Alhena Bernabe Habang nagyayakapan silang dalawa ay walang tigil naman ang pagtulo ng mga luha ni Gael sa kanyang mga mata, agad kong iniwas ang tingin ko dahil parang dinudurog din ang puso ko sa aking nakikita. Bilang magulang ay nasasaktan din ako para sa kanya. Ilang minuto pa silang nagyakapan at parang ayaw pa nilang bitawan ang isa't-isa. "Why are you crying, Daddy?" tanong agad ni Gavin kay Gael nang kumalas na sila sa pagkakayakap sa isa't-isa. "Namiss kasi kita ng sobra, Gavin," sumisinghot-singhot namang tugon ni Gael sabay punas sa sarilling mga luha nito. "Daddy sama ka po sa'min ni Mommy mag lunch," aya pa ni Gavin sa kanya at hindi naman agad siya nakasagot. "Mommy pwede po bang sumama sa'tin si Daddy mag lunch?" tanong naman sa'kin ni Gavin. Tinignan ko muna ang

