CHAPTER 3: Goodbye Cindy

897 Words
Dumating na nga ang kinakatakotan niya. Dahil tatlong buwan pa lamang si Gavin ng tuluyan maulila ito sa kanyang Ina. Binigyan niya ng magandang libingan ang kaibigan. Kaya siya na rin ang umako ng responsibilidad ng kanyang kaibigan. Wala man siyang alam pagdating sa pag-aalaga ng bata ay pinagsikapan niya pa rin ito. Sa katunayan ay binigyan niya rin ng magandang binyag ang bata. At siya na talaga ang nakalagay na Ina sa baptismal ng bata maging sa birth certificate nito. Iyon nga lang walang tatay, na nakalagay sa papelis ng bata. Nagtanong-tanong rin siya sa kanyang mga kaibigan, kung may kilala ba itong pwede niyang maging katulong. Para naman may mag-alaga sa bata sa tuwing nasa trabaho siya. Buti na lang ay may kilala ang isang officemate niya kaya naman kinuha niya agad ito. Si Clara mas bata ito ng dalawang taon sa kanya pero, marami na itong alam pagdating sa gawaing bahay at maging sa pag-aalaga ng bata. Tinuring din niyang swerte si Gavin sa buhay niya. Dahil simula no'ng naiwan na sa pangangalaga niya ang bata, ay kasabay naman nito ang pagka promote niya sa trabaho bilang CAO (Chief Administrative Officer) Iyon nga lang mas nadagdagan, ang kanyang trabaho at hindi niya na masyadong maalagaan ang sanggol. "Pst! Okay ka pa ba diyan?" tanong ni Neri sa kanya. Sinilip kasi siya nito sa kanyang office, habang busing-busy naman siya kakaperma ng mga papelis. "Okay pa naman, tataposin ko na lang to," sagot naman niya, habang pinipermahan pa rin ang mga papelis. “Okay, sige see you later,” nakangiting sagot na lang nito, sabay sara ng pintuan. Minuto ang lumipas ay tapos na rin niyang permahan ang mga papelis. At nakaramdam siya ng sobrang pagod kakaperma at kaka kalikot sa monitor na nasa harapan niya. Kaya sinandal na muna niya ang kanyang likod, sa kanyang swivel chair at hinintay na lamang niya ang kanyang out. After twenty minutes ay out na rin niya. Kaya nagmadali na siyang lumabas sa kanyang office para makauwi na. "Alhena, wait," tawag ni Neri sa kanya, habang papalabas na siya sa kanilang kompanya. Agad naman niyang nilingon ang kaibigan at huminto muna siya sa paglalakad para hintayin ito. Si Neri ay ang nag-iisang Ninang ni Gavin. Bukod kasi kay Cindy, ay matalik na rin silang magkaibigan at, ito lang din ang tanging may alam na hindi talaga niya tunay na anak si Gavin. Pinasekreto lamang niya ito sa kaibigan. Dahil ayaw niya nang malaman ng bata na hindi siya ang tunay na Ina nito. "Pakibigay, sa cute kong, inaanak." Inabot nito sa kanya ang isang paper bag. "Wow! salamat Neri a? Sige ibibigay ko to kay Gavin pag-uwi ko," nakangiting sagot naman niya sabay kuha ng paper bag. Pagkatapos nitong maibigay ang paper bag sa kanya, ay agad na rin itong nagpaalam sa kanya. Para makauwi na rin ito at pati, na rin siya. Kaya agad na rin siyang sumakay ng taxi. Minuto ang lumipas ay nakauwi na siya sa kanyang condo. Pagpasok niya sa loob, ay nadatnan niyang naglalaro sina, Gavin at Clara sa kanilang sala. Gumagapang-gapang ang bata sa toy carpet nito at nakasupporta naman ang katulong sa likuran ng bata. "Hi, baby," masiglang bati niya sa bata, sabay lapit at agad niya itong kinarga. "Good afternoon po Ate, nagugutom po ba kayo? Ipaghahanda ko po muna kayo ng pagkain," tanong ng katulong at agad na itong tumayo. "Mamaya na lang Clara, maglalaro muna kami ni Gavin," sagot naman niya at iniwan na muna sila nito. Agad naman niyang pinugpug ng halik ang anak at, nakikilit naman ang bata. Si Gavin na ang pahinga at kasiyahan nya. Nakalimutan na nga niyang dalaga siya. Dahil lahat ng oras at panahon niya, ay inilaan niya na lamang sa bata. Tinuring at minahal na niya ang bata, na parang sa kanya talaga ito galing at, handa siyang tuparin ang ipinangako niya sa kaibigan. Na kahit anuman ang mangyari ay, hinding-hindi niya ibibigay si Gavin sa tunay nitong ama. "Gavin, may gift sayo si, Ninang Neri o, open natin gusto mo?" ani niya na parang bata kay Gavin at ngiti-an lamang siya ng anak. Agad naman niyang binuksan, ang paper bag at tinignan ang laman nito. Isang stuffed toy ball ang laman nito at, sadyang pina customize talaga ito. Rainbow ang kulay ng laruan at, nakalagay sa gitna ang pangalan ng bata. "Wow! Baby ang ganda naman ng gift ni, Ninang Neri, halika play natin to nak," manghang sabi niya sabay bigay ng bola sa anak. Agad naman itong kinuha ng bata at agad nila itong nilaro. Buong maghapon silang naglaro sa kanilang sala at, pagsapit ng gabi ay siya, na rin ang nagpatulog sa kanyang anak. Tahimik niyang pinagmasdan ang gwapo at maamong mukha ng kanyang anak. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na isa na siyang ina. Hindi man niya ga'no lubos na experience, ang kanyang pagkadalaga ay ayos lang ito sa kanya. Dahil napagtanto niya na mas masarap pala ang maging isang ina, hindi man niya alam kung ano ang mangyayari sa kanila sa hinaharap. Ngunit sisiguradohin niyang hinding-hindi niya hahayaang, mawala sa piling niya si Gavin. “Gavin anak, promise ni Mommy sayo, tayong dalawa lang ang magsasama sa habang buhay,” buong puso niyang saad sa natutulog niyang anak at hinalikan niyang ang munting kamay nito. Pagkatapos ay natulog na rin siya sa kanyang kama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD