CHAPTER 2 (Miserable)

2528 Words
"Buti naman at umuwi ka na," bungad sa akin ni tita. Kapapasok ko pa lang sa gate pero iyon na agad ang bungad niya. "Ahh, opo." matamlay kong sagot. Nang dumaan ako sa gilid niya ay kaagad niyang hinawakan ang braso ko. "Pagkatapos mong maligo, bumaba ka sa sala. May pag-uusapan tayo."tipid niyang wika. Napatango ako sa kaniya. Naramdaman ko ang pagbitiw niya sa aking braso. Kaagad akong pumasok sa aking kuwarto upang magbihis. Nang makapasok ako sa banyo ay agad akong napabuntong-hininga. Ano na naman ba ngayon? Sawang-sawa na ako sa mga pabor. I hate it when people use me for their welfare. I hate being used and I hate being one of their person. Ayokong maging sunod-sunuran pero wala akong choice. For me to somehow have a family, I have to degrade myself and cut my principles. Kaagad akong naligo pagkatapos ay nagbihis bago bumaba. Nadatnan ko sa sala si tita at si Gwen na mukhang kanina pa akong hinihintay. Nang makita ako ni Gwen ay napangisi siya. "Ma, andito na pala siya. Hindi ko napansin, ahh. Basura yarn?" mapang-uyam na wika ni Gwen. Yumuko na lang ako. "M-May kailangan po kayo sa akin?" tanong ko kay tita. Agad namang lumawak ang ngiti ni tita. "Tumawag ang Papa mo." wika niya na ikinataas ng kilay ko. So? "Bakit daw po siya tumawag?" wika ko sa mahinang boses. "Wala. Nangungumusta." tipid na wika ni tita. "Ahh, 'yon lang po ba ang sasabihin niyo sa akin? Uhmm, sige po, akyat na po ako sa kuwarto ko kung ganoon," wika ko. Hahakbang na sana ako pabalik sa kuwarto ko nang magsalita si tita. "Humingi ka ng pera sa kaniya." Isang maikling pahayag lamang iyon ngunit parang ginuho na niyon ang natitira kong prinsipyo. Bakit ba ako pa ang pagagawin nila n'on? Ayoko sa lalaking iyon! "Hindi po ba pwedeng kayo na lang? Sa inyo naman siya nakikinig," maikli kong wika. Hindi ko naman gustong magmukhang sarkastiko pero ganoon ata ang naging dating kay Gwen. "Anong sabi mo? Hoyy babae, baka nakakalimutan mong nakatira ka sa pamamahay namin!" wika ni Gwen. Napayuko na naman ako. Bahay niyo? Baka bahay ko. Sa amin ito ni mama. Kami ang totoong may-ari nito, sadyang makapal lang ang mukha niyong angkinin. "Tama na muna iyan, Gwen." saway ni tita sa kaniya habang lumalapit sa akin. "Humingi ka ng pera sa kaniya, Jenniel. Hindi sapat ang perang ibininigay niya pang-allowance ni Gwen. Kung binibigyan mo lang sana ako sa perang ipinadadala niya sa iyo, e 'di sana'y wala tayong problema," wika ni tita. Ako pa? Ako pa talaga ang sinisisi, eh napakaliit na nga ng napupunta sa akin. Kung hindi lang sana magastos si Gwen ay baka mas marami pa siyang pera kaysa sa akin. Kahit na ayaw ko, ay tumango-tango ako. "Susubukan ko po, tita. Tatawagan ko po siya mamaya." sagot ko sabay talikod sa kanila. Hindi ko na sila binigyan ng atensyon at kaagad akong pumasok sa kuwarto. Mamayang hating-gabi na lang ako kakain. Ayaw kong makasabay silang kumain dahil kaunti na lamang ay susuka na ako. Ayaw ko sa kanila, pero kailangan ko sila para kahit papaano'y may maituring akong pamilya. Kaagad kong inub-ob ang mukha ko sa unan. Kadarating ko lang galing school pero may panibago na namang pasakit ang dumating. Bakit ba lagi na lang ako? Bakit kailangang ako? Kaagad kong minessage si Jebelle. Sa tuwing malungkot ako ay chinachat ko lang siya. Me: Busy ka ba? Belle: Hindi naman. May problema ka ba? Me: Hindi ba ako nakakaabala? Kaagad naman siyang nagreply. Well, mukhang hindi nga siya busy. Belle: Hindi 'no! Tara, pag-usapan natin 'yan Me: Nakakausap mo ba si Papa? Napapabuntong-hininga ako noong tinatype ko iyon. Ayaw ko na naman siyang makausap, pero wala akong choice ngayon. Agad na tumunog ang phone ko