayo puwedeng magkasama madalas. Pero palagi kitang dadalawin sa bahay mo. Kinausap ko na rin ang kaibigan kong engineer na gagawa sa law office mo sa nabili kong puwesto sa bayan. Tungkol naman sa honeymoon natin, baka next week na. Hindi pa ako nakapili ng lugar. Sige na, magpahinga ka na,” anito saka siya tinalikuran. Nagsikip ang dibdib ni Leslie. Hindi niya inaasahan na ganoon ang mararamdaman niya pagkatapos ng kasal. Hindi pa man sila nagsasama ni Marco ay ramdam na niya ang long distance relationship. Hindi ganoon ang pinangarap niyang love story, lalo na ang married life. Parang nagpakasal lang siya sa isang fictional character na napapaligaya lang siya emotionally.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD