Alhena Bernabe Tahimik kong pinagmamasdan ang anak kong mahimbing nang natutulog dito sa loob ng aming kwarto. Samantalang ako ay dilat na dilat pa rin ang mga mata dahil hindi pa rin matahimik ang isip ko dahil sa sinabi sa akin ni kanina ni Gael. Sa totoo lang ay naaawa rin ako sa kanya alam kong gustong-gusto niya lang ding makasama at maka bonding ulit si Gavin. Ngunit natatakot lang din ulit akong sumugal pagdating sa kanya lalo na kung si Gavin na ang pinag-uusapan. Sadyang kay hirap na ngang ibalik ang tiwala ng isang tao kapag minsan mo na itong nasira. Napuno na ng duda at pangamba ang puso ko pagdating kay Gael at hindi ko alam kung kaya ko pa bang magtiwala ulit sa tulad niya. "Sorry, anak kung hindi ko pa kayang ipagkatiwala ka sa Daddy mo," mahinang usal ko sa aking anak sa

