CHAPTER 3 (WE MET)

2881 Words
KINAUMAGAHAN ay kaagad akong gumising nang maaga upang magluto at maghanda ng pagkain. Kaagad akong nagluto ng tatlong itlog, tatlonh hotdog at kanin. I also toasted two bread. Bahala na silang mag-toast ng sarili nilang tinapay. Hindi naman nila ako alalay eh. Kaagad din akong naligo pagkatapos kong kumain. Nang bumaba ako sa kusina ay nakita kong hindi pa gising sina tita. Wow, nakakapagtaka naman huh. Himalang walang nagpapagulo ng umaga ko. Nang makarating ako sa school ay kaagad akong pumasok sa room. May biglaang inanounce na quiz kung kaya't I have no choice but to review or babagsak ako. Nang magrecess na ay kaagad akong pumunta sa cafeteria. Medyo siksikan dahil mayroong pinagkakaguluhan ang mga babae roon sa kabilang table. Parang mga tanga. Ano na naman ba ang issue sa campus? Kaagad akong pumunta sa lugar malapit sa pinagkakaguluhan nila para kumuha ng kape. Nang makakuha ako ng kape ay dali-dali akong lumakad paalis sa nagsisiksikang mga tao. Mayroon kasi silang pinagtutumpakan roon sa pinakahuling table, and take note, mga babae lahat sila! “Hi! Pwede ka ba mamaya? Dinner tayo?“ “Hi, Mr. Bether! Interesado ka bang maging tayo?“ “Omg, Gray! Ang pogi mo talaga!“ Iyan lamang iyan sa naririnig kong wika ng mga estudyanteng babaeng naroroon. Napataray naman ako at napangisi. Pogi, my ass. Nang biglang tumayo ang lalaki ay hindi inaasahang natabig ng umipod niyang bangko ang paa ko. Sa gulat at biglaang pangyayari ay natapon ang kape sa uniform ko. What the hell! Nakita ko namang natigil ang mga babae pagkatapos ay umalis na rin. Naiwan sa harap ko ang lalaking pinagkakaguluhan nila kanina na siya ring nakasanggi sa akin. Damn it! Paano ako makakapagpalit? Wala akong baong damit! ”Miss, are you okay?“ wika nito sa baritonong boses. Malamig naman akong nag-angat ng tingin. Nang balingan ko ang lalaki ay itinago kong mapanganga sa angkin niyang kagwapuhan. Gwapo siya pero hindi ko ito palalampasin. He's not my type either. “Mukha ba akong okay? Bakit ba napaka-careless mo, huh! Paano ako magpapalit nito? Paano ang damit ko?“ naiirita kong wika habang pinupunusan ang uniform kong puro kape na. Shit, mainit rin 'yon. Buti na lamang ay hindi ganoon kainit. I saw how guilt reflected his eyes. Dapat lang! Although it was an accident, he should still take the full responsibility. “I'm really sorry, miss. Hindi ko naman sinasadya at hindi ko rin nakitang nariyan ka pala,“ wika niya. Napataas naman ako ng kilay. “Okay, I don't care. All I care is how could I change my uniform. Wala akong extra sa bag ko. Hindi ko naman alam na tatapunan mo ako ng kape,“ wika ko. I don't know if that sounds so sarcastic pero bahala na. Kailangan kong magpalit ng damit! Napabuntong-hininga naman ang lalaki. “Fine. Wait here.” wika ng lalaki sabay takbo paalis. Aba, subukan mo akong hindi balikan dito at makikita mo ang hinahanap mong Poncio Pilato ka! Makalipas ang sampung minuto ay nakita kong hinihingal na tumatakbo ang lalaki papunta sa aking direksyon. ”Here. Magpalit ka na ng uniform mo.“ wika niya habang iniaabot sa akin ang pares ng uniform. “Kanino mo hiniram?“ tanong ko. “Binili ko.“ wika niya. Napaawang naman ang aking mga labi. “Huh? What do you mean?“ Mukha naman siyang natawa sa reaksyon ko. “I bought if from my classmate, silly. May extrang uniform na dala ang isa sa mga kaklase ko, so binili ko na lang.“ wika niya like it was nothing. Tangina? Bakit niya bibilhin?! Pwede namang hiramin na lang. “Bakit mo binili? Pwede mo namang hiramin na lang, at saka hindi naman nasira ang damit ko, natapunan lang ng kape,“wika ko. “It's okay! I caused you trouble and gusto ko lang na mag-sorry. Treat that as my peace-offering.“ Tumango naman ako. “Okay, fine. Saan ang room mo? Ibabalik ko 'to kapag nalabhan ko.“ Nakita ko namang napatawa siya. “You don't have to give it back to me, miss. Anong gagawin ko riyan?” wika niya habang nangingisi. Ano bang trip ng lalaking ito? “I want to return it to you. Saan ang room mo?“ pag-uulit ko. Nakita ko namang natigilan siya. “N-Nasa 4th Floor ng building ang room ko. I'm a STEM student.“ wika niya. Napatango-tango naman ako. “Okay, ibabalik ko ito sa isang araw.“ Kaagad akong nagbihis pagkatapos niyang umalis. Hindi pa rin ako makapaniwalang binili niya ang uniform na ito. Maybe he's just lying? Sino namang tanga ang bibili ng uniform para sa isang estranghera? Ayy, ewan ko. NANG maglunch-break na ay kaagad akong pumunta sa Math Park. Nakita ko kaagad sina Jebelle, Rellien, at Dervs na may pinag-uusapan. Mukhang kinikilig pa si Rellien. Si Gaia naman ay may binabasa sa gilid. Medyo malayo siya sa tatlo, siguro ay dahil ayaw niyang maisturbo. Hindi nila napansin ang pag-upo ko sa kabilang table. “Bhe, alam mo bang may bagong transferee?“ halos tumili na si Dervs habang sinasabi iyon. Kinikilig namang sumagot si Rellien. “Omg, sis! Ampogi! Sabi ng mga kakilala ko sa STEM, matalino rin daw iyon,” wika niya sabay hagikhik. Nangasim naman ang mukha ko. Pogi, my ass. Pogi naman talaga iyon pero ewan ko ba kung bakit naiinis ako sa pagmumukha niya. Siguro ay dahil masama ang first impression ko sa kaniya. Ganoon kasi ako eh. Kapag hindi maganda ang una kong pagkakakilala sa ibang tao ay nahihirapan akong magustuhan sila. “First impression lasts,“ ika nga ng iba. “Hayy, mga teh! Hindi kaya pogi! Mas pogi pa rin si ano...“ kunwari ay nakabusangot na wika ni Jebelle. “Asus, Jebelle!“ natatawang wika ni Dervs. “Mas pogi pa rin diyan si Halver!“ sigaw niya. Napatawa naman si Rellien at Dervs. Nang matantong naisigaw niya iyon ay kaagad niyang hinampas si Rellien at Dervs. “Mga gago talaga kayo!“ wika niya habang namumula. Halos hindi na naman makahinga ang dalawa sa kakatawa. Sa gilid nila, ay nakaupo pa rin si Gaia. Ngayon ay may earphone na siya sa tainga. Mukhang narindi siya sa ingay ng tatlo kanina. “Hayys, tuwing pupunta ba ako rito ay puro chismis ang mga baon niyo?“ wika ko. Nilingon ako ng dalawa habang natatawa habang si Jebelle naman ay tinatakpan ang kaniyang mukha dahil sa kahihiyan. Sa tinagal-tagal na naming magkasama ay ngayon ko lang siya nakitang mamula ng ganito. Hmm, what with her and that Halver? “Ashie, may chismis ako sa'yo! 'Yong pinsan mo eh, humaharot na!“ wika ni Dervs habang lumalapit sa akin. Kaagad naman siyang hinila ni Belle. ”Shut up, Dervisia! Huwag kang maniwala riyan, Ashie! Nagugutom lamang iyan!“ wika niya habang tinatakpan ang bibig ni Dervs. Si Rellien naman ay hindi pa ata nakakamove on sa kakatawa. Nang inilabas ko na ang pagkaing binili ko kanina sa cafeteria ay kaagad na itinago ni Gaia ang headphone at libro niya. Isa-isa na rin nilang inilabas ang mga baon nilang lunch. Pagkatapos naming maghugas ng kamay sa isang handwashing area ay kaagad na kaming nagkwentuhan. Nagdasal rin kami bago kumain. Habang ako ay ngumunguya, sila naman ay hindi magkamayaw sa pagkukwentuhan tungkol sa lalaking nakatapon sa akin ng kape. Ako naman ay mukhang hindi nakikinig. Hindi rin ako interesado. Nang madako sa akin ang usapan ay muntik na akong mabilaukan dahil sa tanong nila. “Ikaw, Ashie? Kailan mo balak magboyfriend? May crush ka na ba?“ tanong ni Rellien. Napaubo-ubo naman ako. “Wala akong balak mag-boyfriend, at wala rin akong crush.“ tipid kong sagot. “Grabe, hindi ko ata kaya 'yan! Tao ka pa ba, Ashie? I mean, sa daming pogi sa school natin, imposibleng wala kang matipuhan,“ wika ni Dervs habang nakakunot ang noo. “Wala nga. I swear. Hindi ako mahilig sa mga ganiyan.“ tipid kong wika. “Eh? Sure ka ba? Simula pagkabata natin, wala ka pang binabanggit na naging crush mo. Maraming nagkakagusto sa'yo, pero dedma ka naman.“ wika naman ni Belle habang nagbabalat ng hipon. “Having a boyfriend is not really my thing. I prefer being alone than being so cringe and sweet.“ wika ko. Napatango-tango naman sila. “Halata naman eh,“ natatawang wika ni Dervs. Sinamaan ko naman siya ng tingin. “Eat, guys. Mamaya na ang kwentuhan.“ wika ni Gaia. Kaagad naman kaming kumain na at hindi na nagkwentuhan pa. Pagkatapos ng lunch ay bumalik na kami sa kani-kaniya naming room. Habang nasa klase ako ay parang nasa ibang ibayo naman ang utak ko. Iniiisip ko na namang muli kung dapat ko na bang kausapin si papa. Baka kasi itanong na naman ni tita mamaya kung nakausap ko na ba si papa tapos kapag sinabi kong hindi, ay baka pagalitan na naman ako. Sa huli ay napabuntong-hininga na lang ako sa naging pasya. Kakausapin ko na siya mamaya. Bahala na kung anuman ang mangyari. Nang matapos na ang klase ay kaagad kong inayos ang mga gamit ko. Pumunta ako sa sakayan ng sasakyan upang maghintay ng papasadang tricycle roon. Isang oras na akong naghihintay ngunit wala pa rin. Siguro ay umuwi na ang mga namamasahero dahil medyo late na kasi ako nakalabas. Nautusan pa kasi akong tumulong sa paglilinis ng classroom at paglilinis ng faculty room. Paano ako uuwi nito? Habang nag-iisip ako ay nahagip ng aking mata ang isang itim na kotseng papalapit sa lugar kung saan ako nag-iintay ng tricycle. Nang tumigil ito sa harapan ko ay alam kong ako ang sadya nito. Nang buksan ng driver ang bintana ay halos mahigit ko ang aking hininga. Ano na naman ba? Bakit siya na naman? Tinaasan ko siya ng kilay. “Bakit ka nandito?“ mataray kong wika. Narinig ko naman ang pagtikhim niya. “Uhmm... Ihahatid na kita.“ wika niya. Napapantastikuhan ko naman siyang tiningnan. “Huh? Okay ka lang ba? Malayo ang bahay namin.“ “Ihahatid kita.“ pag-uulit niya. Napakamot naman ako sa aking ulo. “Kaya ko namang mag-commute. Hindi na kailangan.“ wika ko. Naiinis na ako. “Isang oras ka nang naririto pero hindi ka pa rin nakakasakay. Masyadong delikado na ngayon, miss. Maraming masasamang loob ang nagkalat sa paligid,“ wika niya. Napataas naman ang aking kilay. “Paano mo nalamang mag-iisang oras na ako rito?“ tanong ko. Kanina niya pa ba akong pinagmamasdan? Napaubo-ubo naman siya. “It's not what you think, miss. Nakita kita kaninang alas-singko sa may faculty room na naglilinis, so I assume na isang oras ka nang naririto dahil 6:30 na, “ pagpapaliwanag niya. Ahh, okay. Kaagad akong natigilan nang maisip ang tanong niya. “Paano naman ako nakakasiguradong hindi ka masamang tao at wala kang gagawing masama sa akin? Like what you had said, maraming masasamang tao sa paligid, paano ako makakasiguradong hindi ka isa sa kanila?“ Napabuntong-hininga naman ito. “Call one of your friend. Picturan mo ang mukha ko, pati na rin ang plate number ko. O kung gusto mo, picturan mo rin ang I.D ko. Gusto ko lang na maihatid ka nang maayos sa inyo, miss. Like what I had said, maraming masasamang loob ngayon.“ Napangiti naman ako. Hayy, buti naman. Kaagad kong pinicturan ang plaka ng kotse niya. “Fine, sa'yo na ako sasabay.“ wika ko. Ewan ko kung namamalikmata lang ako pero nakita ko ang pagdaan ng kung ano sa kaniyang mga labi. Ngiti ba iyon? Ayy, ewan. Nang akmang bubuksan ko ang pintuan upang doon ako umupo sa likuran ay narinig ko siyang tumikhim. Nang nilingon ko siya ay nangunot ang noo ko. “What?“ naguguluhan kong tanong. “Uhhm, you should sit here beside me. Ayokong magmukhang driver,“ wika niya. Inabot naman ako ng hiya. Oo nga naman, he will look like a driver kapag sa likod ako umupo. Nakakahiya namang mag-inarte. Siya na nga ang nag-offer para pasakayin ako tapos ako pa ang may ganang gawin iyon. Hayys, Kaagad kong binuksan ang pintuan ng shotgun seat. Nang makapasok na ako ay kaagad kong isinara ang pinto niyon. Nang humarap ako sa lalaki ay nakita kong nakatitig siya sa salaming nasa may gilid ko. Problema nito? “Woii, okay ka lang?“ wika ko. Mukha kasing nasa ibang dimesyon na siya. Nang tila bumalik na siya sa Earth ay kaagad siyang tumango-tango. ”May tinatanong ka ba? Sorry, may iniisip lang,“ wika niya habang kumukurap-kurap pa rin. Problema nito? “Ang sabi ko, kung okay ka lang ba,“ pag-uulit ko sa sinabi ko kanina. “N-No, I mean, yes!“ aligaga niyang wika. Ano ba ang problema ng isang ito? Nang makita niya atang nawiweirduhan ako sa kaniya ay muli siyang nagsalita. “I'm sorry, puyat lang siguro ako, kaya ganito. “ pagpapaliwanag niya. Tanging tango naman ang isinagot ko. “Saan kita ihahatid?“ tanong niya. “Ihatid mo na lang ako sa Santa Isabel. Medyo malayo pa kasi ang bahay ko, so baka maglakad na lang ako.“ wika ko sa kaniya. “Saan ang bahay niyo? Doon kita ihahatid. Hindi mo na kailangang maglakad, delikado na sa daan.“ wika niya habang pinaaandar anh kaniyang kotse. “Pagkapasok ng Santa Isabel ay saka ko na lang ituturo sa'yo.“ tipid kong wika. Nang umandar na ang sasakyan ay kaagad kong kinuha ang phone ko. “Nasan ang I.D mo?“ tanong ko sa kaniya. I don't want him to feel that I'm doubting him pero gusto ko ring makasigurong mapagkakatiwalaan ko siya. He won't mind it, right? Nilingon naman niya ako. “It's on my bag. Doon sa pinakamaliit na bulsa,“ wika niya sabay turo sa bag niyang nasa gilid ng backseat. Kaagad ko namang kinuha ang bag niya pagkatapos ay kinuha ang kaniyang I.D. Pinicturan ko ito saka ibinalik muli sa bag niya. “So, you're Grayford Bether, huh. “ wika ko. Alam ko ang pangalan niya dahil lagi siyang pinag-uusapan nina Dervs, pero ngayon ko lang nalaman ang apelyido niya. I'm amazed pero hindi ko iyon ipinakita. I don't want to look like a surprised kid. Nilingon naman niya ako habang nangingiti. May sinabi ba akong hindi ko dapat sabihin? Ohh, maybe he thinks that I'm interested on him. No! Never. “Don't assume things, strange man. I just saw your name on your I.D,“ wika ko sabay irap. Napatawa naman ang lalaki. “What? Wala naman akong sinasabi,“ nakangisi niyang wika. Nag-init naman ang aking pisngi. Oo nga naman. Wala nga siyang sinasabi. Natahimik na ako pagkatapos noon. Nang makapasok na kami sa Santa Isabel ay inilabas kong muli ang cellphone ko. Kaagad ko siyang pinicturan. Mahirap na, ano! Baka may kung anong gawin ang lalaking ito! Nang mapansin niya iyon ay naguguluhan niya akong nilingon. “What was that for?“ nagtataka niyang tanong. Nagkibit-balikat lang naman ako. ”I don't know. Maybe for security?“ wika ko. “Saan rito ang bahay mo?“ tanong niya sa akin. Kaagad ko namang itinuro ang isang malaking daan. “Lumiko ka roon. The 3rd house na madadaanan natin ang bahay namin.“ wika ko habang nakaturo sa malawak na daan. “Alright,“ wika niya sabay liko sa itinuro ko kanina. Nang nasa tapat na kami ng bahay ay kaagad kong inalis ang aking seatbelt. Akmang bubuksan ko ang pinto ng shotgun seat nang biglang may nagbukas nito mula sa labas. Nang tingnan ko ang kasama kong nakaupo lamang kanina sa driver's seat ay wala na ito. Lumabas ako ng sasakyan at medyo napasinghap nang makitang nakatayo sa gilid ng sasakyan si Gray. “Ahh, salamat.“ wika ko habang nakatingin sa kaniya. “So, dito ka nakatira?“ tanong niya at inilipat ang tingin sa bahay namin. Hindi ito malaki, ngunit hindi rin maliit. Para itong tipikal na bahay ng mga may-kayang pamilya. “Yes, this is my house.“ wika ko. Nang akmang papasok na ako ng bahay ay bigla siyang nagsalita. “I haven't introduced myself properly. Do you mind to give me a minute to introduce myself to you?“ wika niya. Nilingon ko siya pagkatapos ay tumango. “I am Grayford Bether, but you can call me Gray or Ford.“ he introduced himself casually. Napangiti naman ako. Hindi makapaniwala niya akong tiningnan. “What?“ natatawang kong tanong. “You're smiling.“ wika niya. Natigilan naman ako. “Continue smiling. You're more beautiful when you smile,“ nakangiti niyang wika. Itinaas ko naman ang aking mga kilay para pigilan ang pamumula. “I'm not impressing anyone,“ wika ko. “Yeah, I know. But your impressive when you smile.“ What the heck! “Whatever.“ mataray kong wika. “You know my name, miss. Do you mind telling me your name too?“ nakangiting tanong ng lalaki. Napangisi naman ako. “I'm Ashie. Ashie Reymundo.“ wika ko sabay tapik sa kaniyang balikat. “Pasok na ako, bye! Thank you sa paghatid.“ wika ko habang unti-unting lumalayo sa kaniya. Narinig ko namang nag-goodbye muna siya sa akin bago magmaneho paalis sa lugar. Nang malapit na ako sa pintuan ng bahay namin ay napabuntong-hininga ako. Welcome back to hell, Jenniel Ashrei!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD