Natasha Lee Blancaflor, 27 years old, bayaning puyat.
You heard it right, I've been in a BPO industry for almost 6 years now. My very first job after college. I took up bachelor of arts in broadcasting, pero dito ang bagsak ko. Wala eh, practically speaking when it comes to salary, this industry pays well. I got to pay my own bills, save money, buy things I like and most especially I can be free. I can have a tattoo anywhere I want. I have a lotus tattoo at may back, tapos sa nape ko may barcode then naka indicate ang birthdate ko sa baba. Sa navel ko naman, just above the bikini line, nakatattoo ang name ko in Chinese character. Which is one of the reason why hindi kami goods ni daddy for 3 years now. Si mommy okay naman kami, still loving and caring.
Unlike kung sa company ng daddy ko, lahat bawal. Bawal tattoo, bawal late umuwi, bawal magkaboyfriend. Well safe ako sa last part, NBSB. Adopted daughter ako nila dad, and I am thankful kasi inaruga at minahal nila ako. Sa inaruga ng maayos, 100% yun, sa minahal, siguro? Kasi kung mahal nila ako bakit ako e arrange marriage sa anak ng business partner nila? Which is the very reason na ngarag ako ngayon.
Nakasalampak ako ngayon sa terrace nga kwarto ko. 3rd floor. Nagbabalak paano tumakas mamayang gabi. It's 8 in the morning at kaninang 4am ang out ko from work, good thing day off namin mamayang gabi. We have 2 days off per week. Kaya hanggang ngayon wala pa akong tulog.
Puyat pa ako sa puyat ko noong nakaraang araw. Gets nyo yun? Basta yun yung level ng kapaguran ko.
Pero hindi, hindi pwedeng matulog. Sabay iling-iling ko. Sanay ako sa walang tulog, pinanganak akong di natutulog.
Bukas daw ang dating ng fiancé ko from US, and he will be here at the house for lunch then e introduce kami kaya dapat mamayang gabi ako gagalaw. May bahay na ako sa isang subdivision dito sa probinsya namin. Within the city lang din naman, but hindi alam nila dad, pwede akong umuwi doon. Pero dapat may gawin ako para di ma tuloy ang kasal namin.
Kung lalayas ako, makikita parin ako nila dad. They have all the connections they need to trace me, and that would be the dumbest thing to do.
Kung mag aabroad ako, same thing. E kung makikituloy ako sa friends ko? Ganun pa rin! Ugh! Nasabunutan ko nalang ang sarili ko. E kung mag asawa ako nag palihim?
Tama! Mag papakasal ako. Kaso teka lang. Kung iiwas ako sa kasal atsaka magpapakasal sa iba, anong pinag kaiba nun? Muntanga.
Mapapamura ka nalang talaga. Oh! Wait. bakit kailangan kong magpakasal sa iba kung pwede namang makipag one night stand lang diba? In that way, mawawala ang pinaka iingatan kong bagay at mawawalan ng gana sa akin ang mapapangasawa ko. Tama!
Ang talino mo talaga Natasha! Kakaiba ka. Now that I have a plan, makakatulog na ako at mamayang gabi aalis ako para pumarteeeey!
I opened my social media account and chatted my friends. We have this groupchat, there are five of us. 2 ang nasa Maynila, 2 ang nandito sa probinsya katulad ko.
Me: Gurls... (Sad face)
Yvonne: Yow wazzup bhe. Problem?
Nica: Yeah anong problema, why sad?
Me: Pag nag chat problema agad?
Yvonne: Hello, gurl. Di ka naman nagpaparamdam kapag wala. And we know na busy na.
Me: You know me very well. Anyways, who's up for tonight? May bagong bukas daw na bar sa boardwalk area. You know the drill.
Nica: Seriously Tasha? It's not even weekends, may work pa kmi ni Yvonne.
I sighed. Oo nga pala at immortal ako. I worked on weekends kaya minsan nalang kmi mag catch up, lalo na ang hindi kmi same ng off. Thursday-friday ang off ko. Kaya walang makakasama sa akin mamaya. I sighed again. Silang dalawa lang nag response baka busy ang dalawa pa.
Me: Awwe sarreh, I forgot, hindi pala ako normal. Bayaning puyat thingy.
Yvonne: It's okay. Naiintindihan namin. anyways. As much as I would love to chat with both of you. I still have work. Talk to you later.
Nica: Me too. Bye na muna.
I sighed again. Ilang beses ba akong bubuntong hininga ngayon? Ngayon ko lng na isip ang pinag kaiba ko sa kanila. Minsan nakaka inggit, naiisip ko na rin minsan na e give up nag career ko. Para naman ma feel kong normal ako ano? Like I can sleep at night, work during day time, live as a normal person, ganun. I'm sure makakarelate ang mga bayaning puyat diyan. Kaso ang tanging trabaho na naisip kong papantay sa sahod ko ngayon is yung offer sa akin ni daddy sa company niya. Which is ayaw ko din kasi nga bantay sarado ako. Tama na sigurong mula nagkaisip ako hanggang pag kolehiyo ko ay wala akong kalayaan.
Haaays, enough overthinking for today. bukas naman ulit. Chaar. Move on nalang walang choice.
I got up and got my back pack. Pupunta ako sa bahay ko. May mga gamit naman ako dun. Mas doon ako na tambay kesa dito sa bahay. Doon free ako. Naglagay ako ng ilang gamit sa bag at ang ootd ko mamaya, kahit wala akong kasama. Go parin. Walang makakapigil sa balak ko. Matapos mag gayak ay nagpalit ako ng itim na sando saka six pocket jeans na kulay army green. Bumaba na ako at nakasalubong ko si manang na papunta sa kwarto ko.
"Oh hija, saan ka pupunta? Ikaw talaga ang sadya ko at pinaghanda kita ng agahan. Kanina pa umalis ang mommy at daddy mo papuntang opisina. Pati na rin si Nathan at Nichole ay nasa school na."
She's referring to my siblings. Totoong anak nila mommy at daddy.
"Naku manang huwag na. Actually papunta ako sa opisina. may tatapusin pa akong naiwang trabaho sa mga ahente ko. Atsaka may naproom naman doon. Dun nlng akon iidlip."
"Napaka trabahuso mong bata ka. Oh siya. Antayin mo ako at ipagbabalot kita. Paborito mo pa naman ang niluto ko."
Namilog ang mata ko.
"Talaga manang?? Kare-kare??"
Napatawa si Manang Karen.
"Oo, pinaghanda talaga kita. Napansin ko kasing namamayat ka na."
"Huwag mo na akong ipang balot manang, dito na ako kakain."
"Oh siya maupo ka diyan at ipag hahanda kita."
Agad akong naupo sa hapag kainan para makakain na. Ngayon ko lang naalala na hindi pa ako kumakain. Last kain ko is 12:30am. Lunch time namin.
Niyaya kong sumalo sa akin si manang na pinaunlakan niya naman. Napahaba ang kuwentuhan namin at naparami ang kain ko. Namiss ko siya. Siya ang yaya ko dati na naging mayordoma na ngayon.
Matapos kumain at makapag pahinga ng kaunti ay gumayak na ako at nagpaalam kay manang.
Pumunta na ako sa garahe at tinanggal ang cover ni Lemonade. My favorite baby. Isang Kia Picanto na color black. Bakit Lemonade pangalan niya? Wala lang favorite drink ko yun. Walang pakialamanan
Nag drive na ako papunta sa subdivision kung saan naka tirik ang bahay ko. Pagkarating ko ay napasalampak agad ako sa couch. Pagod na ako, kaya umakyat na ako sa taas at nag freshen up para makapag pahinga na.
Things went too fast. Kung dati ay problema ko lang is bored ako at walang magawa sa buhay, ngayon naman ang laking problema. Uso pa pala ang arranged marriage. Akala ko saa mga muslim lang nangyayari ang ganun. Pero ito at mangyayari sa akin kapag hindi ko pinigilan.
At ang dahilan? Medyo nalulugi na ang company ni daddy kaya kailangan ng tagasalba. They have to merge 2 companies to save my dad's. Hindi ko naman gustong ma lugi but I'm sure may ibang way aside from this.
Bahala na. Magpapahinga muna ako.