CHAPTER 1 (Her Life)

2350 Words
Time flies like the speed of light. Hours, minutes and even seconds are passing so quickly that sometimes, we are not aware na nakalipas na ito. Dati, ang saya saya ko pa eh. Dati, wala akong ibang ginawa kung hindi ang mangarap at umasa sa mga kuwentong pantasiya. Dati, ang para sa iba'y gawa-gawa lamang ay katotohanan para sa akin. Ngayong subok na ako ng panahon, ang mga iyon ay mananatili na lamang ala-alang aalalahanin ko sa susunod pang mga taon, sa susunod pang mga panahon. Before, I thought I have all the time in the world to enjoy and be happy, but now that I am at the phase where there's no fun anymore, I couldn't help but to question that belief. At the end of the day, I realized that I don't have all the time in this world, I just have my lifetime to have fun. My lifetime where everything is not fun, where everything is about sacrificing and giving all that I got. My life is no fun. I am no fun. Everything about me is boring and uninteresting. “Woii, Ash! Tawag ka na ni tita. She's been looking for you everywhere. “ wika ng pinsan kong si Jebelle. Napangiti naman ako nang mapait. Ano na naman ba? Ano na naman ba ang pabor na hihingin nila sa akin? “Ahh, bakit daw nila ako hinahanap?“ matamlay kong tanong. Lumamlam naman ang mga mata ng pinsan ko. “It's about tito.“ malungkot niyang wika. Napabuntong-hininga naman ako. Bakit ba hindi pa ako nasasanay? Bakit ba parang lagi na lang may bago kung makaasta ako? “Ahh, sige. Mauna na ako, huh. “ wika ko. Nginitian ko siya ng pilit. Nang ilang metro na ang layo ko sa kaniya ay kaagad siyang nagsalita. “Ash, kung may problema ka, andito lang ako, okay? Hindi mo kailangang solohin. Pwede mong ibahagi sa akin 'yong iba tapos sabay tayong iiyak para sa'yo,“ wika niya sa alam kong papaiyak na boses. Hinarap ko naman siya habang pinipigilan ang pag-alpas ng mga luha. “Salamat,“ sinsero kong wika. Alam ko namang nariyan ka, Jebelle, pero hindi ko pa kasi kayang pag-usapan. May mga bagay pa ring gusto kong kimkimin dahil ayokong mahusgahan o kung hindi man ay ayokong may makaalam. May mga bagay na hindi ko gugustuhing sabihin dahil alam kong may dinadala rin siya. Ayokong makadagdag sa isipin, ayokong magmukhang pabigat at kaawa-awa. Kaya ko pa namang maging matapang para sa sarili ko, kaya okay lang. Nang makauwi ako sa bahay ay tumambad sa akin si tita na nasa harap ng pintuan. Mukha itong galit na galit habang hawak-hawak ang isang kapirasong papel. “Saan ka galing?“ singhal sa akin ni tita. Imbes na sumagot ay nilagpasan ko siya. Ayoko sanang maging bastos, pero wala talaga akong lakas para makipagtalo ngayon. Wala akong lakas para makipag-away sa kaniya. Kakatapos ko lang umiyak, gusto ko nang magpahinga. Kaagad namang hinila ni tita ang buhok ko, dahilan para mapadaing ako. “A-Aray po, tita!“ pagdaing ko. Parang wala namang narinig si tita dahil hindi niya pa rin binibitawan ang buhok ko. Kaagad niya akong hinila papunta sa kuwarto ko. “Bakit hindi mo ako sinasagot, huh?! Napakawalang-galang mo talagang bata ka! Manang-mana ka sa nanay mong walang modo!“ galit na galit na sigaw ni tita. Ngayon ay hindi na lamang ang kamay ni Tita na nakahawak sa aking buhok ang dahilan ng sakit na nadarama ko kundi maging ang kaniyang mga sinabi. Laitin na niya ako, pero huwag niyang idadamay si Mama sa usapan. Mapapalagpas ko pa ang pananakit niya, pero ang pang-aalipusta niya kay Mama, hindi ko iyon matatanggap. Nang bitiwan niya ako ay umiiyak akong napaupo sa sahig. Tama na muna, Tita. Tama na po muna, pagod pa ako eh. Pagod na pagod na ako. “Ikaw na bata ka, wala ka bang kayang gawing tama? Lumalandi ka na ba, huh?! Baka kung sino-sino na naman ang kasama mo!“ sigaw sa akin ni tita. “H-Hindi po, tita. Lumabas lang po ako kasi pumunta ako sa puntod ni mama. Wala po akong ibang pinuntahan.“ umiiyak kong wika. “Ahh, so pinuntahan mo pala ang basura mong ina? Sa bagay, siya lang naman ang kakampi mo, 'di ba? Parehas kasi kayong inutil at walang kwenta,“ mapang-uyam na wika ni tita. “A-Ako na lang po ang pagsalitaan niyo nang ganiyan, tita. Huwag niyo na pong isama sa usapan si mama dahil patay na siya! Makakaya ko pa pong ako ang tawagin niyong inutil at walang kwenta!“ sigaw ko habang umiiyak. Nanghihina na ako, dahil simula ata kaninang umaga ay puro iyak na lang at luha at lumabas sa mga mata. I'm drained. “At sinisigawan mo na ako? Wala akong pakialam kung nasasaktan ka sa sinasabi ko sa nanay mo! Totoo naman ah, parehas na parehas kayo! Malandi ang nanay mo! Inagaw niya sa akin si Drem!“ nanggagalaiting sigaw ni tita. Doon na ako nagpuyos. No! Hindi malandi ang nanay ko, wala siyang inagaw! “Hindi malandi ang nanay ko, tita! Wala siyang inagaw sa'yo dahil ikaw ang nang-agaw! Ikaw ang sumira sa buhay naming dalawa!“ Sa sobrang galit ay hindi ko namalayang sinisigawan ko na siya. Agad ko namang naramdaman ang kaniyang palad sa kaliwa kong pisngi. “Hayop kang bata ka, napakawalang-galang mo talaga!“ wika niya sabay hawak nang mariin sa aking baba. “Ito ang tatandaan mo Ashrei, huwag na huwag mo akong sisigawan dahil hindi mo alam kung hanggang saan ang kaya kong gawin! Ako ang reyna sa bahay na ito at wala kang karapatang pagtaasan ako ng boses, naiintindihan mo?” wika nito habang dinidiinan ang paghawak sa aking baba. Kahit nanghihina ay tumango-tango ako. Marahas niyang binitawan ang aking baba, na nagpapaling sa aking ulo. Nang makalabas siya sa kuwarto ay hinang-hina akong tumayo upang humiga sa kama. Siguro ay matutulog muna ako. Baka sakaling sa panaginip ay maranasan kong sumaya muli. Baka nasa panaginip ang kasiyahang hindi maibigay ng tunay ns mundo. Itutulog ko muna ang sakit sa gabing ito. Ipapahinga ko muna ang aking mga matang lubhang napagod sa kakaiyak. Ipapahinga ko muna ang katawan kong pagod na pagod nang gumalaw. Ipapahinga ko na muna ang puso kong sawang-sawa na sa pagkimkim ng lahat ng sakit. Bukas ko na lang siguro haharapin si tita. Bukas ko na lang aalamin kung ano na naman ang kailangan niya sa akin. Ganoon naman lagi eh, mapapansin lang ako kapag mayroon akong kasalanan at kapag mayroon silang kailangan. Sanay na sanay na akong magmukhang hangin sa paningin ng bago kong pamilyang hindi naman ako itinuturing na pamilya. That night, I slept without worrying the unbearable pain in my chest. I slept like what's waiting for me when I woke up is a beautiful fantasy. I slept like it's going to be my last. Kailan kaya ang araw na hindi na ako iiyak? Kailan kaya ako sasaya at magiging sapat para sa isang tao? Kailan ba ako pipiliin? KINAUMAGAHAN ay inagahan ko ng gising. Ayoko kasing mabungaran si tita ngayong umaga. Ayokong masira ang araw ko. Agad akong nagluto ng umagahan para sa aming tatlo. Para sa akin, kay tita at para kay Gwen. Pagkatapos kong magluto ay naligo na ako at nagbihis. Nang makabihis ako ay agad akong naglagay ng liptint sa labi at ipinusod ko ang aking buhok. Pagbaba ko sa sala ay nadatnan ko si tita at si Gwen na kumakain. Nang magtama ang mga mata namin ni Gwen ay agad niya akong inirapan. Ano ba ang problema nito? “Hayy, naku! Salamat naman at isang araw kong hindi makikita ang basura,“ wika niya na alam kong para sa akin. Matamlay naman akong nagpatuloy sa paglalakad. Hayy, bakit pakiramdam ko ay wala akong pamilya kahit may kasama naman ako sa bahay? Bakit pakiramdam ko, wala akong kakampi? Bakit pakiramdam ko, sobrang nakakaawa ang lagay ko ngayon? NANG makarating ako sa school ay nakita ko agad sina Jebelle kasama sina Dervs at Gaia. Nang makita ako kaagad nila akong nilapitan. “Woii, Ashie, okay ka lang ba?“ malumanay na tanong ni Gaia. “Ahh, oo naman. Mukha ba akong hindi okay? May eye bags na ba ako?“ pagbibiro ko. Tiningnan naman nila ako nang seryoso. “Kilala kita, Jenniel. Alam kong may problema ka,“ malamlam na wika ni Jebelle. Napailing-iling naman ako. “Okay lang ako, guys. Ganito na naman talaga ako eh, tahimik at hindi palaimik,“ wika ko. Napabuntong-hininga naman si Dervs. “Basta sabihin mo lang kapag hindi ka okay, huh? Andito lang kami sa tabi mo. Pwede kang magsabi sa amin,“ sinserong wika ni Dervs. Kahit na ito ang pinakaluka-luka sa mga kaibigan ko ay siya rin iyong pinaka-affectionate. Napangiti naman ako at napatango. “Ehh! Para na tayong mga tanga rito!“ wika ni Rellien na ikinatawa naming lahat. Si Rellien ang pinakamayaman sa amin. Siya ang kadalasang nanlilibre at inuutangan namin. Si Gaia naman ang pinakamabait. Siya rin ang pinakamahinhin. Kaming dalawa ang taga-balanse ng grupo dahil ang tatlo ay pare-parehas na sabog. Si Jebelle naman ang pinakaclose ko. Magkasama na kami simula pagkabata at sabay rin kaming nagdalaga. Siya ang pinakamaganda sa grupo at siya rin ang tumatayong ate. Si Dervs naman ang pinakasabog sa aming lahat. She's a social butterfly at siya ang may pinakamakapal na mukha sa aming apat. “Group hug?“ alok ni Gaia na ikinatango naming lahat. Finally, ang yakap ng isang pamilya. “Group hug!“ sabay-sabay naming wika sabay hawak sa kamay ng isa't isa bago tuluyang magyakapan. Ayos lang palang walang pamilya sa bahay, meron naman ako sa school eh. Kahit hindi ko kaano-ano ang tatlo sa kanila ay tinanggap pa rin nila ako at minahal. Bakit kaya hindi iyon magawa ni Gwen at ni tita 'no? Bakit hindi nila ako magawang mahalin? Nang mag-ring na ang bell ay kaagad na kaming pumasok sa mga room namin. First day of classes ngayon pero malungkot ako. Bakit kasi ganoon sina Tita. “Good morning, class. Since it's just the start of your 1st semester ay hindi muna tayo magk-klase ngayong araw. Magpapakilala lang ang mga subject teachers ninyo sa inyo, then after that ay may gagawin tayong mga activities for your psychosocial, “ wika ni Miss Paltiano. She is our adviser and she's one of our subject teacher. Marami pang idiniscuss si Ma'am sa kung ano ang mangyayari ngayong araw. She also told us that we are going to have an open forum later. It makes me so nervous. What if I cry? What if I won't be able to