CAYE Check-up ko na ngayon at kasama ko si Bea. Dahil ayaw nilang sabihin sa akin ang gender ng mga babies. Magkakaroon daw ng gender reveal party. Iyon daw kasi ang uso ngayon kaya gagawin namin. Pumayag naman ako pagkatapos nito ay maghahanap kami ng venue para sa party. Hindi naman kailangan na bongga ang mahalaga ay maging masaya ang outcome. Naka uwi na kami, si Bea lang ang nakakaalam ng gender ng kambal. "Ate, sana diyan tayo sa Griffin's Diner magpa-gender reveal. Pero kasi mahal diyan kaya hanap na lang tayo ng iba," saad nito sa akin. Sa totoo lang naisip ko na talaga na diyan na lang kaya ilan lang naman kaming dadalo at pupunta ako doon para mag inquire baka kayanin naman ng budget ko. "Sige Bea try natin magtanong. Samahan mo ako," sabi ko sa kanya. "Sige po ate tara na

