CAYE Masayang natapos ang swimming namin sa pool nila. Umakyat na kami papunta sa kwarto namin. Inasikaso ko ang mga bata. "Baby, okay lang ba sa 'yo na mag stay tayo rito?" Tanong niya sa akin. "Oo naman, love. Gusto kong subukan na bigyan ng chance ang mommy mo. Hindi mo siya masisisi kung hindi pa niya ako natatanggap ng luubusan. Siguro time na rin na magpa-impress ako sa kanya diba?" Nakangiting sabi ko sa kanya. "Okay baby. Pero kapag may problema ay magsabi ka kaagad sa akin," aniya sa akin. "Opo Love," sagot ko sa kanya. Hapon na ngayon kaya balak ko pumunta sa grocery para mamili ng mga ipapalit ko doon sa fridge nila. Kasama ng mommy niya ang kambal. "May lakad ka ba baby?" Tanong niya sa akin. kasalukuyan kasi akong nagbibihis. "Yes, love punta lang ako sa grocery. Sasam