contain my tears later? Nakakahiyang may makakita sa aking umiiyak. Naiisip ko pa lang ay nahihiya na agad ako. Huwag kang magd-drama mamaya, Ashie! Matapos makapagpakilala ng ibang mga subject teachers namin ay inumpisahan na namin ang pagsasagawa ng mga activities. Pinagsulat kami ng talambuhay, ng mga gusto naming mangyari, mga pangarap namin at malaya rin kaming pinagsulat ng kahit na anong maibigan naming sulatin. Nakakatuwa ang school na ito dahil focus na focus talaga sila sa estudyante at sinisigurado nitong maayos ang kanilang mental at pisikal na kalusugan. Marami ring mga magandang programa na humihimok sa bawat isa na labanan ang bullying, shaming at kahit na anumang uri ng karahasan sa paaralan. Nang dumako kami sa open-forum ay tipid lamang akong nagbahagi ng nararamdaman ko. “I wish that I could be someone who could still see happiness in everything. I wish that I could still be that woman who smiles because of petty things. I wish I didn't get any older. I wish I was never this old, so that I could still keep myself as whole. I regretted growing-up for it haunted me seeing people leave me. I hate being left, but I love letting them go,“ wika ko habang pinipigilan ang sarili kong umiyak. Niyakap naman ako ng iba kong kaklase habang ang iba'y pinagagaan ang loob ko. I wasn't even telling them that I am not okay, pero heto sila't dinadamayan ako. Siguro ay base sa kung paano ko ilabas ang nararamdaman ko o dahil halatang nagpipigil lang ako na umiyak? Ewan ko, wala na akong pakialam. Sa mga ganitong pagkakataon lang ako nakakapagsalita tungkol sa mga hinaing ko. Hindi dahil kailangan, kundi dahil alam kong hindi ako nag-iisa. Hearing many people talk about their bad life, I couldn't help but to feel the sense of being somehow similar to them. Bakit ba hindi na lang naging ganito si tita at si Gwen? Bakit kailangang nilang maging malupit sila sa akin? Sa open forum na iyon ay hindi ako umiyak, pero bumigat ang puso ko. I am not the type of person who could show her crying self to the public. Pakiramdam ko napakamadrama ko at pabebe. Iyan kasi ang laging sinasabi sa akin nina tita kung kaya't nasanay na akong nagtatago ng emosyon. Sa tuwing iiyak ako ay nagkukulong ako sa kuwarto o kaya ay dadalawin ko ang puntod ni mama. Ang dalawang lugar na iyon lamang ang naging pinakapampakalma ko sa loob ng mahigit limang taon kong pangungulila sa pamilyang nawasak ng dahil sa kasalanan. Hindi naman ako bunga ng kasalanan, pero bakit ako 'yong nahihirapan? Hindi naman ako ang nagkamali, pero bakit ako 'yong nasasaktan? NANG matapos na ang klase ay sumabay ako kay Jebelle pauwi. May dadaanan rin kasi siyang malapit sa bahay namin, that's why. “Okay ka lang?“ tanong sa akin ni Jebelle. Hindi ko namalayang nakatulala na pala ako. “A-Ahh, O-Oo naman. May iniisip lang,“ sagot mo. “Gusto mo bang pag-usapan?“ marahan niyang tanong. Umiling naman ako. “Okay lang ako, Belle. At saka, pagod lang siguro ako,“ wika ko at nginitian siya ng maliit. Kahit na nag-aalala pa rin ay nginitian niya ako. “Sure ka huh? Tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka!“ wika niya habang bumababa ako sa kotse. Nagthumbs-up ako sa kaniya. “Opo, Master!“ wika ko. Nang makaalis na ang sasakyan niya ay napabuntong-hininga ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD