"Masdan mo ang kalangitan," sabi ng batang lalaki sa kanyang kalaro. Matang nakatitig sa langit, namangha siya sa kanyang nasaksihan.
"Pulang buwan," bulalas ng batang babae, namangha sa kahindik-hindik na pagkapula nito. "Nakakatakot." Sinundan pa niya ito ng pagyakap sa kanyang sarili nang maramdaman ang malamig na simoy ng hangin.
Takot ang naramdaman ng dalawang bata kaya't agad silang nagmadali pauwi sa kanilang tahanan.
"Ama! Ina!" sigaw ng batang babae sa kanyang mga magulang. "Ang buwan po ngayon ay kulay pula." Hinila niya ang kanyang ina palabas ng bahay upang ipakita ang napakalaking buwan na kulay dugo. "Bakit po kulay pula ang buwan, ina?" tanong ng siyam na taong gulang na batang babae.
Bakas sa mukha ng mag-asawa ang takot at pangamba nang kanilang masilayan ang mapulang buwan sa kalangitan.
Ang hitsura ng malaking bagyong buwan ay nagiging isang malaking kaganapan para sa maraming mga mistiko. Naniniwala ang ilan na ang pulang buwan ay nagpapahiwatig ng katapusan ng mundo, habang mayroon ding mga tiwala na ito'y isang babala para sa mga mangkukulam na kailangang maghanda para sa Shabas. Ang iba naman ay naniniwala na ito'y isang mensahe mula sa Diyos ng Buwan, isang malungkot na mensahe katulad ng kung paano ang Bakunawa ay kinain ang pitong buwan na lubos na ikinagalit ng Bathala.
---------
"Inang Mayari!" ang pagsigaw ng isang batang buwan, matapos lamunin ng serpyenteng Bakunawa ang kanyang ina. "Ibalik mo ang aking ina!" hiyaw niya.
"Panginoong Luan!" sigaw ng isang kasama ni Mayari, upang pigilan si Luan na tumalon sa dagat at sundan ang kanyang ina na nilamon ng Bakunawa. "Bitawan mo ako! Kailangan ako ng aking ina!" tangis niya habang lumulutang sila sa ulap.
Ibinalik siya nito sa isang mataas na bundok upang subukang pakalmahin ang batang buwan. Naroon sa bundok na iyon sina Dumakulem at Anitun Tabun.
"Itago po ninyo ang panginoong Luan," natatakot na pakiusap niya, saka siya umalis upang matulungan ang iba pang nasasakupan sa pagsalakay ng Bakunawa.
Bagamat umiiyak at nagnanais na bumalik sa karagatan para sa kanyang ina, pinilit si Luan na sumama sa kanila sa isang yungib upang magtago.
Nakarating sa Bathala ang ginawang pagkain ng Bakunawa kay Mayari kahit pa ito ay binalaan na niya. Muli niya itong ikinulong sa ilalim ng karagatan. Ngunit dalawang linggo pa lamang ang nakalipas nang malaman ng konseho ng mga pinunong Diyos ang pagkawala ng Bakunawa dahil kay Luan, Sol, at Bituin.
Bilang parusa, silang tatlo ay ipinatapon sa mundo ng mga tao, at mananatili sila roon sa loob ng dalawang libong taon.
-----
Namalagi silang magpipinsan sa isang bahay ampunan sa loob ng tatlong taon hanggang sa may isang mayamang magkakapatid ang umampon sa kanila. Sa tuwing lumilipas ang mga taon, tumatanda sila ngunit dahil sila'y mga imortal, maraming kababalaghan ang nagaganap sa kanilang buhay. Maraming beses rin silang nagbalik-balik sa bahay ampunan hanggang sa mapag-desisyunan ng magpipinsan na mamuhay na lamang nang sarili nila, dahil kaya naman nila, hindi nila kailangan ng tao.
Nahirapan silang makisalamuha sa mga tao sa paligid dahil sa kahinaan at sa pagkakaroon ng maikli ng buhay ng mga tao. Sa loob ng dalawang libong taon na kanilang pamamalagi mundo, hinubog sila ng panahon at pagkakataon. Naging mailap na sila sa mga tao, habang si Sol at Aine ay natuto na damhin ang mga emosyon ng mga tao. Sa katagalan, naging dalubhasa sila rito.
Nauunawaan nila na ang pagmamahal at attachment ay hindi lamang nauukol sa habang-buhay na tagal, kundi sa dami at kalaliman ng pinagsamahan. Natutuhan nilang kontrolin ang kanilang mga damdamin. Sa pamamagitan nito, nagkaroon sila ng kakayahang mamuhay nang malaya, no expectation.
Napamahal man sila sa mga tao sa kanilang paligid ngunit hindi na sila gaanong naapektuhan ng takot sa pagkawala. Kung mayroon man silang mga piling kaibigan, alam nila na ang kanilang mga pagsasama ay may hangganan. Bagamat sila'y mga immortals, nagpatuloy pa rin sila sa paglalakbay ng kanilang buhay, pilit na tinatanggap ang mga pagbabagong nagaganap sa mundo.
Sa bawat paglipas ng panahon, natutunan nilang maging tagapag-ingat at tagapangalaga ng kalikasan. Ginamit nila ang kanilang natatanging kakayahan upang maglingkod sa mundo at sa mga tao pero hanggat maaari ay hindi sila nakikealam sa tadhana ng sangkatauhan. Naging matapat sila sa kanilang tungkulin bilang mga tagapangalaga ng liwanag at kagandahan sa mundong kanilang ginagalawan.
Sa pagdating ng mga panibagong panahon, ang mga magpipinsan na ito ay naging mga alamat sa mga kwentong bayan sa iba't ibang katauhan. Naging parte sila ng kasaysayan ng mundo. Kung mayroon man silang natutunan dito sa mundo, iyon ay hindi dapat palampasin ang mga oportunidad at mga pangarap dahil maikli lang ang buhay ng tao.