LIVE 04

1164 Words
PAGKAGISING ni Luna ng umagang iyon ay kinapa niya agad ang kanyang cellphone na nasa ilalim ng kanyang unan. Magfe-f******k sana siya pero hindi na siya maka-connect. Iyon pala ay ubos na ang kanyang data. “Sayang naman… Gusto ko pa naman sanang mag-Live. Hindi ko pa pala 'yon nata-try gawin.” Nanghihinayang na bulong niya. Pagpihit niya sa kanyang kaliwa ay wala na doon ang ate niya. Palagi talaga itong nagigising ng maaga kesa sa kanya. Bumangon na siya para maligo. Iniwan muna niya ang kanyang cellphone na naka-charge para mamaya ay magamit niya iyon ng matagal sa school. Naging mas masaya si Luna simula nang magkaroon siya ng cellphone. Nakalimutan na nga niya iyong model ng cellphone na palagi niyang tinitingnan sa mall. Maayos naman kasi at maganda ang features ng cellphone na binili ng mga magulang niya sa kanya kahit second hand lang. Masaya siya na palagi na siyang nakakapag-update ng status sa kanyang f******k. Madalas na rin ang pag-upload niya ng kanyang pictures. Unti-unti na rin ang pagdami ng likers niya dahil sa active na siya sa naturang social networking site. “Luna, bilisan mo na diyan! Male-late na tayo!” Ang pagkatok ni Amara ang nagpahinto sa pagmumuni-muni ni Luna habang naliligo. “Matatapos na ako, ate!” “Bilisan mo at lalamig na iyong kape.” “Okay, ate. Salamat!” Mabilis na niyang tinapos ang paliligo. Nakatapis lang ng tuwalya na lumabas siya at nagbihis ng uniform sa kwarto. Pagpunta niya sa hapag-kainan ay nakahanda na ang almusal nila ng kanyang kapatid. Naroon na rin si Amara na hinihintay siya para sabay silang kumain. “Ikaw ba ang nagluto, ate?” tanong niya pagkaupo. Kumuha agad siya ng pandesal at pinalamanan iyon ng peanut butter. Inabot naman agad ni Amara ang isang tasa ng kape sa kanya. “Oo. Maaga kasing umalis sina nanay at tatay papuntang palengke. Bilisan na natin at late na tayo,” sagot ng kapatid niya. -----***----- HINDI malaman ni Luna kung bakit nakatingin sa kanya ang halos lahat ng estudyante sa school nila habang papasok na sila ni Amara. Humiwalay na ang kapatid niya sa kanya dahil medyo malayo ang classroom nito sa classroom niya. May iba pa na tila nagbubulungan at tinuturo siya ng palihim. “Siya ba iyon?” “Siya nga. Grabe lang. Medyo kilala pa naman siya dito sa school…” Narinig niyang bulungan ng dalawang estudyanteng babae bago siya pumasok sa kanilang classroom. Napakunot-noo na lang siya. Mas lalo pa siyang nagtaka nang biglang tumahimik lahat ng kaklase niya nang makita siya. Umupo siya sa tabi nina Cheska at Violet. “Ano bang nangyayari? Bakit para akong multo kung tingnan ng mga tao dito?” Nagtatakang tanong niya. Maging ang dalawa ang umiwas ng tingin sa kanya. Medyo nainis na siya sa puntong iyon. “Hoy! Ano ba? Sagutin niyo naman ako!” Nagkatinginan ang dalawa. Hindi na siguro nakatiis ang mga ito at kinausap na rin siya. “L-luna, sikat na sikat ka na dito sa school…” Pabulong na sagot ni Violet. “Sikat?” “Dahil sa video mo.” “Video? Anong video sinasabi niyo?” “Hindi mo alam? Paanong hindi mo alam?” ani Cheska. “Iyong video mo na nagsasayaw ka. In-upload mo kagabi sa f******k mo, 'di ba?” “Ano?!” Kulang na lamang ay sumabog ang ulo ni Luna sa sobrang pagkabigla sa sinabing iyon ng mga kaibigan niya. Dahil wala pa rin siyang data ay nakihiram muna siya ng cellphone kay Cheska. Doon ay nakita nga niya ang sinasabing video ng dalawa. Iyon ay iyong video niya habang sumasayaw ng naka-panty at bra lamang siya. Nanginig ang kamay niya kaya hinigpitan niya ang pagkakahawak sa cellphone. “In just one night, meron na iyang halos ten thousand reactions, eight thousand comments at thousand shares,” sabi ni Violet. “Ganoon siya ka-viral lalo na at naka-public ang video mong iyan. At halos lahat ng comments ay negative. Look, basahin mo…” "Grabe ka, Luna! Iginagalang ka pa naman sa school. I-delete mo na ang video mong iyan!" “Ikinahihiya ko na schoolmate kita! Kadiri! Pokpok!” “Okay lang naman na mag-upload ng dancing video pero iyong minor ka at naka-underwear lang? No no iyan.” “Walang hiya sa sarili!” “Eww! Ang bata pa pero ang landi na!” “Walang pinag-aralan! Hindi siguro nagagabayan ng magulang.” “Ayoko na!” Mabilis na inilapag ni Luna ang cellphone sa desk. Hindi na niya kinaya ang lahat ng comments na nababasa niya. Napaiyak na lang siya habang nakasubsob ang mukha sa dalawang palad. Hinaplos-haplos ni Cheska ang likod niya. “Ano ba naman kasi ang pumasok sa isip mo at nag-upload ka ng ganoong video? To be honest, malaswa siya, Luna.” “Oo nga, Luna. Dapat nag-isip ka muna. Iba na tuloy ang tingin sa’yo ng mga tao.” Dugtong pa ni Violet. Sisigok-sigok na nagsalita si Luna. “H-hindi ko alam kung paano na-upload ang video na iyon. Hindi ako ang nag-upload! Oo, ako ang nasa video pero ginawa ko lang ang video na iyon dahil katuwaan lang namin ng ate ko. Kahit katiting ay hindi ko inisip na i-upload iyon dahil may kahihiyan pa rin ako!” Paliwanag niya. “Pero nasa account mo iyong video!” “Kilala niyo ako, Violet. Hindi talaga ako!” “Kung hindi ikaw ang nag-upload… Sino? Baka naman na-hack ang f******k mo! Wait. Mag-log in ka nga.” Muling kinuha ni Luna ang cellphone ni Cheska at doon siya nag-log in. Iyon pa rin naman ang password niya. Agad din niyang di-nelete ang video dahil patuloy ang mga nagshe-share niyon. Binago din niya ang kanyang password. Hinabaan niya dahil baka nga may ibang gumagamit ng f******k niya ng lingid sa kanyang kaalaman. Maya maya ay biglang dumating si Amara. Agad siya nitong niyakap nang makita siya nitong tigam sa luha. “Ate… Nakakahiya! Hindi naman ako ang nag-upload ng video na 'yon, 'di ba?” tila batang nagsusumbong si Luna sa kanyang ate. “Shhh… Tama na ang iyak. 'Andito na ang ate…” “Hindi ako ang nag-upload no’n. Hindi ako!” Tiningnan siya ng kapatid niya sa mukha at pinahid ang luha doon sa pamamagitan ng daliri nito. “Naniniwala ako. Alam kong hindi mo ilalagay sa kahihiyan ang sarili mo at pamilya natin…” “P-pero, ate… sino ang gagawa niyon? Isa pa, nasa cellphone ko lang naman iyong kopya ng video. Isa lang iyon!” Akmang magsasalita pa sana si Amara nang isang estudyanteng lalaki ang dumating at tinawag si Luna. Ayon dito ay pinapapunta siya sa principal’s office dahil kakausapin siya tungkol sa naturang video niya sa f******k. “Ate, samahan mo ako, please…” aniya. “Sige. Hindi kita iiwanan!” tugon nito at bahagya pang pinisil ang kanyang kamay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD