Nanggagalaiti sa inis at galit ang kalooban ni Drizella para sa panunuksong pagkakataon. Hindi nga siya nagtagumpay sa kanyang pagpapakamatay eto nga at mamamatay naman siya sa matinding inis ng lalaking nasa kabilang cottage.
" Ano nga ulit name nya , Gabriel ? Wahhhhh " sigaw nyang pabulong.
Napatigil siya sa pagsisigaw ng pabulong dahil nananakit na ang kanyang panga. Bumalik na siya ng inuupahang cottage at doon nlng nagkulong . Mula nong sinubukang magpalipat ng ibang cottage kahapon .
" Ano kaya kong bumalik na lang ako ng Manila "
Kausap nya ang kanyang sarili. Na tila nababaliw na .
" Doon na lang kaya ako magpalipas ng sama ng loob. At pag -aralang kalimutan ang ang mapait na nangyare ng nakalipas na kahapon . "
Bigla nya tuloy naalala si Kiko Israel.
Paano nya makakalimutan eh doon nagsimula ang lahat. Ang lugar kong saan nya nakilala si Kiko. Lugar na pinangyarihan ng matinding kahihiyan . Paano siya makaka- recover kong naroroon ang mga taong naninisi at nanunumbat ? .
Hindi siya makakalimut sa ganung kapaligiran. Kay nagpasyang dito muna siya magpapalipas ng sama ng loob.
-----------------------------------------------------------------------
Ngunit ang hindi alam ni Drizella ay grabeng pag -aalala ng kanyang mga kapitbahay at malalapit na kaibigan at kaanak. Kong saan saan na sila naghahanap kong ba talaga nagpunta si Drizella.
Sa Manila naman ay lubos ang pag - aalala ni Amanda. Ang ina ni Drizella gayun din si Daisy na kanyang kapatid . Nang mga sandaling iyon ay nagkakagulo parin sa loob ng kanilang tahanan. May natagpuan namang sulat si Denzo , bunsong kapatid ni Drizella . Kaagad namang ibinigay iyon sa ina .
" Diyos ko nasaan kana Drizella, saan ka kaya nagpunta ang anak ko ? " Histerical na sambit ni Amanda habang umiiyak .
" Tahan na Amanda, " pagpapaluboag loob ni Susan , kapatid ni Amanda.
" Hayaan mo na muna si Drizella, natitiyak kong nagpapalipas muna iyon ng matinding sama ng loob hindi biro ang tinamo nyang matinding kahihiyan dahil hindi sumipot ang lalaking iyon " .
" Oo nga po Tita Amanda " segunda naman ni Perly , matalik na kaibigan ni Drizella .
Pinainom nya ng tubig ang ina ni Drizella upang mabawasan ang pagtatangis ng kalooban.
" Sinabihan ko na siya eh. Baka hindi sya siputin ng lalaking iyo. Baka mamaya nyan kong ano na nangyare sa knya "
" Sa palagay ko naman tita , hindi siya gagawa at mag iisip ng masama . Kilala ko po ang kaibigan ko . Hindi ganun kababaw si Ella. At kong ano man po ang dahilan nya kong bakit umalis siya ng walang paalam . Sigurado po akong babalik siya . " Paliwanag ni Perly.
____________________________________________
Isang tanghali , halos magkapanabay lumabas ng kani- kanilang cottage si Gabriel at Drizella. Parehas natigilan at napatingin sa isa't isa, may halong galit at nanlilisik naman ang tingin ni Drizella kay Gabriel. Ngumisi naman si Gabriel na tila nang- aasar pa kay Drizella balak sanang bumalik nalang ni Drizella sa loob ng cottage kaya lng baka isipin ng pakialamerong si Gabriel na takot siyang magkita at magkrus ang kanilang landas. Na pagkatapos ng kanyang ginawang katangahan ay heto siya at parang takot sa sariling multo. Kaya naman bumuntong hininga siya at taas kilay nyang sinalubong ang titig ni Gabriel at inirapan ito , dumeretso na sya sa kanyang pagbaba patungo sa pupuntahan.
Sa kabilang banda ay nais sanang bumalik na lang ni Gabriel sa loob ng kanyang resthouse at magpahatid nlng ng pananghalian kay Mang Ernesto. Upang makaiwas sa gulo at init ng ulo ng babaeng minsang tinulungan nya. Ngunit ng makita at makakasabay nya ang babae ay parang may bumubulong sa kanya na asarin ito. Lumawak ang ngisi nya ng makita siya ng babae na parang bulkang gustong pumutok o sumabog. Gustong matawa ni Gabriel sa nagiging asal ng babaeng tinulungan nya. Di nya inaasahang napakataray at sungit nito. Gusto nya tuloy maging habit na asarin ang babae araw araw gang magsawa iyon kakasungit. Lihim syang natatawa ng taasan siya ng kilay ng babae at inirapan pa. Napapailing nalang siya sa asta ng babae sa kanya. Hindi man nya alam ang pangalan ng babae ngunit parang interesado siya sa dalaga. Kaya tumuloy nalang siya habang kasabay ang babae..
Nakakaramdam naman ng pagkaasiwa si Drizella pakiramdam nya ay inaasar siya ng lalaki. Gusto nya tuloy huminto sa paglalakad at sapakin iyon ng isa. Ngunit pinipigilan nya ang kanyang sarili dahil baka naman nag ooverthinking lamang siya. Nagiging OA na siya kong gagawin nya iyon.
Nakaramdam naman si Gabriel ng asiwa. Sa tingin nya ay naiirita na ang babae kaya naman pinauna na nya ito sa paglalakad. Lalo pat madadaanan nila ang makitid na high way at hagdanan paakyat na iisang tao lang talaga ang kasya . Ngumiti si Gabriel at inilahad ang kamay na ibigsabihin ay mauna na ang babae.
" Go ahead ladies first " paggalang na wika ni Gabriel.
" Nowadays, Hindi na uso ang mga lalaking gentleman. Kaya please lang , huwag ka ng magpakagentleman dahil wla sa itsura mo yun.Nad on thing moko madadala sa tricks mo na yan ." Mataray na wika ni Drizella.
" Hindi ako nagpapaka- gentleman sayo Miss, look ? Sobrang kitid ng daan dont you see ? Hindi tayo kasya. Maliit ang dadaanan , naisip ko lang na paunahin ka dahil baka mamaya isipin mong napakabastos ko nanaman sa paningin mo kapag ako yung naunang dumaan. " May lakas at galit sa tinig ni Gabriel at tuloy tuloy ng naglakad.
Sinadya ni Gabriel na lumayo ng distansya sa napakataray na babae .
" And may I remind you, Miss youre not my type. Kala mo naman ang ganda ganda mo " Dagdag pa nya .
Tuloy tuloy na sa paglalakad ang dalawa . Si Drizella naman ay hindi na nakipag argumento sa lalaki dahil wala naman sya doong pakialam.
Sa isang mini - restaurant sila pumunta ,dito ulit naisipang kumain ni Drizella. Ayaw sana nyang kumain ngunit Naisip nyang hindi naman sya mamamatay ng ganoon kadali kapag hindi kumain magsusuffer lang siya kapag hindi kumain.
Umorder lang siya ng plain rice at chicken barbecue ska inuming orange juice.
Ilang minuto bago dumating ang kanyang order na pagkain. Marami nang kumakain sa nasabing resto dahil magtatanghalian na. Nagmasid- masid muna sya sa paligid habang nag aantay.
Ang hindi alam ni Drizella ay may matang nakamasid sa kanyang kinikilos.
Nang wala pa ang kanyang pagkain ay kumukulo na ang kanyng tiyan. Hudyat na siya ay talagang nagugutom na . Wla panga ang pagkain nya ay naglalaway na siya ngunit ng dumating na ang kanyang pagkain ay parang ayaw na nya itong galawin biglang nawala ang kanyang gutom.
Sa ikalawang pagkakataon ay mag isa na ulit syang kakain. Nakasanayan na talaga nyang kumain ng may kasalo. Ngunit sa pagkakataong ito ay mag isa na ulit siya. Nakaramdam na naman sya ng matinding kalungkutan.
Lumingon sa palagid, naiinggit sya sa mga babaeng andoon. May mga kaparehas , nasusubuan at nagtatawan habng kumakain dati rati ganoon siya kasaya kasama ang kanyang nobyo. Nagbibiro sa kalokohang taglay .
Kong natuloy lamg sana ang kanilang kasal ,edi sana hindi sya nag iisa. May kasama sya sa hirap at kasiyahan.
Ngunit hindi nga iyon dumating walang Kiko ang dumating. Halos matunaw sya sa sobrang kahihiyan . Hindi siya tanga para hindi maramdamang iniwan sya ng taong mahal na mahal nya sa araw mismo ng kanilang kasal.
Hindi rin sya manhid para hindi mahulaang naghihintay sya sa wala , kong tatagal pa sya sa loob ng simbahan mababaliw lang sya sa kanyang naririnig na bulung bulungan ng mga taong saksi sa pangyayari .
Hindi na nagawang pigilan ni Drizella ang mga luhang kanina pang pinipigilan at dahil doon ay tumayo siya at mabilis na lumabas ng restaurant. Nagmamadali syang bumalik sa unuupahang cottage.
_____________________________________________
Mula Sa loob ng kitchen kong saan tahimik na kumakain si Gabriel ay nakaabang sya sa kilos ng dalaga kaya't nagtataka sya kong bakit hindi pa iyon nag uumpisang kumain. Nakatingin iyon sa mga ilang guest na kumakain ng masaya . Nagtaka syang lalo ng makitang may umaagos na luha sa mukha ng dalaga at unti unting humihikbi .
Napatayo sya ng makitang mabilis na umalis ang babae. Hindi manlang ginalaw ang kanyang pagkain.
" Is she okay, ano kaya ang problema nya" tanong sa sarili .
At bumalik sa kanyang inuupuan at itinuloy ang pagkain .
" Martin ? Tawag niya sa kanyang empleyado .
" Yes Sir Gab "
" Call Mark , I need to talk to him. Pasabi na sa opisina ko pumanta. at pakiluto ng Platter 3, pasabi kay Cheff Ramil with drinks ha . " wika nya .
" Okay sir " .
At tuluyan ng lumabas at pumunta sa information counter .
Tatlong mahihinang katok ang pumukaw sa attensyon ni Gabriel habang busy sa pagtatype sa knayang laptop sa loob ng kanyang opisina .
" Sir Gab pinapatawag nyo raw po ako ? " Magalang na wika ni Mark.
" Come in Mark "
_____________________________________________
" Before anything else Mark, Do you know the name of the girl , yong malapit sa resthouse ko "? Deretsong tanong nya .
" Ahm " sandaling nag isip si Mark
" Ah Sir baka po si Ms. Drizella Muñoz po, ang room nya po kc eh sa way ng Room 10--20 sya lang po kc ang nag iisa doong babae the rest po ay puro lalaki . Bakit po may problema po ba " takang tanong nya .
" Nothing. Im just courios about that girl. Masyadong mataray " natatawang wika ni Gabriel.
" Sa totoo po nyan sir , pumunta po sya sa counter kahapon . " Panimula nya.
" Bakit daw "
" Gusto nya pong magpalipat ng room. Kaya lang wla naman vacant kahapon. Hindi ko po alam kong bakit. Hindi nya po sinasabi ang dahilan nya kong bakit gusto nyang magpalipat . Sa tingin ko po, baka may nangbabastos sa kanya Sir. Buti nalang po at nabanggit nyo . Report ko po sana yun sa inyo baka po kc may nanggugulo sa kanya . " Paliwanag ni Mark .
Lihim namang napangiti si Gabriel dahil hindi nakalipat ng room sa Drizella.
At ngayon alam na nya ang pangalan ng babae .
" Oh i see gawan natin ang aksyon na yan baka nga may nanggugulo sa kanya . "
Tatango tango naman si Mark
" Okay po "
" At paki inform sa security na ayusin ang pagbabantay , pakidoble check kong kinakailangan lalo na sa gabi . At ang bouncer, kapag may nanggugulo lalo na sa mga lasing na guest. Paki bigyan ng actions ayokong masabit sa kahit anong iskandalo ang resort. Maliwanag, pakisabihan narin ang mga ibang staff sa kani- kanilang tungkulin "
" Yes sir, mauuna na po ako . "
" By the way Mark, pakisabi kay Martin . Pakidala sa room ni Ms. Muños . Umorder ako sa kitchen platter 3 with drinks . Salamat You may go. "
Tuloy tuloy na sa paglabas si Mark hindi na sya nagtanong pa kong bakit papadalhan nya ng pagkain si Drizella Muñoz.