"The person you are calling is in another line. Please try again later." Tahimik lamang si Shantal habang nakaupo sa loob ng kanyang opisina. Kagat ang kanyang mga labi na halos magdugo na sa diin. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at hinilot ang kanyang sentido. Muli, itinipa niya ang numero ni Jian ngunit iisa pa rin ang sagot ng operator. May kausap pa ito. Imposible namang si Feng ang kausap nito. Nasa iisang bahay lang ang dalawa. Imposible ring kliyente. Sino ba namang siraulo ang tatawag ng ganoong oras? Halos ala-una na ng madaling-araw. Imposible namang sa ganoong oras ay may gusto pang makipag-usap sa lalaki tungkol sa negosyo. Nang hindi sumagot ang lalaki ay pinatay niya na lamang ang kanyang smartphone at sumandal sa swivel chair na kanyang kinauupuan. Halos isang linggo

