Alhena Bernabe Pagdating ko sa bahay ay agad na akong dumeritso sa kwarto namin ni Gavin at nadatnan ko itong nagsusulat sa kanyang notebook. “Mommy!” tawag agad niya sa'kin, at mwenistra pa nito ang kanyang mga braso Agad ko naman itong nilapitan at niyakap ng napakahigpit at pinugpug ko pa ito ng halik sa kanyang buong mukha hanggang sa kanyang leeg dahilan para matawa ito. “Mommy, enough,” tumatawa niyang pigil sa’kin tinigil ko naman ang ginagawa ko sa kanya baka kasi sumakit pa ang tiyan kakatawa mahirap na gabi pa naman din. “I miss you, Gavin ko,” malambing kong saad sa kanya, at isang ngiti naman ang tinugon nito sa’kin. Medyo may katagalan na kasi mula nung huling lambing ko sa kanya lagi kasi akong pagod sa trabaho at minsan kahit nasa bahay na ako ay trabaho pa rin an

