“Balita ko kuya Zak patapos na ang bahay na pinapagaw mo, ha?” tanong ni Judy kay Zakarias. “Oo, pintura na lang at tapos na.” Buong pagmamalaki naman na sagot ng taong grasa. Ewan ko kung bakit ang laki naman ng bahay niya sa tapat ng bahay namin ay nagpagawa pa siya ng isang malaking bahay sa kabilang barangay. Naririnig ko nga ang kwentuhan nila minsan na malaki nga ang bahay ni Zakarias pero hindj naman talaga malayo na makapagpagawa siya ng ganun dahil may pera siya. “Kuya pwede ka ng mag-asawa niyan!” bulalas ng isa kong kapatid na lalaki. “Mag-aasawa na talaga ako at malapit na.” Tugon ng taong grasa na tumingin pa sa gawi ko. Akala niya yata ay maiinggit ako sa sinabi niya. At sinasabi ko na ba at hindi pwedeng wala naman siyang girlfriend. Baka nga kaliwa't kanan pa ang mga

