“Ang dami mo yatang balak na iluto ngayong pasko, Jona?” tanong ni Nanay habang hawak ang notebook kung saan ko isinulat ang mga sangkap ng mga putaheng nais kong iluto bilang noche buena ngayong pasko. Ngayon na nagbabalak na naman akong mangibang bansa ay parang mas gusto ko na maging espeyal ang bawat araw na kasama ko ang buong pamilya ko. Hindi ko pa nasasabi kay Nanay at kahit kanino ang balak ko ulit na mag-trabaho sa ibayong dagat. “Nay, para mas maging espesyal ang noche buena natin. At mas marami pa tayong handa sa media noche sa bagong taon. Mas maganda na talagang salubingin natin ang unang araw ng taon ng siksik, liglig at umaapaw!” bulalak ko habang binabanlawan ko na ang mga hinugasan kong mga maruming baso at mga plato sa lababo. “Mukhang kay sasarap pa nitong mga putah