nang nagreply siya. Belle: Hindi eh, bakit? Me: Ahh, akala ko kasi eh, Heheh Belle: May problema ba? May pinapagawa na naman ba ba sa iyo 'yong bruha mong tita? Napabusangot naman ako. Kilalang-kilala na nga ako ni Jebelle. Alam na alam niya kapag tumatawag ako sa kaniya. Me: May bago ba? Ganoon naman lagi si Gwen at si tita. Sanay na ako. Belle: Hayys, kahit na! Ano na naman ba ang ginawa nila sa'yo ngayon? Me: My number ka ni papa? O kaya ay alam mo ba ang f*******: account niya? Belle: Meron akong number ni tito. Hindi ko alam kung ano ang f*******: niya pero hahanapin ko para sa'yo. Napangiti naman ako. Me: Thank you! Belle: Bakit mo nga pala hinihingi number ni tito? Me: Kakausapin ko siya. Sabi ni tita. Belle: Bakit? Sigurado ka ba? 'Di ba ayaw mo siyang makausap? Hindi ka ba napipilitan? Me: Sure na ako Belle. Wala na rin naman akong magagawa 'di ba? Belle: Hayys, okay. Send ko sa'yo mamaya 'yong number ni tito. Sure kang okay lang sa'yo, huh! Me: Opo, thank you! Makalipas ang ilang oras ay sinend na nga niya sa akin ang number ni papa pati ang name nito sa f*******:. Dapat ko na ba siyang kausapin agad? Dapat ko na ba siyang tawagan? Pero natatakot pa rin ako eh... Nandito pa rin 'yong takot kong makita siya. Paano kung bumalik iyong trauma ko? Paano kung bumalik iyong sakit na pilit kong ibinabaon sa limot? Hanggang ngayon... hanggang ngayon kahit malaki na ako, 'yong sakit na naranasan ko ay narito pa rin. Nang sumapit ang alas-otso ng gabi ay napagdesisyunan kong bukas na siya kausapin. Huwag ngayong gabi. Huwag ngayon dahil gusto ko na talagang magpahinga. Nang mag-hatinggabi na ay lumabas ako ng kuwarto ko at kaagad na kumuha ng kanin sa kaldero. May tira pa naman kasi diet si Gwen eh, medyo mahina siyang kumain. Sa ulam siguro ay maghahanap na lang ako ng tira sa kaserola st kapag wala ay maghahanap na lang ako ng de-lata sa cabinet. Nang may makita akong tirang adobo sa kaserola ay napangiti ako. Kaagad akong kumuha ng kanin at mabilis na kumain. Bago ako umakyat sa kuwarto ko ay kaagad kong hinugasan ang aking pinagkainan. Nang makapasok ako sa kuwarto ko ay kaagad kong inihiga ang aking sarili sa malambot kong higaan. Pinatay ko ang ilaw na nanggagaling sa lampara at kaagad kong niyakap ang aking unan. Hinayaan kong lamunin ako ng pagod hanggang sa makatulog ako. Kinaumagahan ay maaga akong nagising. Tulog pa rin sina tita at Gwen. Well, mas mabuti nga 'yon dahil walang eepal sa napakaaliwalas kong umaga. Kaagad akong nagluto ng umagahan pagkatapos ay kumain. Pagkatapos kong hugasan ang kinainan ko ay kaagad akong pumasok sa kuwarto ko para maligo. Pagkababa ko sa kusina ay nagkakape na si tita. Si Gwen naman ay nauna pa ata akong bwesitin bago magsuklay. Paano ba naman kasi ay nakataas na naman ang kilay niya sa akin habang nakangisi. Ano bang problema nito? Parang tanga eh. Kaagad ko naman silang nilagpasan. Bahala kayong dalawa riyan. 'Wag niyong sirain ang araw na pipilitin kong maging masaya. Kaagad akong nagpara ng tricycle. Nang makarating ako sa school ay wala pa sina Dervs. Napaaga ba ako ng pasok? Dahil wala rin naman akong magawa ay nagpatugtog na lamang ako ng music sa Spotify. Tutal naman ay mag-isa lang ako, wala naman sigurong makakarinig sa aking kumanta, 'di ba? ~Sometimes, I just want somebody to hold~ ~Someone who could give a jacket~ ~when it's cold~ ~Got that young love, even when we're old~ Pagkanta ko habang naka-earphones. Sana talaga ay walang makarinig. ~Oh sometimes, I just want someone~ ~To grab my hand,~ ~Pull me up, hold me close, be my man~ ~I will love you 'til the end~ Tinuloy-tuloy ko ang pagkanta hanggang sa hindi ko namamalayang nadadala na pala ako sa labis na pagkaengganyo sa ginagawa. Ako ay nakapikit na tila dinadama ang melodiya ng kanta. Nang matapos ako sa pagkanta ay kaagad akong nagmulat ng tingin. Sa gulat ko ay nakita ko ang mga kaklase kong manghang-mangha sa akin. Kaagad kong ibinaba ang aking earphones dahilan para mabingi ako sa umaapaw nilang papuri. "Ang galing mong kumanta, Ashie!" wika sa aking ng isa kong babaeng kaklase. "Wooh! Wala na guys, isali niyo na si Ashie sa singing contest! Panalo agad 'to for sure!" wika naman ng isang kong isa kong kaklase. Napapailing-iling naman ako. Hayys, nakakahiya! Narinig ba nila ang buong pagkanta ko? Pumiyok ba ako? Hindi kaya mukha akong palaka kanina? Nang dumating ang aming unang subject teacher sa araw na iyon ay kaagad na kaming umupo. Mataman akong nakinig sa aming mga naging discussions dahil maganda ang araw ko ngayon. After a long time, may araw na akong hindi nakakairita. Nang maglunch na ay kaagad kong pinuntahan sina Dervs sa may Math Park. Well, doon naman kasi ang tambayan naming lima. Nang papalapit na ako sa Math Park ay kaagad akong sinigawan ng gagang si Dervisia. "ASHIE!" sigaw niya na parang ilang taon kaming hindi nagkita. Nakita ko naman ang paglingon sa akin at sa kaniya ng mga tao. Ang iba ay mukhang galit at ang iba nama'y mukhang gulat. Napaface-palm naman ako. Siraulo ka talaga, Dervisia! "Tanga, huwag kang sumigaw!" mahina kong wika sa madiin na tono. Inirapan niya naman ako. "Ganito na talaga ako, gaga! Dapat sanay ka na!" natatawa niyang wika. Natatawa ko rin siyang sinagot. "Whatever." Nang makapunta na kami sa table namin ay nakita ko ang tatlong nagkwenwentuhan. "Woii, kilala niyo ba si Mapple? 'Yong babaeng maarte sa Section 3?" tanong ni Jebelle sa mahinang boses. Ang kuryosong si Rellien naman ay kaagad na lumapit. Si Gaia naman ay naiiling. "Oo beh, bakit? Anong nangyari?" pakikiusyoso ni Relien. "Break na sila ng bf niya teh. Nag-cheat daw si Ate mo Ghurl!" pagkukwento ni Jebelle. "Hala ka! Omg! Ang guwapo ni boy, teh! Inistalk ko 'yon dati eh!" mahinang wika ni Rellien. Nang maipakita ni Rellien ang mukha no'ng kung sino man iyon kay Jebelle ay agad na nag-iirit ang loka. Ano ba kasi iyon? "Omg ka! Bakit naman niya pinalitan si ano, eh ang pogi-pogi!" sigaw niya. Nang matanto ata niyang naisigaw niya iyon ay kaagad niyang tinakpan ang kaniyang bibig. Bunganga mo, Jebelle! "Hayys, hindi pa naman sure kung totoo nga 'yan, mga girls. We shouldn't judge Mapple first, baka hindi naman totoong nag-cheat siya. As long as she's not giving her side, we shouldn't conclude things," wika ni Gaia. Napatahimik naman ang dalawa. Si Rellien at Jebelle ay kapuwa napanganga sa sinabi ni Gaia. "Hala, sorry po," nakayukong wika ni Rellien. Para siyang batang napagalitan. "Sabi ko nga napakademonyo ko!" natatawang wika ni Jebelle sabay yakap kay Gaia. Si Gaia ang pinaka mama Mary ng grupo namin. Siya ang tumatayong nanay kahit siya ang pinakabata. Minsan nga ay nakakahiyang manlait sa harap niya dahil kinokonsensya niya kami. Para siyang walking Bible. Nang makita nila akong papalapit sa table ay kaagad nila akong tinakbo. "Ashie!" "Insan!" "Sungit!" Sabay-sabay nilang wika. Napabusangot naman ako! Really? Wala bang pwedeng ibang i-nickname, Rellien? Sungit talaga? "Miss mo ako?" tanong ni Rellien. Umakto naman ako na parang nasusuka. "Yuck, huwag mong sabihin, nandidiri ako," wika ko habang kunwari ay naduduwal. Inirapan naman niya ako. "Heh! Indenial ka lang! Miss mo rin ako!" wika niya. Hayys, bahala ka sa buhay mo, Loure Rellien! "Kain na tayo?" aya ni Gaia. Napatango naman ako. Bago kami kumain ay nagpray muna kami. Simula nang dumating si Gaia sa buhay namin ay nakasanayan na namin ang manalangin bago kumain. Lagi niyang ipinapaalalang mahalaga ang magpasalamat sa mga maliliit na bagay na natatanggap. After nang lunch break ay bumalik na rin ako kaagad sa room namin. Nang hapon na ay kaagad akong pumunta sa locker ko para kunin ang ilan kong mga gamit dahil may project akong tatapusin. Pagkabukas ko pa lamang ng locker ko ay tumambad na ang iba't ibang mga bulaklas tapos mga chocolates. Arrgghhhhh Kanino ba ito galing? "Hi, Miss! Ang galing mo kumanta tas ang ganda mo pa" -ABO "You're cute." -ABO "You're pretty when you're calm. So please, just smile. You don't have to always give a glare to every people." -ABO "I like you, Ms. Girl Who Likes To Give A Poker Face." -ABO So, all the chocolates, letters and even the flowers are from the same person? The f**k?! Nababaliw na ba iyong lalaki na iyon? Whatever. Baka naman hindi siya lalaki. His name is kinda weird too. ABO? Ano siya gabok? Well, ang sarap niyang puwingin! Kaagad kong isinara ang locker ko. Kaagad-agad akong luminga-linga sa paligid ko. Should I be scared? Baka may stalker na pala akong hindi ko nalalaman. That's kinda creepy. Kung sino ka mang ABO ka, tumigil-tigil ka na. I don't like it when people are admiring me. It sounds so cringe and girly. I don't like it when men develops liking towards me. I have to be alone! I don't need men! Kaagad kong inilagay sa bag ko ang mga chocolates. I threw all the flowers away but I keep the letters. Baka kasi nagkakamali lang ako ng akala na may gusto sa akin 'yong kung sino mang culprit sa pagkakaroon ng mga ganito sa locker ko. Kaagad kong kinuha ang mga gamit na kailangan ko pagkatapos ay dali-dali kong isinara ang aking locker. Nyetang araw! Kaasar. Nang nasa may gate na ako ng paaralan namin ay may narinig akong bulungan. "Woii, beh! May gwapong STEM student akong nakita kanina," wika noong isang babae na halos ay magtitili na. "He's so tall and handsome. His hair is on a clean cut. He's so funny and he's so kind!" halos mabingi na ako sa irit ng isang babae. Hayys, kung makadescribe naman parang sobrang gwapo, at saka kung gwapo man 'yan, halatang manloloko. Cheater lahat ng pogi! Kaagad akong naghintay sa sakayan ng tricycle. Nang may tumigil sa aking harapan ay kaagad akong sumakay. Habang nasa sasakyan ay tulala lang ako at nag-iisip. Iniisip ko kung ano kaya ang mangyayari mamaya. Should I really talk to Papa? But what if I'm not ready yet to face him? What if it still hurts amidst the time? What if I'm not fully-healed yet? Nang tumigil ang tricycle sa tapat ng bahay ko ay kaagad akong bumaba at nagbayad. Pagkapasok ko sa bahay ay wala akong nadatnang tao. Hayy, buti naman. Nasaan na naman kaya si Gwen? Si tita? Kaagad akong nagluto ng pagkain para sa sarili ko. Baka mamaya pa umuwi ang mga iyon, kung kaya't susulitin ko muna ang oras na ganito. Oras na mag-isa lang ako habang may kalayaang gumalaw sa sarili kong pamamahay. Pagkatapos kong magluto ay kaagad akong naghugas ng mga plato. Kaagad akong humiga sa aking kama. Ganito na lang ba talaga ang routine ko? School-bahay-School-bahay... Nakakapagod pa rin ang ganito kahit sanay na sanay na ako. Nakakapagod pa ring mabuhay kahit wala nang rason. Kaagad kong binuksan ang f*******: ko. Tumambad sa akin ang ilang mga message nina Dervs, Gaia,at Relien na hindi ko pa nababasa. Ilang araw na pala akong hindi active sa gc namin. DervisiaNotSoPokpok: @AshieAboabo, okay ka lang, sis? RellienMasterniBelle: @AshieAboabo, okay ka lang? Tawag ka sa amin kapag hindi, okay? MamaMary: Okay ka lang, Ashie? Tawag ka kapag may kailangan ka, huh? Nandito lang kami. Kaagad naman akong nagreply.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD