C1-Villaluna

1272 Words
“You will always be in my heart,” bulong ng isang batang babae sabay hulog ng bulaklak sa isang kabaong. Hindi pa niya gustong umalis doon ngunit hinila na siya ng kaniyang nakatatandang kapatid dahil tatakpan na ang kabaong at inihatid sa kanilang inang nakaupo habang pinupunasan ng panyo ang mga matang lumuluha. Niyakap niya ang ina upang kahit papaano ay mabawasan ang sakit na nararamdaman nito. Siya si Chrysta Alicia Villaluna. “Chali” kung tawagin ng mga taong malapit sa kaniya. Umupo na rin sa tabi nila si Clarenz Villaluna, ang kaniyang nakatatandang kapatid. Sabay na nilang tinitingnan ngayon ang mga taong tahimik na tinatabunan ng lupa ang kabaong. Nang yakapin siya pabalik ng ina ay muling bumalik sa kaniyang alaala ang mga nangyari noong gabing iyon. Nabulabog ang lahat nang biglang tumunog ang emergency alarm ng buong bahay. Ang lahat ng taong nasa loob ng mansiyon ay naggising mula sa mahimbing na pagkakatulog. Ang dating tahimik na paligid ay biglang umingay. Hindi mapigilang sumigaw ni Chali nang marinig ang kabi-kabilang putok ng baril dahil sa takot. Agad siyang niyakap ni Renz at pilit na pinapakalma kahit ito ay natatakot din. Maingay ang paligid dahil sa mga putok ng baril na sinasabayan pa ng nakakabinging alarma at yabag ng mga taong pumaparoo't pumaparito na may halong sigawan. Si Chali ay sampung taong gulang habang ang kaniyang kapatid na si Renz ay labintatlong taong gulang. “Don't worry, Chali. Everything will be fine. Not now but for sure, it will,” bigkas ni Renz, nagbabakasakaling titigil na sa pag-iyak ang kapatid ngunit hindi pa rin. Nagulat sila nang marinig ang pagsabog mula sa kung saan. Bubuksan sana ni Chali ang pinto upang tingnan kung maayos ba ang lagay ng kanilang mga magulang ngunit pinigilan siya ni Renz. “Mahigpit na bilin ni daddy na hindi tayo puwedeng lumabas ng kuwarto hanggat hindi niya sinasabi.” “What if may nangyari nang masama kina mommy at daddy?” tanong ni Chali sa garalgal na boses. “Chill. Walang mangyayaring masama sa kanila.” “ALEXIS VILLALUNA! WALA KA NANG KAWALA NGAYON! IBIGAY MO NA SA AMIN ANG USB KUNG AYAW MONG PATI ANG DALAWA MONG ANAK AY MADAMAY!” matapang na sigaw ng isang lalaki mula sa labas ng kanilang bahay. Maya-maya ay dumating ang mga pulis. “SUMUKO KA NA CARLITO LARGUEZA!” sigaw ng isang pulis. Narinig nila ang malakas na pagtawa ng isang lalaki. “AT BAKIT AKO SUSUKO? HINDI PA AKO BALIW PARA GAWIN IYON! SINO BA KAYO HA?” Muli na naman itong tumawa. “ISA LAMANG KAYONG HAMAK NA PULIS!” Umingay na naman ang paligid. Mas dumami na ngayon ang naririnig nilang putok ng baril. Sa wari ni Renz ay lumaban ang mga kalaban ng kaniyang daddy sa pulis. Biglang bumukas ang pinto ng kanilang kuwarto. Agad na tumakbo si Chali palapit sa kaniyang mommy Claudia nang pumasok ito. Sunod ding pumasok ang kanilang daddy na nakasuot pa ng pormal na damit. “Hindi na kayo ligtas dito. Patay na ang lahat ng mga pulis. You need to get out of here!” wika ng kaniyang daddy. Lumabas sila ng kuwarto habang napapalibutan ng maraming guwardiya at tatlong kasambahay. Silang magkapatid ay hawak ni Claudia habang nakaalalay sa kanilang likod si Alexis. Hawak nito sa magkabilang kamay ang dalawang baril. Sa ilang minutong paglalakad ay tumambad sa kanila ang isang pader. Sa dalawang gilid ay may nakatayong estatuwa ng Leon. Lumapit si Alexis sa Leon na nasa kaliwang bahagi at inikot ang ulo nito. Dahan-dahang umangat ang pinto ng pader. Bumuluga sa kanila ang isang kuwartong walang kahit anong laman. Unang pumasok si Claudia sa kuwarto at yumuko. Pinukpok niya ng tatlong beses ang lapag na naging dahilan upang bumukas ito at umangat ang maliit na bahagi, sapat na upang makita nila ang hagdan pababa. Nang tumigil na sa pag-angat ang pinto ng hagdan ay naunang bumaba ang tatlong kasambahay at ilang guwardiya, sunod ay ang dalawang bata. Lumingon si Claudia kay Alexis at maluha-luha itong niyakap. “Ikaw na ang bahala sa mga bata,” bilin ng asawa. May kinuha siyang USB sa bulsa at ibinigay ito kay Claudia. “Huwag mong hayaang makuha nila iyan. Iyan ang magiging daan para maparusahan sila.” Tumango si Claudia at pinunasan ang luha nang walang sinasabi. Nang makababa na sila ay agad na ipinag-utos ni Alexis sa isang guwardiya na ito ay isara. Walang maririnig na ingay sa kuwartong mula sa labas. Tanging mga yabag at boses lamang nila ang maririnig. Tahimik na naupo si Claudia sa isang sulok. Tinabihan siya nina Renz at Chali. Kalaunan ay nakatulog na rin ang mga ito ngunit siya ay tulala pa rin hanggang sumapit ang umaga. Nang masigurong wala nang mga kalaban ay tahimik silang umakyat ng hagdan. Tumambad sa kanila ang mga wala nang buhay na guwardiya at kasambahay. Nagkalat din ang mga dugo sa loob at labas ng bahay. Napasigaw si Claudia nang makita ang duguang katawan ni Alexis. Agad niya itong nilapitan at niyakap. Napayakap si Chali kay Renz at napahagulgol. Hindi makapaniwala si Renz na wala na ang kanilang ama. Kilala niya itong matapang at walang labang inaatrasan. Sa murang edad ay mukhang si Renz na ang tatayong padre de pamilya. Muling bumalik sa kaniyang isipan ang laging sinasabi ng kaniyang ama. “Sa buhay na ito, wala kang ibang dapat pagkatiwalaan kun'di ang sarili mo. Huwag kang basta-basta makipagkaibigan sa mga taong hindi mo kilala at huwag mong pagkakatiwalaan ang mga dati mo nang kaibigan dahil darating ang araw na baka bumaliktad sila sa iyo at hindi mo namamalayang sinasaksak ka na pala nang patalikod. You need to be careful, Renz. Hindi lahat ng mukhang anghel ay totoong anghel. Remember that a demon can disguise as an angel.” Lumapit si Renz sa kaniyang amang abala sa pagsusulat sa mesa. “But there's a true angel whom you can trust, dad,” wika niya. Iniangat ni Alexis ang mga mata sa anak at ngumiti saka inialis ang salamin sa mata. “That's why you need to carefully choose your friends, my dear. Hindi naman masamang magtiwala ngunit hindi rin masamang mag-ingat. There's a borderline between your friends and yourself.” “What do you mean, dad?” “Kahit kaibigan mo sila, may mga bagay pa ring hindi mo nararapat ipagkatiwala at ipagsabi sa kanila. May mga bagay kang dapat panatilihing ikaw lang ang nakakaalam.” Ang nangyari sa pamilya Villaluna ay naging laman ng usap-usapan mapa-diyaryo man o telebisyon. Hindi lubos akalain ng mga tao na ang isang makapangyarihang pamilya ay magagawang kalabanin ng mga taong walang masyadong impluwensiya. Unti-unti nang nagkakaroon ng ideya ang mga tao kung ano ang puwedeng mangyari sa mga taong kumalaban sa pamilya Villaluna sa mga susunod na araw. Ngunit pagkalipas ng ilang araw, nagulat ang lahat nang marinig ang isang balitang hindi nila lubos na inaakala. “Natagpuang patay kaninang umaga ang nag-iisang anak na babae ni Claudia Villaluna na si Chrysta Alicia "Chali" Villaluna. Basag ang mukha nitong palutang-lutang sa ilog. Ang katawan ay puno rin ng galos at saksak. Ayon sa mga pulis, ang biktima ay walang senyales na ito ay ginahasa. Isinugod sa ospital si Chali ngunit ito ay itinuring na dead on arrival. Matatandaang kamakailan lang ang nangyaring trahedya sa pamilya Villaluna na ikinasawi ng ama nitong si Alexis Villaluna. Iniimbestigahan na ng pulisya kung ang mga kalaban ba ng pamilya Villaluna ay may kinalaman sa pangyayaring ito. Sinusubukan din naming ku'nin ang pahayag ni Mrs. Villaluna. Ako po si Devy Rivera. Para sa karagdagang balita, tumutok lamang sa PRM News.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD