“Hindi ko alam kung magkano ang ibinayad nila sa’yo pero itong ibibigay ko ay sobra pa para manatiling tikom ang bibig mo. Kung susubukan mong makipag-ugnayan sa akin...kung makakarinig ako ng isang salita tungkol dito mula sa sinuman…ito na ang huling bagay na maririnig ng sinuman mula sa’yo."
* * *
Ang alingawngaw ng kalampag ng pinto ang gumising kay Lynn mula sa kanyang hindi mapakali na pagkakatulog. Sampung taon na ang nakalipas at apektado pa rin siya rito. Sampung taon na at naalala pa rin niya ang bawat detalye na para bang kahapon lang nangyari iyon. Kahit yata ilang taon na ang magdaan ay mananatili pa rin ang araw na iyon sa kanyang alaala. Iyon ang araw na nakaharap na niya ang kanyang crush sa high school...ang araw na sinira niya ang kanyang puso at kasabay din ng pagguho ng kanyang mundo.
Sampung taon na ang nakalipas… Si Avalynn Sy ang bunso sa dalawang anak na babae nina Emerson at Grace Sy. Ang kanyang kapatid na si Marilynn ay isang tunay na beauty queen, matangkad at may kumpiyansa sa sarili samantalang si Avalynn naman ay simple, maliit, at tahimik. Hindi niya kailanman nagagawang makipag-usap o makihalubilo sa iba gaya ng kanyang kapatid na babae at nagkaroon lamang siya ng isang matalik na kaibigan sa buong elementarya. Sa isang bagay lang lamang si Avalynn sa kapatid at iyon ay sa mundo ng musika…
Sa edad na limang taong gulang ay nagkaroon na siya ng kanyang unang aralin sa piano. Pinupuri na siya ng kanyang mga instruktor bilang isang may pambihirang henyo at may espesyal talento sa larangan ng musika. Kapag siya raw ay nag-uumpisa nang tumugtog, ang mundo raw ay tumitigil na sa pag-ikot. Siya lang at ang musika... Siya ay tinawag din bilang isang prodigy at sa bawat pagdiriwang na idinaraos ng kanyang mga magulang ay tumutugtog siya para sa kanilang mga bisita. Hindi niya naisip na ang kaunting atensyon na ito ang magiging dahilan para magselos sa ang kanya ang kapatid. Hindi nagtagal pagkatapos ng graduation, nanalo si Avalynn ng isang hinahangad na pwesto sa Juilliard. Iginiit ng kanyang kapatid na lumabas sila at magdiwang sa kabila ng katotohanan na alam nitong hindi pa nakatitikim ng alak si Avalynn. Hindi niya alam kung ano ang epekto ng alak at hindi siya naghihinala na ang kanyang kapatid ay nagdodroga. Nang hilo na siya sa nainom ay inihagis siya ni Marilynn sa kama kasama ang isang hindi kilalang lalaki. Pero ganun talaga ang ginawa ng kapatid niya.
Mabuti na lang at tila natakpan ng makapal na ulap ang pangyayaring iyon at walang maalala si Ava sa naganap sa kanila ng lalaki. Ngunit ang sumunod na umaga ay naging napakatraumatiko para sa kanya. Nagising siya na may matinding sakit ng ulo, matinding uhaw, at hindi kapanipaniwalang sakit.
Wala siyang suot na saplot at may isang malagkit na likido na umaagos sa pagitan ng kanyang mga binti. Itinakip ni Ava ang kumot sa kanyang dibdib sa matinding pagkabigla habang sinusubukang maalala ang mga pangyayari noong nakaraang gabi.
“Sa wakas, gising ka na.”
Humugot ng isang malalim na hininga si Ava. Malupit ang tinig na iyon at nakilala niya agad ang nagsalita…si Silas Uy. Noong elementary at high school ay sikat ito sa kanilang paaralan. Isang itong track and field star at pinanatili nito ang perpektong attendance sa klase na may perpektong mga marka. Ipinagmamalaki siya ng kanyang mga magulang at nag-iisang tagapagmana ng kanilang business empire.
Pinapalibutan siya ng mga kababaihan sa kanilang paaralan na umaasang mapansin sila nito. Kung magsasabi ito ng kahit na dalawang salita lang sa sinuman sa kanila ay ipagyayabang na agad nila ito sa loob ng isang linggo. Sa tuwing uma-attend naman ito ng mga party, iba’t ibang babae ang kasama nito. Kahit nga si Marilynn ay sinubukang habulin ito ngunit walang interes si Silas ay sa mga anak na babae ng mga karibal sa negosyo ng kanyang ama.
Si Ava naman ay nakamasid lang kay Silas mula sa malayo at tahimik na kinikimkim ang kanyang nararamdaman na alam niyang walang kahihinatnan. Kaya naman ang huling lugar na hindi niya inaasahang makikita niya ito ay sa isang silid ng hotel habang nakaupo siya ay sa kama na hubo’t-hubad.
“Sana nag-enjoy ka dahil hindi na mauulit ang nangyari sa atin kagabi.”
Nanginginig sa takot si Ava. Sa galit at pagkasuklam nito sa kanya ay hindi niya magawang tingnan ito sa mata. Hindi man lang siya nagkalakas loob na itaas ang kanyang ulo. Kung ipinaliwanag niya na ang lahat ng naganap sa kanila ay isang hindi pagkakaintindihan at isang malupit na panloloko sa kanya ng kanyang Ate ay makikinig ba ito? Hindi! Mas maiinis lang ito kapag nalaman nito na isa siyang Sy…
“Hindi ko alam kung magkano ang ibinayad nila sa’yo pero itong ibibigay ko ay sobra pa para manatiling tikom ang bibig mo. Kung susubukan mong makipag-ugnayan sa akin...kung makakarinig ako ng isang salita tungkol dito mula sa sinuman…ito na ang huling bagay na maririnig ng sinuman mula sa’yo."
Sobrang lakas na isinara ni Silas ang pinto at hindi na sinubukan ni Lynn na pigilan ito. Ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan ay malaya ngayong umaagos sa kanyang mga pisngi habang nanginginig siyang umiiyak at nadudurog ang kanyang puso nang pinung-pino. Noon pa man ay alam na ni Ava na ang pagmamahal niya para rito ay hindi talaga magiging posible at ni hindi nito alam na mahal niya ito. Ngunit ang pinakahindi niya inaasahan mula rito ay ang lubos na pagkasuklam na ibibigay nito sa kanya.
Nang tuluyang tumigil ang kanyang pagluha ay tumingin siya sa tabi ng mesa upang makita ang nakasulat sa isang tseke na isang daang libong piso at iniwan nitong blanko sa may linya ng pangalan para masulatan niya. Ang nakita niya ay muling nagpaiyak sa kanya at dumaan ulit ang ilang minuto bago niya napakalma ang kanyang sarili upang magbihis na siya.
Wala nang pakialam si Ava sa itsura niya. Sa pagmamadali ay nabangga pa niya ang isang empleyado ng hotel sa pasilyo. Humingi ng paumanhin si Ava at nagmamadali nang umalis. Kahit paano ay nagawa niyang makauwi kung saan bumagsak siya sa sariwang alon ng mga hikbi habang sinusubukan niyang kalimutan ang lahat habang naliligo siya.
Akala niya, sapat na iyon para sa paghihiganti ng kanyang kapatid ngunit hindi pa pala ito tapos sa kanya. Hindi nagtagal, inilabas ng hindi kilalang tao ang mga larawan sa mga pangunahing pahina ng balita na naka-headline gaya ng: Golden Child Disgraced! Music Prodigy, nawala sa Kontrol!
Umiyak ang kanyang ina at nagpupuyos sa galit ang kanyang ama. Ayaw nilang marinig ang kanyang panig ng kwento at pinalayas siya nang walang kahit na anumang dala na maleta o kahit jacket man lang.
Dahil wala siyang kapera-pera ay ginawa niya ang tanging paraan na naiisip niya, ang tawagan ang matalik niyang kaibigan upang sunduin siya. Makalipas ang tatlong oras ay dumating si Tracy Mendoza na nag-drive mula pa sa Baguio upang iligtas siya. Ang biyahe pabalik sa inuupahang bahay ni Tracy sa labas ng campus ng SLU ay higit pa sa sapat ang maidetalye niya rito ang lahat ng nangyari sa kanya.
Kahit na mas matanda si Tracy ng isang taon sa kanya at mas mataas ang grado niya sa elementarya kesa rito, agad silang nagkasundo. Anak ng dalawang abogado si Tracy, matangkad at athletic na batang babae na may kulay blonde na buhok. Sinusundan niya ang mga yapak ng kanyang mga magulang at aktibong itinutuloy niya ang kanyang pag-aaral para sa kanyang kinabukasan. Sa buong high school nila siya lang ang pinagkakatiwalaan ni Ava at ang tanging maaasahan niya.
Matapos marinig angkuwento niya ay gusto ni Tracy na bumalik sa Maynila para suntukin si Marilynn. Alam ni Ava na may kakayahan ang kaibigan para ipaghignati siya laban sa kanyang kapatid dahil black belter ito sa Tae Kwon Do ngunit nakiusap siya na iwasan na lang nila ang karahasan. Bumili na lang sila ng dalawang gallon na rocky road ice cream at nanood ng pelikulang rom-com hanggang alas kwatro ng madaling araw.
Akala ni Ava ay tapos na ang pinakamasamang parte ng buhay niya. Ngunit isang dagok na naman ang dumating nang pinawalang-bisa ng Juilliard ang kanyang puwesto at sinabing hindi na siya karapat-dapat sa kanilang imahe. At makalipas ang ilang linggo, nalaman din niya na siya ay nagdadalang-tao…
Hiniling ni Tracy na bumalik sila sa Maynila upang kausapin si Silas ngunit tumanggi si Ava. Malinaw pa rin sa kanyang isipan ang babala nito at wala siyang lakas ng loob na harapin ito. Matapos ang linggo ng mahabang paghahanap, sa wakas ay nakapagdesisyon si Ava.
Patay na si Avalynn Sy at ipinanganak si Lynn Olivar Castillo. Sa tulong ni Tracy ay nakakuha siya ng isang paupahan na bahay sa Baguio. Ito ay isang maliit na bahat na may dalawang silid-tulugan at malayo sa mga bar at malinis ito. Nakahanap siya ng trabaho sa isang kalapit na kainan na nakalimutan na ng panahon. Parang mula dekada singkwenta ito ngunit mabait ang may-ari at tinulungan pa siya nang manganak siya ng triplets.
Wala pang walong buwan pagkatapos ng masamang ginawa sa kanyang ng kanyang ate, si Lynn ay nagsilang ng isang sanggol na babae at dalawang sanggol na lalaki. Ito ay sina Alexis, Sean at Theodore. Lahat sila ay isinilang na malusog. Habang lumalaki ang mga bata, napapansin ni Lynn na nahihirapan si Alexis na makakita sa madilim na ilaw ng inuupahan nilang bahay. Ilang check-up pa ang lumipas bago nila nalaman ang resulta. May sakit sa mata ang bata na tinatawag na retinitis pigmentosa. Unti-unting nawawala ang paningin ng kanyang anak na babae. Hindi nila alam kung kailan ngunit darating ang araw na tuluyan nang mabubulag si Alexis. Walang paraan upang mapigilan ito. Ito ang unang pagkakataon na pinanghinaan ng loob at umiyak si Lynn sa halos apat na taon na nakalipas dahil walang paraan upang matulungan niya ang kanyang anak na babae. Ngunit kung inakala niya na ang balita ay magdudulot ng pagkabalisa kay Alexis ay nagkamali siya. May malawak na pag-iisip si Alexis. Hindi natinag ang loob nito at tumangging mawalan siya ng pag-asa.
Sa kabila ng katatagan ng loob ni Alexis ay walang itong naging kalaban-laban sa sakit na dahan-dahang ninanakaw ang kanyang mga paningin. Ilang panahon pa ang lumipas ay nagsusuot na siya ng salamin at ang mundo niya ay unti-unting tulyan naging kulay abo. Sinasabi niya, kaya pa rin niyang makita ang liwanag sa gitna ng dilim para magpatuloy sa buhay. Ngunit ngayon ay umaasa na si Alexis sa kanyang baston at sa tulong ng mga kapatid niya.
Noon pa man, malapit na talaga sa isa’t isa ang tatlong magkakapatid. Pero mula nang malaman nina Sean at Theo na nawawala na ang paningin ni Alexis, naging mas mapagprotekta sila sa kanya. Halos hindi na sila mapaghiwalay, at wala na ring nangahas na i-bully si Alexis dahil takot silang masermunan o mapagbalingan ng kanyang masisipag at dedikadong tagapag-alaga. Nag-aaral ang tatlo sa pampublikong paaralan ng Magsaysay Elementary School, kung saan mabilis silang nakilala at naging popular.
Habang tumataas ang mga marka nila sa pagsusulit, patuloy rin nilang ipinapakita ang kanilang mga personalidad at kahit pa may ilang nagrereklamo, hindi sila nawalan ng kumpiyansa. Sina Sean at Theo ay parehong aktibo. Mahilig silang mag-basketball, at si Sean ay may natatanging galing sa teknolohiya. Pero sa kanilang tatlo, si Alexis talaga ang namumukod-tangi.
Namana ni Alexis mula sa kanyang ina ang maganda at natural na wavy na buhok, pati na rin ang matingkad na kayumangging mga mata. Isa rin siyang musical prodigy. Noon, masigasig tumugtog ng piano si Lynn. Bumibili siya ng mga mamahaling piyesa at araw-araw nag-eensayo. Pero unti-unti niya itong binitawan, hanggang sa siya na mismo ang nagturo kay Alexis. Tulad ng kanyang mama, lumulutang si Alexis sa sarili niyang mundo tuwing tumutugtog, at sa tuwing naririnig siya ng mga tao, hindi nila maiwasang maantig ang damdamin nila sa batang babae.
Kung mahiyain si Lynn, si Alexis naman ay naging palakaibigan. Masaya si Lynn dahil lumalaki ang mga anak niyang sikat, mababait, at maayos ang ugali. Wala na siyang hihilingin pa. Ngayon, nasa ikalimang baitang na sila at malapit nang lumipat sa mas mataas na antas. Umaasa si Lynn na makakapasok sila sa isang mas malaking paaralan.
* * *
Humugot ng isang malalim na buntong-hininga si Lynn, bumangon mula sa kama at nagmamadaling pumunta sa banyo. Alas singko y medya na at malapit nang magising ang mga bata. Pinakamabuting kumpletuhin niya ang kanyang ritwal sa umaga bago sila mahuli.
Pagkatapos maligo ay nagbihis at nagsuot siya ng isang kulay pastel pink na sando at palda na kagaya ng uniporme niya sa kainan. Pagkatapos itali ang kanyang likas na wavy na buhok pabalik sa isang half-up na estilo, tumungo si Lynn sa kusina at pinainit sa microwave ang sausage at tinapay para sa kanilang agahan. Ang mga batang lalaki ay magkakaroon ng tig-dalawa habang si Alexis at ang kanilang mama ay sapat na sa tig-isa.
Pag-abot ng gatas ay tinignan ni Lynn ang kaunting laman ng refrigerator. Bukod sa mga pangsangkap na gulay, may gatas, itlog, at mantikilya ang karamihan ay nakasalansan sa mga lalagyan ng styrofoam para sa hapunan. Swerte siya dahil isang mabait na tagapamahala si Gretchen na kanyang boss.
Noong baby pa ang triplets at nagsisimula pa lang sa preschool, pinayagan ni Gretchen si Lynn na isama ang mga bata sa trabaho habang wala pa siyang makuhang tagapag-alaga. Para hindi mainip ang mga bata, bumili si Gretchen ng mga laruan para may mapaglibangan sila habang abala sa trabaho ang kanilang mama. Madalas, si Gretchen pa mismo ang nagbabantay sa kanila na parang isang protective na lola na laging nakaalalay.
Alam ni Gretchen kung gaano kahirap para kay Lynn na tustusan ang pangangailangan ng tatlong lumalaking anak, kaya kadalasan ay binibigyan niya ito ng mga natirang pagkain galing sa trabaho. Sinasabi ng iba na paborito niya si Lynn dahil ang mga pagkaing dapat sana'y itatapon tulad ng burger, fries, hashbrowns, at iba pa ay binibigay niya rito. Minsan, hindi maiwasang magtanong ni Lynn sa sarili kung may iba bang motibo si Gretchen. Pakiramdam niya kasi ay hindi normal ang ganitong klase ng kabutihan na parang may kapalit. Pero sa kabila ng lahat, nanatili ang setup nila na tila tahimik na kasunduan na pareho nilang hindi na lang pinapansin o pinapaliwanag sa iba.
Tinanggap ni Lynn ang kahit anong tulong na makukuha niya. Mula sa pagtatrabaho sa food pantry, pagbili sa thrift stores, hanggang sa pagtiis sa tahimik na panghuhusga ng DSWD habang nakapila para sa food stamps. Sa lahat ng ito, si Tracy lang ang nakakaalam ng totoo tungkol sa mga magulang ng bata. Alam lang ni Gretchen na walang ama ang triplets, at sa birth certificate nila, nakalagay na "unknown" ang pangalan ng tatay.
May mga tao ring gumawa ng sarili nilang kwento tungkol sa kanya. Sa mata ng marami, isa lang siyang babaeng ‘walang class’. Isang nanay na ni hindi alam kung sino ang tatay ng mga anak niya. Pero hindi na siya nag-abala pang itama ang mga ito. Naniniwala siyang darating din ang araw na malalaman ng lahat ang totoo. Hanggang sa panahong iyon, tiniis niya ang kahihiyan.
“Good morning, Mama,” bati ni Alexis, na laging nauuna sa lahat.
“Good morning, anak,” tugon ni Lynn habang inilalapag ang plato at isang baso ng orange juice sa mesa.
Lumapit si Alexis at umupo sa mesa na hindi na kailangang gamitin ang kanyang tungkod. Dahil kabisado na niya ang paligid, nakakagalaw siya nang malaya. Basta’t nasa ayos ang mga muwebles, hindi niya kailangang mag-alala na makabasag ng kung anuman. Kinuha niya ang kanyang sandwich at tahimik na nagsimulang kumain.
Habang lumalaki si Alexis, lalo siyang nagiging kahawig ng kanyang ina. Pareho sila ng kulay ng buhok at matingkad na kayumangging mga mata. Mabuti na lang at malayo ang tinitirhan nila sa lugar kung saan siya dati tinatawag na “Sy.”
“Good morning, Mama! Good morning, Lexi!” bati naman nina Theo at Sean habang humihikab at palabas ng kuwarto.
Kung si Alexis ay mukhang batang version ni Lynn, sina Theo at Sean naman ay parang maliliit na bersyon ng kanilang ama. Kapag naiisip ito ni Lynn, hindi niya maiwasang makaramdam ng lungkot, pagsisisi, at bigat sa dibdib. Pero ayaw niyang ipakita ito sa kanyang mga anak. Hindi niya hahayaang maapektuhan ng kanyang nakaraan ang pagmamahal niya sa kanila.
Alam niya, kung sakaling may makakita sa kambal na nakakakilala sa ama nila, agad nilang makikita ang koneksyon. Pero alam din niyang maliit ang chance na magkrus pa ang mga landas nila. Wala na siya sa mundo ng mga mayayaman, at wala ring dahilan para hanapin siya ng sinuman doon.
“Good morning, mga anak,” natatawang bati ni Lynn. “Natapos niyo ba ang mga assignment niyo?”
“Opo! Aalis na po kami,” sagot nila.
“Mabuti. Oh, Lexi, may appointment tayo sa doktor mamaya. Huwag mong kakalimutan, ha? Susunduin kita sa school.”
“Siguradong hindi ko kakalimutan, Mama.”
“Sean, Theo, susunduin kayo ni Tita Tracy mamaya, okay?”
“Opo!”
“Huwag po kayong mag-alala,” sagot nila habang nginuya ang mga sausage, itlog, at sandwich.