Alhena Bernabe After eight months Nandito kami ngayon sa Resorts ni Rusty para muling i finalize ang mga kakailanganin sa kasal namin ni Gael dahil sa susunod na linggo na ito gaganapin. Nagpasyahan na naming ngayon na ituloy, tutal ay 8 months na rin naman si Aisha kamukhang-kamukha ko siya at tanging bibig lang ang namana niya kay Gael. Sobrang natuwa nga ako dahil ako ang naging kamukha ng anak ko. Simula noong manganak ako ay walang araw na hindi kami pinabayaan ni Gael, nag leave pa talaga siya ng dalawang linggo upang maalagaan kaming tatlo. Halos siya lahat ang gumagalaw sa bahay ultimo paghugas ng bottles ni Aisha ay siya ang gumagawa mas gusto niyang ako ang nakatutok kay Aisha. Sa tuwing kinakarga niya kasi si Aisha ay palagi itong umiiyak kahit anong hele pa ang gawin nito a

