Alhena Bernabe After twelve hours Sa wakas ay nakauwi na rin kami ng Pinas at kasalukuyan na kaming nag-aabang ni Gavin ng taxing masasakyan. Nagpatulong na lamang ako sa isang trabahante rito sa airport upang karagahin ang aming mga maleta sa malaking cart. Tulog na tulog kasi si Gavin sa balikat ko kaya hindi ako makagalaw, sa hotel na lang muna kami tutuloy dahil bukas makalawa din ay babyahe na agad kami papuntang Cagayan. Maya-maya lang ay may dumating na ring taxi kaya agad ko itong pinara at pinakarga ko agad kay Manong ang aming mga maleta nang maikarga niya na binigyan ko naman siya ng tip at saka na kami pumasok ni Gavin sa backseat ng taxi at agad kong sinabi sa taxi driver kung saang hotel kami magpapahatid. Minuto ang lumipas ay nakarating na kami sa hotel at saktong gising

