VIII

1034 Words
"You really need to wake up, Jianyu." Hindi siya umimik sa tinuran ni Feng. Nanatili siyang nakaupo sa loob ng kanyang opisina sa Paradiso habang nakatingin sa dingding. His ever-loyal bodyguard and right-hand man had told him about his suspicions of Briar reconnecting with her ex. "I am wide awake." "Pilosopo," bulong nito bago naupo sa kanyang harapan. Sumandal ito sa upuan at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. "Hindi ko maintindihan kung bakit mahal na mahal mo 'yong babaeng 'yon gano'ng halos makipagpatayan ang mga babae rito sa Paradiso malapitan ka lang." Mahina siyang tumawa at ikinaway ang kanyang kamay na tila ba sinasabihan ito na tumigil. "Come on, Feng. Hindi naman ako guwapo." He sighed. "Besides, she's my wife now. Stop moping around." Pagak itong natawa. "Alam kong naaawa ka kay Briar pero hindi naman na yata tama na gawin mong tanga sarili mo para matulungan siya, Jian." Sinulyapan niya ito at sinamaan ng tingin. "This is not just a mere pity that I'm feeling, I can assure you that." Ngunit sa totoo lang, tama naman si Feng. Ginagawa niyang tanga ang sarili niya. Nakita niya kung sino ang tumatawag sa smartphone nito. Alam niya rin na doon nakatayo ang opisina ng dati nitong nobyo. He even saw the silhouette of that man watching them from a distance. Ngunit hindi niya magawang pagbawalan si Briar. O ang ikulong ito sa loob ng bahay niya nang sa ganoon ay hindi ito makaalis pa sa poder niya. His actions were the sole reason why Briar was mad at him and he could not blame her if she wanted to hurt him. "Now that I think about it, Benedict Mendez and Andrew Suarez were your blockmates back in college, right?" Napakunot ang noo niya at napa-isip. Mahina siyang natawa. "Alam mo naman na nag-drop ako around third year, Feng. Besides, I don't remember anyone from my class anymore. Time has passed already." Tumango ito. "And besides, you were already busy running Paradiso that time. Time really sure flies." He glanced at the bright streets of Paradiso from his window as he contemplated what they had talked to each other about. Alam niya na tama si Feng. Hindi siya maaaring mabuhay sa kasinungalingan na mahal siya ni Briar. Ngunit hindi siya susuko. Ayaw niyang sukuan ang babae dahil alam niya na pasasaan ba at makukuha niya rin ang loob nito. Kagaya noon. He decided to go home around nine in the evening. Ayaw niyang magpuyat at isa pa, may dahilan na siya para umuwi. Hindi naman malayo ang bahay niya sa opisina dahil nasa loob lang din iyon ng Paradiso. He was softly humming as he made his way towards the grand entrance of his home. Sa totoo lang, pina-redecorate niya iyon nang kaunti bago siya pormal na mag-propose kay Briar. Nais niya na maganda ang tahanan na uuwian nito. Na magiging kampante ito na kaya niya itong bigyan ng magandang buhay at kinabukasan sa poder niya. Ito at ang magiging supling nila. Bahagya siyang napangiti nang maisip na magkakaroon siya ng anak kay Briar. Nakakahiya mang aminin ay palagi niyang pinagpapantasyahan ang kaisipan na iyon kung sakali man. Ngunit sa estado ng kanilang relasyon ngayon ay mukhang mauuna pang makabuo ng anak ang singkwenta anyos nilang pole dancer kaysa sa kanilang dalawa ng kanyang bagong asawa. Napakunot ang kanyang noo nang mapansin na wala si Briar sa kanilang silid. O sa ibang mga parte ng bahay. Tahimik iyon at nang usisain niya ang kanyang mga kasambahay ay sinabi ng mga ito na kanina pang tanghali nila huling nakita ang kanilang bagong amo. Napapalatak siya at inilabas ang kanyang smartphone ngunit hindi naman sumasagot ang babae sa kanyang tawag. Sinabihan niya si Feng na kalapin ang kanyang mga tauhan upang halughugin ang X. Akmang lalabas ng mansyon nang makasalubong niya ang kanyang asawa, bahagyang hinihingal pa na tila tumakbo ng ilang milya. Kaagad niya itong nayakap. "Briar! Saan ka ba nagpunta?" He was instantly greeted by the scent of a manly perfume. A cheap one. Ipinagbalewala niya iyon at muling hinarap ang asawa na tila walang kaemo-emosyon habang hinahayaan siya na halik-halikan ito sa pisngi at tainga. "Naglakad-lakad lang ako sa labas, wala kang dapat na ipag-alala," kalmadong saad nito. He sighed. "Next time, inform me, okay? Or Feng. You're my wife and I'm responsible for you. Please keep that in mind." Hindi ito sumagot, bagkus ay nilampasan siya at naglakad papalayo. "Inaantok na ako, gusto ko nang magpahinga." Tahimik niya itong sinundan. Hindi niya alam kung paano itutuloy ang usapan sa pagitan nilang dalawa, o kung ano ang sasabihin niya. He was never used to talking to other people. And besides, Briar was avoiding him. What else could he do? Inabutan niya ito na naghuhubad ng damit. He tried to be curt as possible but Briar glanced at him. And then, she talked. "You can join me for a bath, you know. It's my obligation to keep your needs satisfied, anyway." Hindi na siya nakahuma nang hubarin nito ang kanyang suot na damit. Matutuwa sana siya kung hindi lang may bahid ng pait ang emosyong nakapinta sa mga mata nito. Halata namang napipilitan lang si Briar. Ngunit kahit na ganoon ay hindi niya magawa na pigilan ito. He wanted her near. He wanted her close, so damn close to him and his heart. Maingat siyang iginiya ng kanyang asawa patungo sa banyo. Pinaupo sa malaking bathtub bago binuksan ang gripo. Kaya naman niyang mag-shower ngunit siguro ay hindi komportable ang babae lalo na at malaki ang posibilidad na madulas siya. Tipid siyang ngumiti at ginagap ang kamay nito. "Briar, I'm not pressuring you. Hindi rin kita pinipilit." "Obligasyon ko 'to, 'wag ka nang mag-isip ng kung ano pa, Jian," maagap na sagot nito sa kanya. She sighed before joining him in the tub. It was huge enough for the two of them but she still had to sit a little bit close to him. He could feel excitement coursing through his veins when she moved closer, and closer… Napalitan ng pagkadismaya ang kanyang nararamdaman. Dahil sa leeg nito ay naroroon ang tatlong bakas ng mga labing kahit hindi niya naman ipagtanong ay alam niya kung kanino.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD