Episode 3

1030 Words
Wala pa namang bumibili kaya tahimik lamang akong nakaupo at panay scroll sa cellphone ko at nagtitingin-tingin sa newsfeed ko. Nakikita ko na marami ang nagla-live selling ng mga paninda nila gaya ng mga ukay-ukay kaya naman naisip kong gayahin kapag may oras ako. Marami rin kasi akong panindang mga damit na hindi ko na maasikaso ang pagtitinda dahil sa pagtitinda ko ng bibingka at putobungbong. Lahat naman ng mga friends ko sa social media ay mga kakillala ko rin naman lalo na ang mga elementary at high school classmates ko na ang karamihan ay may mga pamilya na. May asawa at ilan na ang mga anak. Kung may iilan na wala pang pamilya ay kasama na ako sa mga yon. "Manang Jona, napaka seryoso mo naman sa cellphone mo at hindi mo ako napapansin dito," isang boses na naman ng lalaki ang ayaw kong marinig pero para talaga siyang tukso na lapit na lapit sa akin. Si Zakarias. Tiningnan ko siya kasabay ng pagtaas ng kaliwa kong kilay. "Ano po iyon, Manong?" sarkastiko kong tanong sabay tayo ko at lapit sa tindahan. "Siguro naghahanap ka ng ka-chat ano? Manang Jona, huwag kang nagpapaniwala sa mga dating app, dating app na yan at marami ang naloloko diyan. Kunwari nagpapaanggap na mga foreigner pero ang totoo mga scammer at peperahan ka lang." Payo pa ng taosng grasa na akal mo naman ay sigurado siya na gumagamit ako ng sinasabi niyang dating app. "Anong bibilhin mo?" sa halip ay tanong ko lang. "Wala naman akong ibang binibili kung hindi ang bibingka mo." Maagap na sagot ni Zakarias ngunit umugong ang tuksuhan dahil paparating na rin sa tindahan ko ang dalawa sa kanyang mga tauhan. "Boss, sa araw-araw ba naman na meryenda natin ay hindi ka nagsasawa sa bibingka ni Manang Jona?" tanong ni Buboy na alam ko naman na may halong pagkaberde ang pagbanggit nila sa bibingka. Noong una nga ay napipikon ako ngunit gaya nga ng sabi ni Buboy ay araw-araw kumakain ng bibingka kong tinda si Zakarias. Madalas ay pinapakyaw pa niya ang mga natitira kong paninda. Hindi ko rin alam at hindi rin siya nagsasawa sa paninda ko kaya iniisip ko na lang na sadyang masarap siguro ang tinda kong bibingka kaya araw-araw siyang bumibili. "Hindi talaga magsasawa yan si Boss sa bibingka dahil baka hindi natin alam ay nilalagyan ni Manang Jona ng gayuma!" sabay tawa ni Isko ang isa sa mga tauhan ni Zakarias na sinabayan na rin ni Buboy. "Hoy! Anong pinagsasabi niyong nilagyan ko ng gayuma? At bakit ko naman lalagyan ng gayum ang bibingka ko? Hindi ko kailangan na maglagay ng kahit na anong gayuma sa bibingka ko para lang balik-balikan ako ng mga customer. Kaya huwag niyo akong mapaandaran ng mga sinasabi niyong gayuma!" masungit kong saway sa mga alaskador na tauhan ni Zakarias na manang-mana sa kanya. "Manang Jona, binibiro ka lang naman nina Isko at Buboy kaya huwag ka ng masyadong high blood at baka mag-iba ang lasa nitong bibingka mo," ani sa akin ni Zakarias na nakalitaw ang mapuputi at pantay-pantay na mga ngipin sabay kindat pa. Gaya ng dati ay nakasuot siya ng kulay itim na damit na bukod sa mantsa ng grasa ay gula-gulanit pa ang tela kung saan masisilip ang hubad niyang katawan. Hindi ko alam kung manginglabot ako o masusuka dahil kinikindatan pa niya ako na para ba kaming close na dalawa. "Bakit kailangan mo pa akong kindadatan?" masungit kong tanong. Ngunit lalong tumawa sina Isko at Buboy sa naging tanong ko sa kanilang preskong amo. "Manang Jona, ang sungit mo naman. Iyong ibang mga babae nga diyan ay panay papansin dito kay Boss. Daan nga ng daan sa harap ng talyer masulyapan lang ang kapogian ni Boss samantalang ikaw ay pinupuntahan pa dito at kinikindatan ay hindi ka ba kinikilig?" tukso ni Buboy. "Nakakakilabot at nakakasuka. Huwag niyo akong magaya-gaya sa ibang babae na nagpapansin ka niyo sa boss niyo at hindi ako papansin," wika ko pa sabay paypay sa kalan de uling kung saan nakasalang ang bibingka. "Grabe ka naman sa akin, Manang Jona. Tama naman itong sinasabi sayo nina Isko at Buboy na may mga nagpapansin sa akin pero ikaw ay nasusuka pa sa pagkindat ko?" tanong ni Zakarias na inagaw sa akin ang pamaypay at siya na mismo ang nagpaypay sa nakasalang na bibingka. "Ay! Ngayon ko lang napansin na kapag magkatabi pala kayong dalawa ay bagay na bagay talaga kayo ni Manang Jona. boss!" namamanghang sambit ni Isko. "Ako nga ay tigil-tigilan niyo sa kalokohan niyo, ano?" saway ko na naman at sa lahat talaga ng ayaw ko ay ang tinutukso ako kung kanino lalo na kun dito kay Zakarias. "Manang Jona ang kill joy mo naman. Ay! Kahit sinong makakita sa inyo ngayon ni boss ay iisipin na mag-asawa kayo. Bagay na bagay kayo!" pamimilit ni Isko. "Huwag niyo ng pagpilitan kay Manang Jona na bagay kami at hindi naman talaga yann maniniwala. Ganyan talaga kapag matanda na at nalipasan na nag kilig sa katawan." Pang-aasar naman ni Zakarias na pinagdiinan na naman na matanda na ako. "Mas matanda ka sa akin kaya huwag mong madamay-damay ang edad ko. At saka umalis ka nga sa tabi ko at kaya kong magluto ng bibingka kahit ako lang mag-isa," sabay agaw ko na naman sa pamaypay na hawak ni Zakarias pero ayaw niyang bitawan kahit nakipagtitigan na ako sa kanya. "Ayi! Nakakakilig naman kayo boss! Bagay na bagay talaga kayo kahit kontra si Manang Jona!" kinikilig na tukso ni Buboy. Nagkatinginan naman kamig dalawa ni Zakarias na nakangiti na naman habang nakatitig sa mukha ko. "Si Manang Jona lang naman itong hindi kinikilig sa mga banat ko. Lagi niya kasing iniisip na narito ako para bwisitin siya samantalang narito ako para pagsilbihan siya." Malinaw na sambit sa akin ni Zakarias habang nakatingin sa aking mukha. Ewan ko ba sa lalaking ito at madalas talaga akong imbyenahin sa kanyang mga banat. Minsan hindi ko na lang pinapandin pero madalas ay sinosopla ko para manahimik. Alam ko naman na inaasar lang ako ni Zakarias lalo pa at isa yata sa adahikain niya sa araw-araw na kanyang pamumuhay ay ang imbyernahin ang buong araw ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD