LUKE Masyadong masarap ang tulog ko kagabi. Ganado akong nagising para sa pangalawang araw na panunuyo ko sa baby ko. Gusto kong ipakita sa kanya na nagbago na ko. Hindi ako makamove-on sa mga nanyari kahapon. Kahit kasi nagtataray ang baby ko ay napaka-ganda parin talaga niya. "Binabaliw mo na naman ako baby," saad ko sa sarili ko . Nagmaneho ako papunta sa bakeshop. Sa sobrang ganda ng mood ko ay napapakanta pa ako habang nagda-drive. Nagdala ako ng LC para sa mga staff niya. Para naman may kakampi ako. Hindi ko ugaling manuhol pero ngayon ay gagawin ko para naman kahit papaano ay may mga susuporta sa akin habang nanunuyo ako. Nang dumating ako ay nakangiti sa akin ang mga staff niya at binati ako. "Good morning, Sir Pogi." "Good morning, guys. Para sa inyo pili na lang kayo n

