Gael Lagdameo Sobrang nasaktan ako sa mga sinabi sa'kin ni Alhena at hindi ko siya masisisi kung pangit ang pakikitungo niya sa'kin, pero sana lang ay hindi man lang niya pinagkait sa'kin ang makita ang anak namin. Dahil dalawang taon din akong nangulila sa anak namin sana naman binigyan niya pa rin ako ng pagkakataong maging ama kay Gavin. Sa totoo lang sobrang saya ko nung makita ko ulit si Alhena sa EGOC, hindi ko akalaing dito pa pala kami magkikita at magiging magktrabaho pa kami mas natuwa pa ako nung malaman kung siya pala ang Branch Manager ng kanilang kompanya masaya ako sa narating niya at deserved niya iyon. Pero ibang Alhena na ang kaharap ko ngayon, she changed a lot. Wala na yung dating Alhena na palangiti at palatawa naging seryoso at tahimik na siya ngayon ibang-iba na ri

