CAYE After five days ay umuwi na ang lahat sa Maynila. Naging masaya talaga at memorable ang huling stay namin doon ni Luke. Pasalamat na rin ako dahil kahit paano ay hindi kami nahalata ng mga kasama namin. "We miss you mama!" tumatakbong sigaw ng mga anak ko. "Namiss din kayo ni mama mga anak," saad ko sa kanila sabay yakap. "Paano naman ako?" "Daddy..!" masayang sabi nila. Bumitaw sila sa akin at patakbong niyakap ang daddy nila. "Namiss ka po namin daddy," masayang sabi ng panganay ko. "Namiss ko rin ang mga prinsesa ko. May pasalubong si daddy sa inyo," masayang sabi ni Luke sa kanila. Naexcite naman ang mga bata ng malaman nila na may dalang pasalubong si Luke. Dumaan ang mga araw at mga buwan ay naging masaya ang pagsasama namin kahit na palihim lang. May mga times na doon a

