Hindi nga ako pinilit ng sino man sa pamilya ko na sumama sa anumang lakad nila kasama ang mga Montemayor. Sina Mama, Judy, hipag ko at mga pamangkin ko ang kasaman ng Mama at ate ni Zakarias. Kung saan-saan sila namamasyal at talagang sinusulit nila ang bawat araw nila. Ilang taon din ako sa ibang bansa pero hindi ko nagawa ang magliwaliw noong umuwi ako isang taon na ang nakalipas. “Manang Jo, akala namin ay kasama kang namasyal? Bakit narito ka lang?” tanong ni Isko na at kasunod na si Bugoy. Tulad ng dati ay tapos na sila sa trabaho sa talyer habang ako ay walang humpay pa rin ang pagpaypay sa uling para maluto ang mga bibingka at puto bungbong. Hindi pa ako makauwi dahil nga binabawi ko ang mga araw na hindi ako nakapagtinda. Ayaw nga ni Nanay na magtinda ako dahil baka lalo ako

