"LUNAAA!!!" Napabalikwas ng bangon si Amara mula sa isang masamang panaginip. Nakita niya kasi sa kanyang panaginip na lumuluha ng dugo ang kanyang kapatid. Humihingal na naisapo niya ang kanyang kamay sa noo. Napapitlag siya nang biglang bumukas ang pinto ng kanilang kwarto at pumasok si Luna. Nakahinga siya nang maluwang nang malaman na nakauwi na ito. Nakita pa niya na ngumiti ito sa kanya na ginantihan niya rin ng matamis na ngiti. Pero may napansin siya sa mata nito. Puno iyon ng kalungkutan. Marahil, hanggang ngayon ay malungkot pa rin ito dahil sa dami ng hindi magandang nangyari dito. Hindi na nagsalita si Luna. Dumiretso na ito ng higa sa tabi niya. Inisip ni Amara na baka pagod lang ang kapatid kaya hindi na nito nagawa na batiin o kausapin siya. Tumalikod na siya kay Luna upa

